Chapter 4

5K 67 2
                                    

HABANG ISINUSUOT ko ang aking sapatos ay narinig ko ang pagbusina ng isang sasakyan sa labas. May ideya na kung sino iyon. Si Troye. He's only twenty minutes away from our phase dito sa village namin.

"Ma, I'm going!" sigaw ko sa loob ng bahay nang matapos kong isuot ang aking mga sapatos.

"No one is asking, kuya," sagot naman ni Jude na kasalukuyang naglalaro ng Nintendo Switch sa sala habang naka-indian seat pa. Naka-connect kasi siya sa flat screen TV.

"You, rat. 'Wag puro laro. Malilintikan ka kay daddy," I warned him bago ako lumabas ng bahay.

Napansin kong nakasandal sa gilid ng kotse si Troye habang naaninag ang mga taong nakasakay sa loob. Sina Yohan, Sab, at Aiden.

"Good morning, bro. Hindi yata maganda ang gising mo, ah," wika ni Troye. We did a fist bump, then, I put my hands inside my pants' pockets.

"Okay naman. Medyo kulang lang ng konti sa tulog," sagot ko naman. Ngunit ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog sa pag-aalala na hindi na ako kakausapin pa ni Yumi.

Tinitigan ako ni Troye. Lumapit siya ng kaunti sa akin at bumulong. "Sa tingin ko hindi lang isang beses mo ako ililibre," aniya. Nakuha niya agad ang rason kung bakit ako ganito ngayon.

Natawa ako sa kanyang sinabi. "Mukha nga, bro," umiiling kong wika.

"Ikaw magpapagasolina ng kotse for one month. Ako na bahala sa sikreto mo. Ano, deal?"

"Sige," sambit ko habang bangag ang hitsura ko.

Oo, ganoon kalala ang pagkakilala sa akin ni Troye. Kilala kasi ako sa barkada bilang magnet ng mga chicas. Now, I bet they are thinking that I'm being weird this past few days.

And I'm thankful that Troye is covering me up.

"Hindi naman ako naglilihim. I'll tell everyone kapag sure na 'to. I don't want to rush things. Lalo na sina Sab. Mahirap na. Iha-hot seat ako ng mga girls," wika ko.

One thing that most of the guys hate is being grilled with many nonsense questions.

"No worries, dude. I'll cover up your ass habang hindi ka pa ready na sabihin sa kanila ang sikreto mo," wika naman ni Troye.

Ang problema ko nga lang ay hindi ko alam kung magpaparamdam pa si Yumi sa akin. Swerte ni Troye kasi malilibre siya sa akin ng gasolina ng walang dahilan. I just hope na okay si Yumi kagabi bago niya pinatay 'yong tawag.

"Thanks, man," wika ko. Tinapik ako ni Troye sa balikat at saka na kami pumasok sa kotse.

"Bro, hindi ka maniniwala sa nakita namin kagabi!" sigaw ni Yohan nang makapasok ako sa likod katabi si Sab.

"Si Andrea, bro! Gagi, nilalandi ka no'n, di'ba? Nakita namin siya kagabi nakikipaghalikan kay Jace the douche!"

"Alam ko. Nakwento na ni Aiden kagabi," wala sa mood kong wika.

"Wala lang sa'yo, dude? Akala ko ba i-pu-pursue mo 'yon?" nagtatakang tanong ni Aiden. Nananahimik si Sabrina sa tabi ko at tila ba binubutas ang sentido ko dahil sa malalim niyang titig sa akin.

"Teka nga, Keith. Anong nakain mo? Akala ko ba bet mo 'yon?" nagtatakang tanong ni Sab.

"Nakita ninyo na may kahalikan siyang ibang lalaki tapos 'yong kaaway ko pa sa varsity ng school. Sa tingin ninyo mag-aaksaya ako ng panahon sa ganoong klaseng babae? Parang hindi ninyo naman ako kilala. May taste naman ako," simpleng sagot ko.

Tumango-tango naman si Sab at tila na-satisfy sa sinagot ko. Totoo naman kasi iyon tungkol sa'kin. Hindi ko ugaling pumatol sa babaeng... well, sorry sa word— kaladkarin. That's a harsh term to say pero iyon nga. Andrea is an actual bitch. Ngayong ipinakita na niya ang kadumihan niya, ayokong madungisan pati ako. Magsama sila ng Jace na 'yon.

"How about Ariane? Ano na'ng balita sa isang 'yon?" tanong ni Sab. Kasabay ng pagtatanong niya ay pinaandar ni Troye ang engine ng sasakyan.

"Matagal ko nang hindi nakakausap 'yon. I think she went back to the States. Wala naman akong balak makipag-LDR," sagot ko at nagkibit-balikat pa.

"So, ngayon... you're available?" nag-aalinlangang tanong ni Sab sa akin, as if she's anticipating my answer.

Dahil doon ay napatingin si Yohan sa'kin, then he went silent. Samantala, tahimik naman si Troye at nakikinig sa amin sa likod.

We had a boys talk months ago. Ako, si Aiden, Tobi, Troye, and Yohan. We talked about Sab because I overheard her talking to Rian over the phone. She was crying because she heard Yohan that time na may bago na akong pinopormahan.

The boys knew that Sab has a thing for me. She secretly likes me. I don't want to hurt her feelings that's why I always make sure na casual ako sa kanya. Ni hindi ko siya inaakbayan katulad nila Dani at Rian. Minsan, nakikita ko rin sa mukha niya na nagseselos siya kapag nakikita niyang ginagawa ko iyon sa girls kaya itinigil ko na ring gawin.

"Teka, teka. Parang gusto kong kumain ng sushi. Pwede ba tayong bumili? May dadaanan naman tayo malapit diyan. Tsaka pakidaan na rin sa Starbucks. Parang gusto kong magkape," pag-iiba ni Yohan. Tumingin siya sa'kin at itinaas ang kanyang dalawang kilay.

Nakuha ko ang ibig sabihin ng gesture ni Yohan. Mukhang ako na rin ang magbabayad sa sushi at kape niya. Mamumulubi yata ako nito ng wala sa oras. Napailing na lamang ako.

Nagkwento ng nagkwento si Yohan tungkol sa nangyari sa club kagabi hanggang sa makarating kami sa school. Naghiwa-hiwalay rin kami agad pagbaba sa kotse dahil baka ma-late pa kami sa kani-kanya naming mga klase.

Kahit nakikinig ako sa lesson ay hindi pa rin mawala sa isip ko iyong nangyari kagabi. Tulala akong nakatitig sa labas ng bintana at pinapanood ang pag mabagal na pagsayaw ng mga puno dahil sa hangin.

Ayos lang kaya si Miss Panda? Kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng polo ko. Napangiti ako nang pagmasdan ko sa screen ang kanyang picture. Ngunit nawala ang ngiti ko dahil wala pa rin siyang message hanggang ngayon.

Nasa dagat na siguro siya ngayon at nagbabantay ng mga turista doon. Hindi ko alam kung iyon lang ba ang ginagawa niya sa buhay. Gusto ko pa talaga kasi siyang makilala. Gusto ko pa siyang makausap.

Na-aadik na ba ako?

Natapos ang buong klase ko na wala akong naintindihan. Sa paglabas ko sa classroom ay bumuntong hininga ako at pagkatapos ay ibinulsa ko ang aking kaliwang kamay sa pantalon ko. Nakasukbit naman sa kanang balikat ang akong bag pack. Habang naglalakad papunta sa elevator ay mayroong umakbay sa'kin.

"Dude, balisa ka, ah. May problema ba? Huwag mong sabihing gusto mo pa rin si Andrea?" wika ni Tobi.

"Gago, hindi," saad ko tsaka ko pinaikot ang mga mata ko.

"Alam mo, huwag mo nang isipin 'yan. May party mamaya kina Steven. Ano, G ka ba?" ani Tobi. Nagsipagunahan ang ibang estudyante sa elevator. Napuno agad ito kaya awtomatiko kaming nagpaiwan ni Tobi at iyong iilang estudyante.

"Sige," tipid kong sagot.

"Nandoon 'yong kaibigan ni Andrea. Isa pang chica 'yon. If you want to do some revenge, ito na ang pagkakataon mo, bro," bulong sa'kin ni Tobi.

Naisip ko bigla si Yumi.

Pakiramdam ko gumagawa ako ng hindi maganda behind her back. 'Tangina. Hindi naman kami. Ni hindi na nga yata siya magpaparamdam pa. Medyo nasaktan ako sa thought na 'yon.

"Sige, sama ako. After class na ba?" tanong ko.

"Mamayang nine PM. Uwi muna tayo tapos sunduin na lang daw tayo nila Troye. Dalhin mo na 'yong kotse mo. Sasama din 'yong girls."

Nagtitipid ako sa gasolina dahil kay Troye tutal sinusundo naman niya kami at ako ang nagbabayad sa gasolina niya. Bwiset 'yan.

Pero ngayon, mukhang hindi na. Mukhang hindi na magpaparamdam si Miss Panda. Inilabas ko iyong phone ko at binuksan iyong screen. I looked at Yumi's photo.

Is this goodbye, Miss Panda?

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon