CHAPTER 4

1.5K 47 27
                                    

 CHAPTER 4:

CAINE's POV

Ito kaya?

Hindi.

Ito nalang.

Hindi bagay.

Anubayan? Ang hirap naman mamili.

Wala rin. Dito din ang bagsak ko. Nakakatamad naman kasi maghanap. Wala rin ako masyado dalang damit. Nasa bakasyon kaya ako, wala ako sa bahay. Haist! Tsaka tama na ito baka kung ano pa isipin nun at pinag-handaan ko pa siya.

Napili ko ang isang maong shorts at terno ang plain white shirt. Linugay ko na lang buhok na medyo kulot, bagay din naman sakin ang naka-ponytail. Nakakatamad lang magtali talaga. May pagkasingkit ang mga mata at mahahaba ang pilikmata ko. Half korean daw kasi si mommy. Hindi rin ako nasanay mag make-up, madalas kasi sabi ni mama mapula na daw pisngi ko kurutin lang daw. Meron din daw akong mga dimples, na kapag ngumingiti ay lumalabas. Pati narin ngipin kong pantay-pantay. Namana ko naman daw ang ilong ko sa daddy ko. Mama talaga oh. Lumalaki ulo ko sa mga pinagsasabi niya. hmmm... I missed her. Konting lipgloss, kauntin foundation  at perfume lang ok na. Go go go...

Knock! Knock! Knock!

"Caine?"

I opened the door. But shocks! Natulala lang ako. Tulo laway. Waah. Joke lang. Naka polo siya na ka unbutton ung taas. Hmmmm. Ambango bango naman.

{YUNG SUOT NILA YUNG NASA LINK RIGHT SIDE ———>>>}

"Ready?"

"Ah. Ehh. S-sige"  ayt! nakakataranta naman eto.

"Let's go"

Namasyal kami sa buong resort. Wow ha! Sobrang laki rin nito. Naglakad-lakad kami sa may dalampasigan. Ang sarap ng hangin at yung mga alon umaabot ng kaunti sa mga paa namin. Ang sarap mag-tampisaw.    Ito namang kasama ko kanina pa busy kumuha ng mga pictures. Para namang first time niya makapunta dito. Dapat ako gumagawa niyan eh. Naiwan ko nga lang camera ko sa katarantahan ko. 

"Caine" Tumingin naman ako sa kanya

Nagflash yung cam...

"Oi!! Teka lang burahin mo yan. Di ako prepared."

"Okay nga 'to eh"

"Hindi. Akina yan... Idelete mo nga eh"

Naghahabulan kami ngayon ambilis naman niya diko mahabol.

"Akina... Maawa ka."

"Ayoko nga, akin kaya ito."

Nang maabutan ko siya. Pinipilit kong abutin sa kanya. Kainis! Bakit kasi ang tangkad nito eh? Ang hirap abutin.

"Hala! Baka Ampanget ng kuha ko diyan!"

Pauwi na sana kami kaso biglang umulan ng malakas. Ang layo pa naman na namin sa resort. Naghanap kami ng masisilungan. Yun lang basang basa na kami. Hanggang nakakita kami ng isang kubo. Kumatok kami kaya lang walang sumasagot. Bukas naman ang pinto kaya pumasok narin kami. Lalo pang lumalakas ang ulan.

"Bukas ang pinto...Tara sa loob"

nasa loob na kami mukhang meron namang nakatira at maayos ang mga gamit.

"Hindi kaya nakakahiya. Pumasok tayo ng walang tao"

"Gusto mo ba lamigin sa labas?" sabi ko nga dito nalang sa loob.

"..............................."

"Ahm Caine..."

"Hmmm?"

Stay with Me(COMPLETED)Where stories live. Discover now