Chapter 71: I love you

1.5K 43 15
                                    

Enjoy Reading!!

------------------------------

Chapter 71

------------------------------

[JL's POV]

Nang makita ni James ang pangyayaring 'yon. Agad din siyang umalis. Hindi niya na kayang makita pa ang susunod na mangyayari. 

~~

Minulat na ni Keisha ang kanyang mata. At nahihiyang ihiwalay ang kanyang labi sa mga labi ni Xander.

"Sorry." sabi ni Keisha ng hindi siya tumitingin sa mga mata ni Xander. Nakayuko lang ito.

"Para saan yang sorry mo? Sa halik o dahil sa hindi ako." hinawakan nito ang kanyang baba para iangat ang nakayuko niyang ulo, "Look at me. Look at me in my eyes. Say it. Hindi ako magagalit."

Niyakap niya bigla si Xander. "Sorry." iyak na sabi nito.

"Don't worry I understand. Kasalanan ko rin naman lahat kung bakit naging komplikado ang sitwasyon. Atleast binigyan mo ako ng chance. Yun nga lang hindi ako ang pinili mo."

Nakasimangot itong humiwalay sa pagkakayap ni Xander.

"Hindi ko sinasadya."

He cupped her face, "Alam ko. Kaya huwag ka ng maguilty diyan."

Hinampas niya ito sa balikat, "Eh... nasaktan kita."

"Hahaha. Mas nasaktan kita. Kaya quits na lang tayo."

Ngumiti si Keisha, "Thank you."

***

"Hoy James. Ilang araw ka ng hindi pumapasok ah. Ano na bang nangyayari sayo? Si Keisha lagi ka niyang tinatanong sa akin." sabi ni Cedrick.

Mula kasi ng makita niya si Keisha at Xander. Nawalan na siya ng ganang pumasok.

"Bakit daw?" tanong naman niya sakanyang kaibigan.

"Malay ko. Ang alam ko may sasabihin siyang importante sayo." nakangiti niyang sabi.

Ininum na naman niya ang beer na nasa mesa ng kwarto niya.

Nagkalat lang ang mga beer in can sa kanyang kwarto. Parang hindi na nga kwarto sa hitsura ng kanyang kwarto ngayon. Isa na siyang hunted room.

"Ang creepy ng kwarto mo James. Langya oh! Hindi ka man lang magligpit."

"Umalis ka na nga dito." sigaw niya sakanyang kaibigan.

"Ano ba ang problema mo?"

"Hindi ako ang pinili niya."

Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

"She choose you." sabi ni Xander.

Mukhang gulat na gulat naman siya sakanyang nalaman.

"Sige, mauna na ako." paalam ni Cedrick.

Nakaramdam kasi siya na kailangang makapag-usap ang dalawa ng masinsinan. Lalaki sa lalaki.

"Anong sinasabi mo? Nakita kong hinalikan ka niya." naguguluhang tanong nito kay Xander.

"Hahaha. Nakita mo pala kami nun. Kaya pala feeling ko nun may nakatingin samin. Hahaha." tawa lang nito, "Pero seryoso James ikaw ang pinili niya at hindi ako."

When I Meet Mr. Playboy and Mr. Tahimik (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon