Chapter 77: Reason

1.3K 42 17
                                    

Very short UD >.<

Enjoy Reading!!

------------------------------

Chapter 77

------------------------------

Ilang oras na akong mulat na mulat samantalang yung mga kasama ko kanina pa tulog.

Paano ba naman ako makakatulog kung sa kabilang kwarto ay nandoon si Ian beybe at Avril? Naloloka ako sa mga iniisip ko. What if ginagawa nila ngayon yung ginawa namin ni Ian? Urgh!

Tumayo na ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Kailangan ko na talagang magpahangin. Kung anu-ano na kasi tumatakbo sa isipan ko at naiinis lang ako sa mga isiping yun.

Naglakad-lakad ako papunta sa kung saan. Hanggang sa may natanaw akong dalawang bulto ng tao—mukhang nag-aaway dahil nagtutulakan sila. Dahil nacurious ako, lumapit ako sakanila.

Pero hindi ko inaasahan na si James at Xander ang nag-aaway.

"Gago ka James. Sobrang babaw nun." nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa. Nalilito ako. Hindi ko alam kung bakit ba sila nag-aaway.

"Tangina. Hindi mo alam kung gaano nasasaktan ang mama ko."

Kwinelyuhan niya si James at matalim niya itong tinignan. "Tangina mo din. Hindi mo din alam kung gaano din siya nasasaktan. Makasarili ka James."

"Makasarili?" tinanggal niya ang pagkakakwelyo ni Xander, "Nasasaktan din ako. Mahirap mamili sakanila." sagot ni James na may lungkot sa tinig.

Ngayon ko lang napansin pumutok yung labi niya. Pero ano yung sinabi niya? Mahirap mamili sakanila? What the heck! Sino sakanila? Sa amin ni Avril? Ibig sabihin.. mabilis na tumulo ang luha ko.

"Saksi ako sa pagdurusa ni mommy dahil sa pagmamahal ni dad sa mommy ni Keisha." pagpapatuloy niya pero lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya.

Natahimik si Xander.

"Sabihin mong mali ang naging desisyon ko?"

Umalis na ako doon. Hindi ko na kayang idigest ang mga sinasabi ni James.

Pumunta na ako sa kwarto ko at doon ako umiiyak. Ano nga ulit ang sinabi niya? Saksi siya sa pagdurusa ng mommy niya dahil sa pagmamahal ng daddy niya sa mommy ko.

Dali-dali kong kinuha yung phone ko. Agad kong tinawagan si mommy. May gusto akong malaman.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya kausapin. "Mom?"

[How are you baby? Kumusta ka na. I miss you. Mabuti naman napatawag ka.] masiglang sabi ni mama sa kabilang linya.

"Can I ask you a question mom?"

[Sure baby. Go ahead]

"Mom may minahal po ba kayo?"

[Woah! Yeah, meron. Bakit mo tanong yun baby?]

"Ito po ba yung may ari ng Lee Corporation?"

Narinig kong napasinghap si mommy sa tanong. [yes baby. He's my first loved. Remember siya yung kwinento ko sa'yo nung nasa hospital ka. My first love and my bestfriend.]

"Okay mom." ibinaba ko na yung tawag.

Tumigil bigla sa pag-ikot ang mundo ko. Para akong tanga na iyak lang ng iyak. Yun ba ang dahilan mo James?

..wala akong kasalanan lalo na ang mommy ko.

=============================

Expect the Unexpected

When I Meet Mr. Playboy and Mr. Tahimik (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon