Chapter 52: Parang may mali..

1.6K 39 4
                                    

Dedicate kay miss Denny.. ----------------->>>>

Ganda kasi SHE DIED.. At sa wakas tapos ko na rin basahin yun :)) thank you sa isang napaka inspiring na kwento miss Denny.. Two thumbs for you ^___^

Enjoy Reading!!

------------------------------

Chapter 52

------------------------------

Parang may mali yata ngayon sa boyfriend ko.. Ang tahimik niya kasi.. Usually naman kapag magkasama kami siya unang magsasalita sa amin.. Okay naman kami kagabi bago siya makipagkita sa mama ni Faith..

Pinagmasdan ko siya habang nakafocus ito sa pagdadrive.. Ngayon lang siya nagshade.. Kulay itim pa ito.. Puyat ba siya kaya naisipan niyang magshade ngayon..

"Don't stare me that much. Mamaya niyan tunaw na pala ako.."

Hinampas ko siya ng mahina sa balikat niya, "Nyee ang corny ha! Wala namang tumutubong mais dito.."

"Psh. Malapit na Christmas."

"Oo nga eh, what you want?" tanong ko sakanya. Wala pa kasi akong maisip na ireregalo sakanya..

"Anything.." matipid niyang sagot. "Hmm girlfriend.."

"Yes.." napatingin ako sakanya..

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" sinulyapan niya ako saglit..

"Wa..wala naman.. Bakit mo natanong?"

"Akala ko kasi may sasabihin ka sa akin.." nakita ko namang napahigpit ang pagkakawak niya sa manibela..

May problema ba kami? Ang alam ko kasi wala eh..

"May aasikasuhin lang ako girlfriend.. Baka hindi na ako makapasok.. Susunduin na lang kita.." Bakit ganito? May mali talaga sakanya ngayon.. Gusto kong magtanong pero ano naman ang itatanong ko sakanya..

Huminto siya sa harap ng Campus..

"See you later.." hahalikan ko sana siya pero iniiwas naman niya yung mukha niya..

Nasaktan ako syempre.. Kung may problema siya sabihin niya sa akin.. Hindi yung parang tanga lang ako dito..

"Thanks na lang.." lumabas na ako ng kotse..

Sa klase wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng prof. namin.. Lumilipad ang isip ko sa kahit na saan..

Hanggang sa matapos na lahat ng klase namin.. Ganun lang ako, malalim ang iniisip, wala sa sarili..

Dito ako ngayon sa Café hinihintay siya.. Kaso isang oras na yata akong naghihintay dito wala pa rin siya.. Palabas na ako ng café, may bumangga sa akin.. Yung girlfriend pala ng kapatid ko.. Hindi ko na lang siya pinansin.. Ayoko na rin kasi ng gulo..

Naghihintay na ako ng taxi sa labas ng café.. Hindi na kasi darating ang sundo ko.. Mangilan-ngilan na lang din kasi ang mga estudyante dito sa café.. Dumidilim na din.. Ayokong magabihan..

***

Nakakainis.. Alam niyo yung feeling ng hindi ka kinakausap ng mahal mo..

Ilang araw na ba kaming hindi nagkakausap ni Xander.. Ang last conversation na namin is nung hinatid niya ako sa school.. Iyon na lang.. Simula nun parang bula na lang siyang nawala.. Sinusubukan ko siyang tawagan, nakapatay naman ang cellphone niya.. Nagemail na ako lahat-lahat wala man akong natanggap na reply..

When I Meet Mr. Playboy and Mr. Tahimik (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon