Chapter 64: He's back?

1.5K 41 11
                                    

**Thank you sa mga patuloy pa rin na naglalagay ng story ko sakanilang reading list. Salamat sainyo.


Enjoy Reading!!

------------------------------

Chapter 64

------------------------------

~¤~ Keisha's POV  ~¤~


"Bye Keisha. Mauna na kami. Nandyan na ang sundo mo." sabi saken ng classmate ko, si Krizel.

Two weeks na simula nung nag umpisa ang klase. Agad ko naman nakuhanan ng loob ang mga classmate ko kaya sa two weeks pa lang close ko na halos ang mga blockmate ko.


"Hahaha, sige ingat kayo."

Paglabas ko ng room. Nakaabang na naman siya sa may pintuan.

Simula nung sinabi ko sakanyang huwag niya akong iwasan. Hindi na nga niya yun ginawa. Nagkasakit din kasi ako nung time na nagpabasa kami sa may fountain. Siya ang nag alaga sakin hanggat hindi pa ako gumagaling. Lalo din siyang naging sweet sakin.


"Tara." inakbayan niya ako.


"Musta ang klase?"


"Okay lang naman." nakangiti kong sagot.


"Mukhang nag-e-enjoy ka sa bago mong course."


"Oo eh. Masayang kasama yung mga blockmate ko tapos basta. Hahaha."


"Tara date tayo."

Napatigil ako sa paglalakad. Seryoso? Date? Gosh matagal ko ng hinihintay ang yayain niya akong makipagdate. Tapos eto na. Eto na ang chance. Bakit pa ako tatanggi?


"Sure" *U*


"Sabi na nga ba 'di ka tatanggi."

Ah ganun. Dapat pala nagpakipot muna ako. Shems na yan. Bakit hindi ko alam? Pero dapat pa ba akong magpakipot? Sabi kasi dun sa t.v kung may gusto ka sa isang tao huwag ka ng magpakipot. So I grab the opportunity. Masama ba?


"Tse! Bakit naman ako tatanggi? Sus. Tara na nga."

Pumunta lang kami ng mall. Kumain, nanood ng movie. Wala man lang kaexcite-excite ang ginawa namin kaya hindi ko na lang ikukwento. Ayos na rin siguro ito. Atleast may progress na sa amin. Kapag naramdaman ko ng hindi one sided love lang ang meron sa amin. Hindi na ako magdadalawang isip na aminin sakanya kasi alam kong hindi ako masasaktan. Hindi ako marereject. Sana lang magtuloy-tuloy na 'to.

When I Meet Mr. Playboy and Mr. Tahimik (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon