Chapter 6

4.3K 64 0
                                    

DALA NA rin siguro ng alak kaya hinahayaan ko si Cleo na halikan ako. Hindi umabot ng tatlong segundo ang kanyang halik nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone sa bulsa ng khaki shorts ko. Napadilat ako ng mata dahil tila ba nagising ako sa reyalidad. Hinawakan ko sa magkabilang braso si Cleo at inilayo siya sa akin.

"What's wrong?" nagtatakang tanong ni Cleo. Kinapa ko ang aking phone sa bulsa ko. Nang mabasa ko ang pangalan ng taong tumatawag sa akin ay nawala 'yong pagka-tipsy ko.

Shit!

Tumatawag si Yumi!

"Sorry, kailangan ko nang umalis. I need to take this call," wika ko kay Cleo at saka ako patakbong umalis palayo sa kanya.

I know Cleo was dumbfounded with what I just said to her, but she wasn't the reason why I came here. Basta ang alam ko lang, paalis na ako sa lugar na iyon at lumabas sa bahay ni Steven.

Malamig ang simoy ng hangin kahit pa-summer na. Tahimik rin ang subdivision at walang sasakyan na dumadaan.

Tumitig ako sa phone ko at napansing nagri-ring pa rin ito. No way in hell have I expected Yumi to call me in the middle of the night.

Ewan ko. Tumitig muna ako sa screen ng phone ko. Medyo nag-aalinlangan kasi akong sagutin. Mayroong parte sa akin na nahihiya kay Yumi dahil sa nasabi ko kagabi. Pero napangiti rin ako ng kaunti dahil hindi ko inasahan na tatawag siya.

I took a deep breath and answered Yumi's call. "Miss Panda?" bungad ko sa kanya.

Then, I heard her sobbing.

Fuck.

Napakunot ang noo ko dahil sa pag-iyak niya. Hindi naman siya humahagulgol. Lahat ng pagne-nega ko simula kagabi ay nawala na parang bula. Natuon ang buong atensyon ko kay Yumi at hindi ko maikakaila na nag-aalala ako sa kanya.

"What happened? Are you okay?" I asked concerned. Para akong natitimang for asking her that. Why would she cry kung okay siya, 'di ba?

Sa pagkakaalam ko rin ay kakalimutan ko na siya ngayong gabi. But here I am, worried na worried sa kanya.

"Hindi ko siya nailigtas... It was too late..." she said between her sobs. Then, she started to wail. Literal na 'yong paghagulgol niya. Parang sinasakal ang puso ko ngayong naririnig ko siyang umiiyak.

If only I can fly to her, I will caress her hair and hug her.

"Sino?" tanong ko.

"'Yong lolo. Magkausap lang kami kaninang umaga, eh. He was so calm tapos ngayong gabi hindi ko akalain na malulunod siya... ang sabi suicide daw... I thought I could save him pero huli na... he's—" I cut her off because she sounded frantic. Tila nagpa-panic siya habang kinikwento ang nangyari.

"Shh," malumanay kong wika. I was trying to comfort her. Hindi ako marunong mag-comfort lalo na over the phone. But I could not afford hearing her crying. "I'm sorry for what happened to him. Grieve if you must, Yumi. Makikinig lang ako sa'yo. Pakikinggan lang kitang umiyak kung 'yon ang makakapagpagaan ng loob mo," dagdag ko pa.

"Pasensya na, Keith. Nakakahiya sayo..." humihikbi niyang wika.

"It's alright. Kahit malayo tayo sa isa't isa, just know that I am here for you," I said sincerely.

"Sobrang caring and understanding mo, I just hope na hindi ako nakaka-bother sayo," nahihiya niyang saad.

"No, no. You'll never be. Kung malapit lang talaga ang lugar mo pupuntahan kita. Kaso sa Cebu ka pa, eh." I just wanted to lighten up the mood para hindi na siya malungkot. Damn. Am I really Keith Abelardo? Patay na yata.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon