CHAPTER 30

2.4K 28 4
                                    

EPILOGUE

ALEX POV

Akala ko sapat na ang piliin niya ako at mahal namin ang isa't -isa, na lahat masaya lang. Sobrang minahal ko siya kaya ang akala ko lahat ay ma-aayon sa mga plano ko. Para sa aming dalawa. All these years I knew it that she's the one. She's my life. But I did a mistake.

---

"Tabi!" Sigaw ko sa kanya.

Isang babae ang nakaupo at nakayuko yakap-yakap ang mga binti ang nadatnan ko sa madalas na tinatambayan kong lugar kapag nacucutting class ako. Dito sa likod ng school building, tago kasi ang lugar na ito, may mga puno sa tabi kaya di pansin kung mayroong tao nakatambay.

Bakit ba may nakaalam ng tambayan ko dito? Tsss. Bulong ko

"I said get..."

Hihilahin ko sana siya patayo nung marinig ko ang paghikbi niya.

"Hey!"

Mas lalong pang lumakas ang pag-iyak nito. Kaya nataranta na ako baka kasi may makarinig at makakita sa amin sabihin pa eh may ginagawa akong masama sa babaeng ito.

"Arrgh! What do you want? Just stop crying." Umupo ako sa tabi niya. "Fine! Just sit there. And I'll stay with you." At inabutan ko siya ng panyo, para naman luminis ang mukha niya kahit papaano. Mukhang punong puno na ng sipon ang mukha niya eh.

Humina naman ang pagiyak nito, kaya't medyo nakahinga ako ng maluwag. Halos mag iisa't kalahating oras narin siyang umiiyak ng tahimik. Hanggang sa nakatulog na ang babaeng nang-agaw ng tambayan ko. Hindi ko namalayan ako rin nakatulog na sa tabi niya.

Pareho kaming nakatulog ng nakaupo habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Mag-aalas-sais na ng gabi nang maalimpungatan ako. Gising na pala siya. Nag-aayos ng sarili at hindi parin umaalis.

Nang bigla itong nag-salita. "Alam mo ba yung pakiramdam na malaman na hindi ka pala tunay na anak ng kinagisnan mong ina? Na ampon ka?" at bigla nanaman itong humikbi na para bang nagbabantang umiyak ng malakas. Nataranta naman ako baka kasi marinig kami. Buti nalang at nakapagpigil agad ito.

Kinuwento niya na kaninang umaga lang daw niya nalaman na ampon siya. Na nakita at inaruga lang ng kanyang kinikilalang ina ngayon. Noon pa daw niya naririnig na ampon nga siya pero kanina lang niya napatunayan nung marinig niyang nag-uusap ang kanyang ina at isang kamag-anak nito. Sa kinilalang ina niya na mismo narinig na hindi niya ito tunay na anak. Masakit daw yun sa kanya, na inilihim sa kanya ang pagkatao niya at nagalit siya dito. Kaya imbes na dumiretso ito sa classroom ay dito sa likod siya pumunta at nag-iiyak. Sobrang nasaktan daw siya nung narinig niya yun sa usapan nila. Una nagalit daw siya sa mama niya, pero napag-isip-isip din niya agad ngayon na dapat magpasalamat pa nga siya kasi sila ang kumupkop sa kanya at nag-aruga.

"Ang sarap sigurong makasama ang mga tunay na magulang ano? Masaya, lalo na kapag mayroong mga kapatid. Kaya ako kapag nakita ko sila, gagawin ko ang lahat mapasaya lang sila at lagi kong ipaparamdam na mahal na mahal ko sila kung bibigyan ako ng pagkakataon. Sana buhay pa sila at sana makasama ko sila. Sana mabawi namin yung mga panahon na nahiwalay ako sa kanila." Huminga itong malalim at tumingin sa akin. May mga luha pa ang kanyang mga mata at ngumiti.

"Ikaw? Napakaswerte mo siguro kasi nakakasama mo ang pamilya mo."

When she said those words to me bigla akong natauhan. Bakit nga ba ako nagrerebelde sa dad ko? Bakit lagi kong pina-paiyak ang mommy ko tuwing napapatrouble ako? Kulang sila ng time sa akin dahil sa sobra nilang busy sa work. Pero di ba dapat pa akong magpasalamat dahil hanggang ngayon magkakasama parin kami. Nagtatrabaho sila para sa future ko, para sa amin ng kapatid ko. Para rin sa amin yun. Close naman kami ni Dad dati eh. Ako lang yung lumayo sa kanya mula nung hindi siya naka-attend nung 8th birthday ko. Since then I hated him. Pero nalaman ko rin kamakalian na noon he tried his best para makauwi nung birthday ko dahil pinangako niya sa akin. He even canceled all his meetings within that day, but unfortunately his plane stranded for an hours in U.S. Kaya hindi siya nakarating nung araw na yun. Nakita ko na lang siya when we we're having our breakfast and since then I get mad at him all the time.I'm such a pain in the ass. But you changed me.

- - -

"10 minutes Alex...10 minutes lang kung hindi pareho tayong malalagot."

I begged Keeleey, Lumuhod ako sa kanya kaninang umaga para lang mapagbigyan niya na makita at makausap ko si Caine kahit saglit lang sa ICU. Laking pagpapasalamat ko sa kanya kahit na sinapak niya muna ako bago siya pumayag at nagawa niya ito kahit pareho kaming malalagot sa kuya ni Caine.

"Caine, I'm here... Alex. I'm sorry Caine, I'm really sorry." God knows kung gaano ko kagusto na ako na lang at wag ng ikaw ang nasa ganitong sitwasyon. "Ayaw kitang nakikitang nasasaktan but I did this to you. I'm sorry."

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga maputla niyang kaliwang kamay at hinalikan ito. You're still beautiful. I'm an asshole doing that thing to you. I'll never forgive myself and I will not give up. So please hold on.

"Remember all the memories that we had? Lahat ng masasayang araw na magkakasama tayo? Gusto ko gumawa pa tayo ng mas marami at mas masasayang memories and when we grow old, we'll still reminisce all that memories together."

"I'm still here, please Caine... Stay with me."

Then suddenly the cardiac monitor registered a flat line. For a moment I felt like I stopped breathing and shocked that realizing I will gonna lose her. I panic and shouted to call a nurse and doctor.

When the doctor and nurse immediately arrive. Hinila ako palabas ng ICU nang ilang mga nurse kahit nagpumiglas ako. Wala akong magawa. Sa labas nalang ng bintana ako nakasilip at nanlalabo ang paningin. Napapaigtad ako kasabay ng pag-nginig ng katawan niya sa bawat paglapat ng debfibrillator pads sa dibdib nito. Pinupump na nila ang dibdib niya at ako walang magawa kundi tumingin sa ginagawa nila sa kanya. Halos hindi ako makahinga sa nakikita ko, naninikip ang dibdib ko at walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko sa gilid ng aking mga mata. At that moment I wished and prayed to have a miracle once in my life.

Umiling na ang mga doctor na para bang wala ng pag-asa at ako naman ay halos basagin na ang salamin na nakaharang sa harapan ko. Hindi ko matatanggap na mawawala na ang babaeng pinaka mamahal ko.Hindi... Hindi maaring sumuko ka Caine. Lumaban ka! Please...

Then the machine startedbeeping again and I froze when I saw Caine opens her eyes...

'''

After 3 years ....

"What Caine?"

"Teka nga, di ka makapaghintay?"

"Yeah. I won't waste another time para pakasalan ka."

"Aw! Para saan yun?"

"Abno ka kasi! Oo na nga eh ano pang tina-tanga tanga mo diyan? Isu-suot mo ba o ako na magsusuot?" naiiritang nakalahad na ang mga kamay niya sa harap ko.

I put an engagement ring into her finger. And I did pulled her so I can kiss her lips. I kissed the girl of my life. For all the trials we faced they made our relationship more stronger and now finally I will marry her... My everything... "The girl who chose to stay with me until the end."

~Fin

Wattpad version:
Nov. 30, 2013-June 26, 2015

Notebook version/Superjeje version:
Dec. 2006-June 2015

AUTHOR'S NOTE:

Isang napakalaking THANKIEEE PO sa lahat ng nagtiyaga at nagbasa nito. Pasensya na sa sobrang daming Typos at wrong grammars ko. Sobrang tagal ko po ito ginawa. Sobrang daming pag-rerevise na nangyari. Basta sobrang dami lang ng ups and downs nitong story habang ginagawa ko. Dumating pa yung point na muntik ko ng idelete. Pero heto siya natapos. Kaya! Parteh! Parteh na! Woooh! Sana po nagustuhan niyo yung ending yan lang talaga kinaya ng braincells ko. Maraming maraming super duper Thankieeeeee!!!! <3 <3 <3

>>> mhenzae <<<












>>> mhenzae <<<

Stay with Me(COMPLETED)Where stories live. Discover now