CHAPTER 25.5

565 14 3
                                    

CHAPTER 25.5:

Papasok ako ngayon sa Unit ni Alex habang kumakain ng ice cream na nabili ko sa tapat ng condo building na tinitirhan niya.



Magpapasama ako sa kanya sa supermarket. Naubusan na kasi ko ng stocks sa bahay. He texted me free daw siya at susunduin na lang ako pero nainip ako kaya dumiretso na ko sa condo niya. Wala din kasi si Keleey nasa probinsya namin. Minsan dadalaw ako doon. Ang ibang mga bruha naman busy daw. Busy ata sa kanya kanyang date. Sus! Si Patty din nagbakasyon.



Katatapos lang ng pasko. Umuwi din dito sila kuya charles at ang mga kapatid ko para dito magcelebrate. Unang pasko na di namin makakasama sa noche buena sila mama thea, mom and dad. But we still manage the spirit of christmas. Di hinayaan ni kuya na mangulila kami sa gitna ng pagdiriwang ng pasko. Nagpaluto siya ng marami sa personal chef namin. He even wear a Santa Claus costume to grant Czyril wished. Thank god he seems happy seeing Santa after all.

Nasa may tapat na ko ng pinto ng unit ni Alex at pipindutin na sana ang door bell. Pero nakita kong nakaawang na ang pinto kaya naman bubuksan ko sana ito ng mas maluwag para makapasok na ako sa loob.

"You can't back off Alexis. Its yours. We did it. Kailangan mo akong panagutan. "

Narinig kong pasigaw na sabi ng babae. Nag-aaway ata sila. Hawak hawak ko na ang door knob at bubuksan ko pa sana na ng mas maluwag ito para makapasok ako bago pa magsink in sa utak ko yung mga sinabi ng babae.

Im totally froze. "What was that?" bulong ko sa sarili ko.

Yung Ice cream ko nahulog nalang sa sahig.

Tama ba yung narinig ko? Panagutan? Ginawa nila yun? Bakit papanagutan? At ang pinaka tanong sa isip ko sino yung babaeng kausap ni Alex?

Mas nagulantang ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa harapan ko ang babae na sinasabing panagutan siya at ang babaeng kinaiinisan ko dahil sa mga ginawa niya sa relasyon namin ni Alex, ay iisa.

"C-caine?" Sabi nito mukhang nabigla din siya sa pagkakakita sa akin. Napalingon naman si akin si Alex na kanina ay nakatalikod at nakahilamos ang mga palad sa mukha.

Nanginig ang buo kong katawan sa pagkakita ko sa kanilang dalawa. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko na napigilang umagos ang luha ko ng makita ko ang gulat ding reaction ni Alex sa akin.

"Fuck! C-caine let me explain..."

Bigla na lang akong tumakbo papuntang elevator. Sakto bukas pa ito kaya dumiretso agad ako sa loob at mabilis na pinindot ang first floor. Hindi naman na ako nagawa pang abutan ni Alex. Tumakbo din ako palabas ng building. Marami na akong nakakasalubong at mga nababangga sa pagtakbo ko, ngunit wala na akong paki kung sigawan nila ako. Parang nabingi na ako sa sakit ng nararamdaman ko.

Ano yun? Panagutan? Ano pinagsasabi ni Lynde? Ano? Shit! May nangyari ba sakanila ni Alex? Kailan pa yun? Habang wala ako? At buntis na si Lynde?


Hindi ko alam kung saan ako patungo. Gusto ko lang tumakbo at lumayo sa kanila. Ang sakit!

Mahal na mahal ko si Alex. Minahal ko siya. Akala ko siya na ang para sa akin. Ang sabi niya mahal na mahal niya rin ako. Paano niya nagawa yun sa akin? I trusted him.

Sa kakatakbo ko nadapa na ako sa gilid ng kalsada. Kahit kailan talaga tatanga-tanga ako.

"Nasaktan kana nga Caine, dadagdagan mo pa ang sugat mo. Tatanga tanga ka nanaman eh" Bulong ko sa sarili ko.

Maraming tao pero wala na akong paki kung nakikita nila akong mukhang yagit sa pagiyak. Umupo na lang ako doon at niyakap ang mga binti ko saka humagulgol.

Hanggang sa may naramdaman akong nakatayo sa harap ko at bigla na lang akong niyakap. Niyakap ko rin siya sa kabila ng pag-iyak ko. Kailangan ko ng malalabasan at masasadalan sa ngayon dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Trinaydor ako ni Alex. Akala ko ako lang. Ang buong akala ko sapat na ako sa kanya. Pero hindi nagawa niya parin akong pagtaksilan matapos ko siyang piliin. Sa pag-iyak ko diko namalayan nakatulog na ako sa bisig ng lalaking ito.

>>> mhenzae

Stay with Me(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon