CHAPTER 10

1K 27 14
                                    

CHAPTER 10:



Galit sa akin si alex. Kasi nga diba? Malay ko ba na pupunta siya dito sa bahay. Sana sinabi niya agad kagabi para na cancel ko na yung pupuntahan ko diba? Makapagyaya na lumabas kasi biglaan. Haist! Ano ba naman yang nagawa ko kabagu-bago pa lang namin eh mukhang pinagtataksilan ko na siya, mukha lang huh pero hindi talaga.Tinatawagan daw niya ako. Shemmet naman Oh! Nakapatay na pala phone ko. Pag-open ko oemgeee dami messages! Kainis! Hindi ko naman namalayan na dead batt na pala ito. Sa kwarto ko hindi parin ako mapakali. Pabaling-baling ako sa kama ko pero nakakainis di parin siya nagpaparamdam lagi naman yun nangungulit bago matulog. Malapit na maghating-gabi  Itext ko kaya siya o tawagan na lang?


Dial...dial..dial...


Di niya sinasagot, hindi to pwede hindi ako papayag na matatapos itong araw na hindi kami nag-kakaayos. Alam ko na. Nag-open ako ng facebook ko. Hindi pa pala ako nakakapagpalit ng relationship status mapalitan nga, sana iconfirm niya. Nag-post narin ako sa timeline niya, wala na ko paki makita ng maraming tao yung post ko ang importante mag-kabati na kami dahil namimissed ko na siya agad.


I MISSED YOU MR. ALEXIS KENN GARCIA!

PLEASE MAG-USAP TAYO!

SORRY NA PO!!!!!!!!!!!!!

Ilang saglit lang...



"Fine! What do you want?"  Alexis via Personal message


"Magkita tayo sa cafe ngayon, I'll wait for you."


Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, tinurn-off ko na laptop ko at nagbihis. After 25minutes nasa cafe na ako. Hihintayin ko siya kahit gaano pa siya katagal.


After 30 minutes...


"Alex, buti dumating ka." diretso siya sa pag-upo sa tapat ko "Sorry talaga kanina di ko nasabi ang pagpunta ko kila Fritz Dean, dinalaw ko lang naman sila tita at Deanne." 


"........" ininom lang niya yung coffee ko, akin kaya yan umorder ka ng sayo.Sige na nga sayo na lang basta peace tayo.


"I'm really sorry, promise hindi ko na hahayaang madead batt phone ko." sana epektib toh nagpuppy eyes pa ako.

"...." tumalikod siya sa akin ayt! Ano ba yan di parin epektib?

"Oi! Sorry na, Patawad di ko naman talaga sinasadya eiii..Wag kana magalit ikaw lang naman ang boyfriend ko ei super hot na  boyfie." 

Tumayo na siya at lumakad na papaalis...


Teka hindi pwede to'.


Isip caine? Ano bang dapat kong gawin? Malapit na siya sa pinto.Tsk! Bahala na nga....


"Hoy! Ikaw Lalake!"  napasigaw  at napatayo na ako niyan sa kinakaupuan ko. Nagsitinginan tuloy mga tao sa akin doon sa loob. Pero siya di parin tumitingin.Tumigil lang siya sa paglalakad pero nakatalikod parin. Kainis! 

Stay with Me(COMPLETED)Where stories live. Discover now