CHAPTER 20.5

585 24 5
                                    

CHAPTER 20.5:





CAINE's POV


Nagluluto kami ngayon nia mama sa kitchen. Nagpapaturo kasi ako sa kanya kung paano magluto ng masarap. Siyempre kapag gusto ulit ng boss ko ng luto ko , maipagmamalaki ko na ang niluto ko.

Tatanungin ko sana si mama kung ano yung susunod na gagawin nang

"Ma ano nga pala yung susunod na ilalagay pagkatapos-. "

"Ahhhhhh!"

Nang bigla na lamang dumaing sa matinding sakit si mama. Nabitawan ko ang hawak konh sandok at dali-dali siyang pinuntahan sa gilid ng table. Tinawagan ko si manang at manong para maisakay sa sasakyan si mama. Habang nasa sasakyan kami sobrang kaba ko takot, nakikita kong sobrang sakit ang nararamdaman ni mama, ang nagawa ko na lang ay yakapin siya ng mahigpit hanggang makarating kami sa ospital.

Sa hospital.....

"Doc, kumusta po ang mama ko?" pagtatnong ko sa doctor matapos niyang lumabas sa emergency room.

"Ihija, inilipat na sa room ang mama mo. Sa ngayon ang maibibgay na lamang namin sa kanya ay mga pain reliever na lamang. Bukod doon wala na kaming maibibgay na gamut para sa sakit niya."

Hindi ko maintindihan kung ano yung pinagsasabi ni dok, sakit? Pain reliever? wala naman nasabi si mama sa akin na meron siyang sakit ah.

"A-ano ho? Teka muna..Anung sakit ang sinasabi niyo?" naguguluhan kong tanong sa doctor.

"Hindi pa ba nasabi ni Thea sa inyo? Hmmm I guess she's the right one to tell you everything.Excuse me. I need to go" pagkasabi nun umalis na siya at iniwan akong naguguluhan.

Pagpasok ko sa kwarto ni mama, nadatnan ko na siyang gising. Nafrufrustrrate ako sa mga sinabi ng doctor sa akin.

"Ma, ano bang nangyayari? Ano itong sinasabi ng doctor na may sakit ka? Naguguluhan ako. Please ma tell me, sabihin mo sa akin na hindi totoo yun?" Mukha akong tanga sa totoo lang alam mo yung pakiramdam ko talaga may hindi na magandang nangyayari kay mama pero ayaw tanggapin ng utak ko yun.

. "A-anak..." her voice broke "S-sorry itinago ko sayo." tuluyan ng umagos ang mga luha sa mata niya "Mayroon akong cancer, cervical cancer. Stage 4 Patawarin mo ang mama anak.." sa puntong yun humagulgol na sa iyak si mama. Di ko mawari isipin na si mama na kelan lang napakasaya namin ay ngayon mayroong cancer stage 4 pa. Ayokong isipin na kunting panahon na lamang ang itatagal niya para makasama ko siya.

Yinakap ko siya nga mahigpit habang wala ding tigil ang pagluha ko.

"M-ma, meron pang paraan, Kahit ano pa iyon...Gagaling ka."

"Anak, kunti na lamang ang nalalabi kong-"

"Shhh! Hindi ma, matagal pa tayong magkakasama diba? Ggraduate pa ko kelangan andun kapa."

Nalaman narin ng buong pamilya at mga kaibigan ang sakit ni mama. Minsan-minsan ang mga kaibigan ko ang kasama ni mama nagpapacheck up kapag meron ako exams. Si alex lagi lang nakaalalay sa akin. Ngunit sa mga nagdaang linggo at buwan, mas lalo naming nakikita ang paghihirap ni mama. Andyan ang madalas niyang pagchichill. Na napapadalas ang pagsumpong. Madalas akong natatakot nab aka bigla na lang kunin si mama. Kaya simula nung nalaman ko ang sakit niya, Hindi ko talaga siya iniiwan. Kung umalis man ako meron dapat nakatingin sa kanya.

Sa hospital ...Naconfine ulit si mama, This time wala na talaga, sinabi ng mga doctor na ilang araw na lang ang itatagal niya, she was already bed ridden at putlang-putla na ang kulay niya.

"Caine, anak." mahina niyang pagkakasabi "Uwi na tayo." Halata a kanya na bagot na siya at gusto na talagang umuwi.

"Okay ma, uwi na tayo. Kailangan mo diba makasagap ng sariwang hangin." plit akong ngumiti sa kanya sa kabila ng sitwasyon niya. Kelangan kong ipakit na matatag ako at kakayanin ko ano man ang mangyari.

Kinabukasan matapos ayusin ang bills at kung-anu-ano pa, naiuwi narin namin si mama.

"Welcome home tita!" masiglang bati ni patty

"Tita, we cooked your favourite dish. Tara na sa loob."

"Maraming salamat mga anak." itinuring narin kasing ank-anak ang mga kaibigan ko sa sobrang kaclose ng mga ito.

Dumating ang araw na kinakatakutan ko. Matagal ko na ring pinaghandaan ang araw na ito. Ngunit ngayon na ramdam ko na na kunting oras na lang ang nalalabi kay mama. Hindi ko mawari isipin na mawawalay na siya sa akin.

"Caine, Anak...mahal na mhal kita."

Ang mga huling salita na binigkas niya bago siya bawian ng buhay mismo sa tabi ko matapos siyang bendisyunan ng pari. Napahagulgol ako ng iyak habang yakap yakap ang isa ng bangkay ng aking kinalakihang ina. Sa tagal ng panahon ko siya nakasama,nagpalaki at tinuring akong tunay na anak. Hindi ko matanggap kung bakit sa dami ng pwedeng maagang kunin bakit siya pa.

Ibinurol siya ng isang linggo, umuwi rin sila mommy at daddy para damayan ako. Nagsipuntahan din ang mga kaibigan at classmates ko sa burol, pati narin si alex at ang kanyang buong pamilya, nagpapahiwatig ng pakikiramay sa akin.

Matapos mailibing ng itinuring kong tunay na ina. Isang di inaasahang pangyayari ang naganap sa pag-alis pabalik ng amerika ng aking mga tunay na magulang mula sa burol.



>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> mhenzae

Stay with Me(COMPLETED)Where stories live. Discover now