Chapter 61: Stolen kiss??

1.6K 38 9
                                    

Enjoy Reading!! 

------------------------------

Chapter 61

------------------------------

Nabibigatan si James sa may bandang legs niya dahil may nakapatong dito. Kaya naman nagising siya. Laking gulat niya ng makita ang katabi. Si Keisha pala, na nakayakap sakanya. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. At sunod-sunod na paglunok ang ginawa niya. Ilang inches lang kasi ang layo ng mukha nito sa mukha ni Keisha kaya konting lapit na lang dito ay mahahalikan na niya si Keisha. Nahihirapan siyang kontrolin ang kanyang sarili dahil matagal na niyang gustong mahalikan si Keisha. Pangarap kung baga.

*tsup*

Mabilis niyang hinalikan si Keisha.

Isa na lang.

*tsup*

*tsup*

Last na talaga yun Shan. Sorry kung nagnakaw ako ng halik sayo. That 3 kiss mean i love you.

Hinawi ni James ang mga buhok na humaharang sa mukha ni Keisha.

"Good morning sweety." tatayo na sana siya pero napakahigpit ng yakap ni Keisha sakanya.

Unti-unting minulat ni Keisha ang kanyang mata. Isang ngiti ang bumungad sa mukha ng dalaga. Alam kasi niyang hinalikan siya ni James sa labi. Kahit saglit lang yun, ramdam na ramdam niya.

"Good morning Ian beybe."

Hindi nakareact kaagad si James.

Alam kaya niyang hinalikan ko siya? Sana hindi. Grabe naman kasi yun. Hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko? Paano ko nga ba pipigilan kung napakakissable lips niya. Waaah patawad Keisha.

"Ay sorry. Ginawa tuloy kitang unan hahahaha."

Bakit ba kahit bagong gising ka. Maganda ka pa din.

Bumangon na si Keisha tska niya binuksan yung sliding door.

"Whattaa fresh air" \\O//

Itinaas pa yung kamay niya.

"Waaaa"

Naalala naman niya bigla yung nangyari bago sila matulog ni Ian beybe niya. Wala naman as in nangyari sakanila, walang physical contact kumbaga. Sabay kasi nilang pinanuod ang pagsunrise. Worth it naman dahil kinilig silang dalawa.

LOVE na ba ang tawag dito? napahawak siya sa dibdib niya. Yung kiss? Bumilis ulit ang tibok ng puso niya.

"Waaah! Mababaliw na ako.."

Bumukas yung pinto..

"Okay ka lang ba Kei? Brunch na." nagpalinga-linga siya. Hinahanap kasi ni Jess si James, "Nasan siya?"

"Si James ba? Hmm nasa cr yata."

"Okay.. Bumaba na lang kayo."

"Sige"

***

Naglakad lakad sila sa tabi ng dalampasigan. Dapat pupunta sana sila sa Bangui Windmills kaso tanghali na sila nagising kaya naman ipinagpabukas na lang nila ang pagpasyal dun.

Habang nagkakasiyahan ang mga kaibigan ni Keisha. Nasa ilalim naman siya ng coconut tree. Nagsasun bathing siya. Sa taas ng araw ngayon tignan ko lang kung hindi siya magkaroon ng sunburn.

When I Meet Mr. Playboy and Mr. Tahimik (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon