Chapter 18

1.9K 59 10
                                    

Kenzo's POV


Lumabas ako ng room. Naiinis ako dun sa katabi ko. Kanina ko pang tinatawag pero hindi ako pinapansin. Bakit ba ganun yung babaeng 'yon?

Kinakamusta ko na nga, siya pa yung may ganang magsuplada.

Tss. Hindi ko tuloy mapigilang di mapaisip. Galit ba siya? Dahil ba 'yon sa nangyari last week sa canteen?

So anong gusto niyo? Magsorry pa ako sa kanya?

"Tss. No way." sabi ko na lang. Sa nanay ko nga hindi ako nagsosorry sa kanya pa.

"Mr. Lara!" napalingon ako nang may tumawag. Si Teacher Zai pala.

"Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"Bakit wala ka sa klase? Time ko ngayon ah." tanong niya.

Oo nga pala, may klase kami sa kanya ngayon. Pero teka-

"Eh bakit ikaw teacher? Wala ka sa klase? Time mo ngayon diba?" tanong ko sa kanya.

"Wag mong ibinabalik sa'kin ang tanong, simple lang kung bakit wala ako sa klase, walang klase. Eh ikaw Mr. Lara? Bakit di ka pumasok sa klase ko?" tanong pa niya.

"Simple lang Teacher, wala ka kasing klase, bakit ako papasok?" sagot ko sa kanya. Mukha naman siyang nagulat sa sinagot ko.

Napakamot naman sa ulo niya si Teacher Zai.

"Hay nako Mr. Lara, go to my office now." sabi pa niya sa'kin.

"B-bakit naman Teacher?" tanong ko pa sa kanya.

"Basta pumunta ka na lang, may pag-uusapan tayo." sabi pa niya.

"Eh teacher, may klase pa ako." pagdadahilan ko sa kanya. Sa totoo niya ay gusto ko ng umuwi. Maiinis lang kasi ako pag nakita ko pa si Ayame at hindi na naman ako pansinin.

"Saan mo mas gustong pumunta Mr. Lara, sa office ko o sa guidance office?" iritable niyang tanong. Napalunok na lamang ako.

Wala na akong magagawa, ayoko namang maguidance. Mamaya, ipatapon na naman ako ni Dad sa Korea, ayoko na 'don.

"Sa office niyo po." tumango siya at sumunod naman ako sa kanya.

Ano ba kasing pag-uusapan namin? Yung hindi ko pag pasok kanina?

Naglakad na kami papunta sa office niya.

May bigla akong naalala.

Si Pickle. Ano kayang nagustuhan ni Ayame sa kanya e mukha namang basagulero 'yong Pickle na 'yon. Di hamak naman na mas mukha akong good boy 'don?

Tss. Naiinis ako.

Naiinis ako kay Pickle.

Lalong lalo na nung narinig kong tawagin niya akong 'Kengkong'

Tss. Hindi naman ako mukhang unggoy ah?! Pickle na yun. Di ko tuloy mapigilang hindi mapa tss.

Nang makarating kami sa opisina ni Teacher Zai ay pumasok na rin kami sa loob.

Nagulat na lamang ako nang makita ko sina Gail, Greg at Ayame na nasa loob.

Katabi ni Gail si Ayame, samantalang bakante naman ang upuan sa tabi ni Greg.

Pinaupo ako ni Teacher Zai sa tabi ni Greg.

"Good Afternoon sa inyong apat." bati niya sa amin.

"Teacher ano bang meron?" tanong ko kay Teacher Zai.

"Well, silang tatlo alam na nila. And since wala ka kanina, clueless ka." alam ko po Teacher Zai, kaya ko nga tinatanong kung anong meron diba? Tss.

Di na lang ako umimik, pinakinggan ko na lang siya.

"Magkakaroon ng Mr and Ms. S. Ville. this year at kayong apat ang napagbotohan ng klase na sumali, well with the exemption ay Ms. Evangelista since nag volunteer siya at nandito kayo para matingnan natin kung sino nga ba talaga ang karapat dapat na ilaban since isang pair lang naman ang kailangan. Well, the other pair will substitute kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa kung sino man sa mapipiling pair." sabi pa niya.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad papalabas.

"Mr. Lara, where are you going?" tanong ni Teacher sa akin.

"I'm not interested Teacher, hanap na lang kayo ng iba." maglalakad na sana ako palabas nang bigla ulit siyang umimik.

"Stay here or see you at the guidance office?" tanong pa niya.

Napatigil naman ako. Sa paglalakad.

"Tss. Fine." wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik sa aking kinauupuan.

"As what I was saying, isang pair lang ang lalaban. Yung isang pair ang for substitute. Well, to tell you, habang naglalakad pa lang ako papunta dito ay nakapagdecide na ako sa kung sinong ilalaban ng section natin." sabi pa niya at tumingin siya sa akin.

"And I decided that Mr. Lara and Evangelista will compete." dirediretso niyang sabi. "Mr. Magno and Ms. Jamet, kayo ang magsasub if ever." dagdag pa niya.

Aangal pa sana ako but since wala namang umagal e di hindi na lang rin ako umangal.

"From now on, kailangan palagi kayong magkakasamang apat. Kailangang may mabuong bond sa pagitan niyo, lalo na sa bawat pair. Kailangan pagdating ng pageant, nandoon kayo to compete not as an individual but as by partner. Kailangang makitaan nila kayo ng chemistry." sabi pa niya sa amin.

'Chemistry, tss. Kung talagang may koneksyon ang dalawang tao, meron, kung wala, e di wala. Bakit pipilitin kung likas na wala?' isip-isip ko.

Tumango naman si Gail, Greg at Ayame, ako naman walang pakialam.

Bahala sila.

Dinismiss na rin kami ni Teacher Zai after no'n.

Bumalik na rin kami sa room. Nag-uusap si Greg at si Gail. Nasa unahan ko si Ayame, tahimik lang siyang naglalakad. Ganun din naman ako.

Bigla kong narecall yung sinabi ni Teacher Zai kanina, kailangan daw may Chemistry.

"Tss." sabi ko ulit. Hindi ko alam kung nakakailang 'Tss' na ako pero kung iispin mo, napakaimposibleng magkaroon kami ng Chemistry nitong babae sa unahan ko.

NAPAKAIMPOSIBLE, lalo na ngayon.

Nang makarating kami ng room ay nagkaklase na yung teacher namin sa Foreign Language. Tinanong niya lang kami kung bakit kami nalate, sumagot naman si Gail at pinaupo na rin kami nung Teacher.

Hindi na ako aasa pa na kakausapin ako ng katabi ko.

Kung galit siya sa'kin, e di magalit siya.

Mag-isa siyang sumali do'n sa pageant kung saan nag volunteer siya.


May biglang nag echo sa utak ko.


'nag volunteer siya.'

'nag volunteer siya.'

'nag volunteer siya.'


Napatingin ako sa kanya.


"Nagvolunteer ka?!"



Chased by a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon