CHAPTER 28

836 16 2
                                    

CHAPTER 28:




CAINE's POV

Hindi ko lubos maisip na sumuko kana sa relasyon natin.  Ni hindi ko naisip na ganun- ganun nalang at biglang nawala na lamang ng parang bula  ito. Ikaw ang unang bumitaw sa mga pangako natin sa isa't-isa.  Ni hindi man lang tayo umabot ng isang taon. Ang saklap lang. Lalo na ngayong araw na ito ika-labing isang buwan na sana natin. Ngayon pa talaga ang napili niyong araw.


Ngayong araw ang kasal mo. Ngayon din ang araw ng alis ko para magsimula ng panibagong buhay.


    "Manong wala na po bang ibang daan?" pagtatanong ko sa taxi driver na sinakyan ko habang patingin-tingin sa aking relo.

    "Meron naman po ma'am, pero kasi naipit na tayo sa traffic."

Wala naman ng saysay kung bakit pa ako hindi aalis. Nandun ang pamilya ko, mas maganda din ang magiging kinabukasan  ko doon kumpara dito. Ang barkada?  May social media naman kaya magiging updated parin ako sakanila. At  siya... Pipilitin ko na siyang ialis sa buhay ko, pagkatapos lang nito. Ngayon araw lang na ito.


Nandito ako ngayon sisilip sa kasal niya. Kasal ng  taong minsang  pinangarap kong magiging ka-isang dibdib.  Kahit sa huling sulyap lang makita lang kita saglit. Pipilitin ko nang kalimutan ang lahat. Lahat...lahat ng meron sa atin. 

Aalis ako para magsimula ng panibagong buhay kasama ang mga kapatid ko. Si kuya Charles ay hindi na rin makapapayag pa na manatili ako dito, kaya siya na mismo ang sumundo sa akin matapos niyang malaman ang lahat. Galit na galit nga ito lalo nung malaman niyang si Lynde ang babaeng pakakasalan ni Alex. I wonder kung nagkaroon ba talaga sila ng relasyon noon. Sa desisyon ni kuya Charles at desisyon ko na rin. Matatagalan siguro o baka hindi na ako bumalik pa dito.

     "Te-teka ma'am saan po kayo pupunta?"

——-

SOMEONE's POV

  I was looking at you. You're so beautiful wearing that white long dress. But Isn't it more wonderful wearing that beautiful dress while I am the man who's standing and waiting for you along the altar?

Shit! I need to go. You already saw me. Don't worry I  am just here, because I want to see you for the last time. I want you to  stay out of my life. Even if you are the reason why I live in this  such a painful life. For a glimpse of our companionship. For just a little bit of  time, you became my everything...my life.

———

LYNDE'S POV

I saw him. What the hell he's doing right here? Pinagmukha mo akong tanga. I know wala namang tayo, ni minsan hindi naging tayo. We're just having fun. But that was just only at first, but every time I'm with you, I felt like I'm still the best whenever I'm at worst. You make me feel like I'm your the one and only queen. But you chose them. You choose that damn company instead of me.

Kaunting oras na lang Lynde. Kaunting-kaunti na lang matatali kana ng habang buhay kay Alex. Ginusto mo ito. Hindi kana dapat pang makonsensya ngayon. Lalo na ngayon sa harap ng maraming tao at sa harapan ng mga magulang mo. 


 "Shit! Why I am now crying?"






—-

Dapat hindi kana nagpakita...




Marahil nagkakagulo na lahat ng tao sa loob ng simbahan pati ang buo kong mag-anak. Isang malaking kahihiyan ang nangyayari ngayon. Si Alex malamang naguguluhan din kung bakit ko nagawa ito.

Sa pagtakbo ko, alam ko iniwan ko ang buong pamilya ko sa kahihiyan. Pero hindi ko na kaya. Bakit anlakas makakonsensya nung lalalaking yun? Nagpakita lang siya ng saglit nawala na lahat ng plano ko. Sa totoo lang wala namang kasalanan si Alex, gusto ko lang makaganti kay Caine. I Hate her so much! If I'll be miserable, I want her life to be miserable too. 

Pero ganun na ba talaga ako kasama? Patuloy ang agos ng mga luha ko habang tumatakbo ako palayo ng simbahan. Kahit pa tirik na ang araw at masakit na ito sa balat hnidi ko na alintana pa ang sakit, dahil mas masakit ang puso ko sa saglit napagpapakita niya. Ano bang iniisip ko? Na pipigilan niya akong magpakasal sa iba? Nahihibang na siguro ako. Lintek na pagmamahal ito puro nalang sakit ang naidudulot sa akin. Hindi ba pwedeng humiling ako naman? Ako naman ang bigyan ng happy ending hindi yung ako na lang palagi ang kontrabida?

Dahan-dahan na akong naglalakad sa daan. 


"Baby? Are you alright? Sorry na sa patakbo si mommy. Nakita mo din ba ang daddy mo? Sumilip siya kanina sa atin. Hindi niya pa alam ang tungkol sayo. Pero kung alam niya matutuwa kaya siya? Gugustuhin niya na ba tayong maging parte ng buhay niya?" 


 "Miss tabi!!!"

Sa sobrang bilis ng pangyayari ang huling naramadaman ko ay ang mabilis pagbangga ng katawan ko sa matigas na bagay at unti unting nagdilim ang aking paningin...




——

CAINE's POV

Napakaraming busina ng mga sasakyan ang  umaalingaw-ngaw sa kalagitnaan ng daan. Masyadong maraming nakapilang sasakyan dahil sa traffic. Lumusot ako sa kabilang daan kung saan medyo may kaluwagan. Malapit-lapit narin naman dito ang simbahan na pagdaraosan ng kasal niya.


Sigurado akong makakaabot pa ako kung sisimulan ko nang maglakad ngayon. Patawid na ako sa kabila nang bigla may nagpaharurot ng takbo. Mabilis ang mga pangyayari naramdaman ko na lang nakahandusay ako sa gitna ng daan nanlalabo ang paningin. Hanggang sa pagsilip ko ba naman sayo sa kahuhuli-hulihang sandali ay sadyang napakaraming hadlang.




*****

Hello guys! Kung nagtataka kayo. At kung hindi niyo mabasa yung last two chapter. It's because prinivate ko siya. So you need to follow me first bago siya mababasa.  Anyways thankiee sa pagbabasa. :)

>>>mhenzae


Stay with Me(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon