Chapter 68: I Love You but...

1.4K 41 15
                                    

Dedic to my bebe :) Salamat sa lahat. Alam mo na siguro kung bakit ako nagpapasalamat sayo diba. Sa dami ba naman ng naitulong mo sa akin. You're such a great friend kahit sa social network lang tayo nagkilala. I hope to see you soon bebe :)) Labyuu. GodBless.

Enjoy Reading!!

------------------------------

Chapter 68

------------------------------

[JL's POV]

"XANDER!!" sigaw nilang lahat except kay James.

Inaasahan na niya kasing darating ito lalo na nakita niyang nahimatay si Keisha. Oo, ang lalaking nakaupo kanina sa swing walang iba kundi si... Xander. Alam rin ni James na mag-iisang buwan ng nandito si Xander.

"Anong kagu--"

"Ikaw!!"

*boogsh*

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Kurt sa mukha ni Xander kaya naman napahiga ito sa sahig.

Pinunasan ni Xander ang dugo sa may ibabang labi nito saka tumayo. Sumugod ulit si Kurt. Hindi lang isang suntok ang ginawa niya. Kundi maraming beses.

"Hoy! Anong tinutunganga niyo diyan? Awatin niyo sila." sabi ni Nikka sa tatlong lalaki.

"Hayaan mong magtuos sila. Malaki ang kasalanan ni Xander sa kanyang kapatid."

Halos manlumo sila sa kanilang nakikita. Tinatanggap lang niya kasi ang suntok ni Kurt. Ni hindi siya lumalaban. Kung tutuusin kulang pa ang mga suntok nito bilang kabayaran sa pagkawasak ng kanyang kapatid.

"Tama na." hinigit ni Jess si Kurt palayo kay Xander.

Awang-awa na siya kay Xander. Hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil bugbog sarado na ito.

"Gago ka! Ang kapal din ng pagmumukha mong pumunta pa dito. Pagkatapos ng ginawa mo. Ipinagkatiwala ko siya sayo dahil alam kong hindi mo siya sasaktan pero ano ang ginawa mo.."

"Hayup ka!" susugod na naman sana siya pero mahigpit ang pagkakahawak sakanya ni Jess.

Kung nakakapatay lang ang tingin ngayon. Siguradong patay na si Xander.

"Taenang yan. Ialis niyo yan sa harapan ko." duro niya kay Xander, "Baka mapatay ko pa yan."

Wala ni isang nagreact sakanila. Parang natameme sila sa sinabi ni Kurt. Ikaw ba namang marinig sa sinabi niya.

"Gusto ko lang makausap si Keisha."

Kwinelyuhan na naman siya ni Kurt.

"Hayup kang talaga. Pagkatapos mo siyang iwanan. Dadating-dating ka dito ng parang walang nangyari. Gago ka pala talaga eh."

*boogsh*

Sinuntok na naman siya ni Kurt kaya napahiga ito.

"Lumayas ka na dito. Bago pa magdilim ang paningin ko." nanggigil na sambit ni Kurt.

"Xander, sige na. Umalis ka na. Hindi ito yung tamang oras para dito." sabi ni Jess na nag-aalala.

Kilala niya kasi ang kanyang boyfriend. Alam nitong hindi mangingiming gawin niya kung ano ang kanyang sinabi.

Tumayo na siya saka lumabas ng pinto.

Nakahinga naman sila ng maluwag. Mabuti na lang at naintidihan ni Xander ang sitwasyon niya ngayon.

When I Meet Mr. Playboy and Mr. Tahimik (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon