Chapter 60: Summer time

1.6K 35 3
                                    

Enjoy Reading!! 

------------------------------

Chapter 60

------------------------------

~¤~ James's POV ~¤~

"Perfect James.. Grabe nasobrahan ka yata ng inspiration ngayon.. Hindi ka man lang nagshare.." sabi sa akin ni Jess habang inaayos niya ang kanyang notes pabalik sa bag..

Sinabi kasi nila kung ano ang result ng test namin and I'm glad that halos perfect ko lahat.. Hindi ko alam kung bakit? Siguro dahil laging tumatambay si Keisha sa bahay ko.. Siguro dahil sa inlove na inlove ako sakanya.. Wahahaha..

"Yay! Nagbablush ka James.. Shet na yan.." inakbayan niya ako, "Let's go.." sabay na kaming lumabas ng room. Nauna na kasi ang apat..

Tinginan sila samin.. What's wrong with that? Nakaakbay ako sakanya at yung isa niyang kamay nasa waist ko.. Naging ganito kami simula nung nalaman niyang mahal ko si Keisha.. Habang tumatagal lalo kaming nagiging close.. Lahat ng gusto niyang sabihin nasasabi niya na saken.. I'm happy for that because she trust me..

"James" napatingin ako sakanya, "Yes?" sagot ko naman.

"May nakukwento ba sayo si Kei.. Wala ba siyang naaalala?" kumuno't naman bigla yung noo ko.. Kung makatanong kasi siya parang nagpapanic..

"Natatakot kasi ako kapag naalala niya si...alam mo na.. Hindi ka ba natatakot?" huminga ako ng malalim.

Sino bang hindi matatakot? Kapag bumalik si Xander dito sa Pilipinas.. Maaaring maalala niya lahat.. Kung tutuusin kayang kaya ko siyang mapaibig.. Sino bang nakakaresist sa charm ko? Pero hindi ko yun pwedeng gawin.. Hindi ako selfish.. Ayokong dumating yung time na kasuklaman ako ni Kei dahil naging makasarili ako, dahil ginamit ko ang kahinaan niya para mahalin niya ako..

"Hindi." pagsisinungling ko, "Ala-ala niya yun na nawala.. Kung maalala niya man, dapat lang.." napabitaw siya sa pagkakahawak niya sa waist ko.

Yun naman ang dapat.. Hindi ba? Pero hindi ko iiwasan si Kei..

"Ang ewan 'no.. May opportunity ka na eh.. Don't tell me sasayangin mo lang yun? My gahd!! Kahit ngayon lang, sumubok ka naman James.. Paano ko magagawa ang dapat kong gawin kung hindi ka makikipag participate? James this is only your chance.. Chance to prove that you love her.. Kung sasayangin mo ang pagkakataon na 'to.. Sa susunod wala na.." bigla na lang niya akong tinalikuran at pumasok sa kotse niya..

Naiwan akong tulala sa parking lot? Sasayangin ko ba? O papatunayan ko.. Ako mismo hindi ko alam ang sagot.. Bahala na..

~¤~ JL's POV ~¤~

Tapos na ang isang taon nila sa College. Gaya nga ng sinabi ni Jess kay James. Pupunta sila ngayon sa Ilocos. Ilang araw din silang magsstay dun for summer vacation. At sobrang excited sila lalo na si Keisha.

"Waaah.. 9am na oh. Bakit ba kasi ngayon lang?" reklamo niya sa mga kaibigan niyang kararating pa lang..

"Kei, chill lang. Marami pa namang time eh." sabi sakanya ni Nikka.

Para kasing mga sabog na nakahithit ng katol. Adik lang. May mga hang over pa kasi sila dahil nag inum sila kagabi. Kaya si Keisha lang ang may matinong pag iisip ngayon.

Atsaka hindi naman yun ang pinopoint out ni Keisha. 9am na ng umaga ibig sabihin nun tanghaling tapat nasa byahe sila. Ayaw naman nilang magprivate plane kaya tiis-tiis silang magbabyahe ng 9hours papunta sa kanilang destinasyon.

When I Meet Mr. Playboy and Mr. Tahimik (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon