CHAPTER 8

941 41 20
                                    

CHAPTER 8

Nagsasayaw parin kami ni Fritz. Komportable talaga ako sa kanya kahit noon pa. He's gentleman, smart, caring, responsible and gwapo siyempre. Siya talaga ang ideal man ko noon. I like him that time. Alex is weird. Pansin ko lang kanina pa siya nakatingin sa amin. Is he trying to make me jealous with her? Nah! I'm busy with Fritz. Nagkabanggaan tuloy ang pares namin.

"Ouch!" -say ni bitchy Lynde

"Sorry pare."

Pangalawang ikot namin nagkabanggaan ulit ang pares namin.

"Mayproblema ba pare?" - Fritz

"Bakit ikaw may problema ka?" akmang kukwelyuhan na si Fritz ni Alex

"Baka lang kasi nasaktan kasama mo."

"Wala ka nang pakialam dun!" parang meron ng masamang aura sa likod ni Alex

"Stop it! Wag nga kayong mag-away." umawat na ako at pumagitna sa kanila baka tuluyan ng magkagulo dito, umawat narin sila Wharton at Wayne.

"Okay"- Fritz

"Tara na Fritz." buti pa ito sumusunod agad sa akin, hindi gaya nung isa diyan napaka childish, lasing pa yata.Tsk!

"Caine..." sabay hawak sa braso ko "I'm sorry." -Alex hindi ako kumibo, hinila ko palayo ang braso ko at naglakad na palayo kasama si Fritz

"Czerny, are you okay?" -Fritz

Hindi Fritz! Nakakainis na siya. Bakit ba kailangan niyang ipamukha sa akin na meron siyang ibang kasama at sweet pa sila? Sana pabayaan na lang niya ako. Tapos gagawa pa siya sana ng eksena kanina. Nakakastress siya alam mo yun?

"Magrestroom lang ako."

"Okay sige."

Matapos ko magretouch at pakalmahin ang sarili ko sa loob ng c.r. Oo doon nga ako nagtanggal ng stress. Leshe kasing Alex yan! Nakakainis! Lumabas na din ako baka hanapin nila ako mag-iisang oras narin ako doon sa loob Nasa second floor pa naman ito. Anong ginawa ko doon? Oi! Di ako jumebs huh! Kinausap ko lang ang sarili ko na wag na magpaapekto kanila Alex. Oo gusto ko na siya pero kong ayaw niya na sa akin edi wag. Tsk!

Paglabas ko...

"Caine... We need to talk.." shemmet naman oh! Anong ginagawa niyan dito? Bakit din a lang siya makipaglandian sa Lynde na yun o kaya magpakalulong na lang sa alak? Tsk! Buhay oh! Talaga parang life!

"No" I tried to avoid him "Leave me alone...You're drunk!" I can smell liquor on his breathe.

"Caine... Hindi ako lasing" I glared at him "Fine! Nakainom lang ako and I want to explain...About this party." 

"Wala kang dapat ipaliwanag, naiintindihan ko ang lahat." It's a big NO... Hindi ko maintindihan. Bakit siya pa? Bakit ang landi landi mo? Ano yung mga sinabi mo mga pinakita mo? Ano yun fling mo lang. Palipas oras?

"Please caine..." sana lang Alex hindi mo na lang pinaramdam sa akin yun.

"I said No..Ayoko!" tumakbo ako hanggang makarating sa may corridor. Hindi ko napigilan umiyak doon. Nakakainis naman kasi sobra! 

"Caine... Please makinig ka sana sa akin." Pinunasan ko yung luha ko sayang lang yung retouch ko nasira lang din at saka humarap sa kanya

"Ang kulit mo naman eh! Bakit? Ano ba kita? Wala namang namamagitan sa atin diba? Kaya wala kang dapat na ipali....." naputol na yung mga sasabihin ko sa kanya.

Stay with Me(COMPLETED)Where stories live. Discover now