Chapter 3

6K 82 1
                                    

SUMABAY SA pag-ring ng phone ko ang puso ko dahil sa excitement at kaba. Nagkaka-anxiety na rin ako sa bawat segundong dumadaan. Iniisip ko kung sasagutin ba niya o hindi ang tawag ko, kung busy pa ba siya o nagpapahinga na.

Tiningnan ko ang phone at saka ko ni-loud speaker ang call. It's still ringing. Nawawalan na ako ng pag-asa na sasagutin iyon ni Yumi. She must be very busy today. Ginawa kong unan ang mga braso ko. I stared at the ceiling again as I think of her.

Pinikit ko ang aking mga mata at sakto namang tumigil sa pagri-ring ang phone. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagmulat ng mga mata ko.

"Hello?" bati ng magandang boses sa kabilang linya. Para akong robot na napaupo sa edge ng kama at napadiretso ang upper body. Nagwawala ang puso ko sa dibdib ko dahil hindi ko aakalain na sasagutin pa ni Yumi ang tawag ko.

Napagapang tuloy ako sa kama para abutin 'yong phone ko at tinanggal ang pagkaka-loud speaker nito. Tinutok ko kaagad ang phone sa tainga ko. And I can't wait to hear her voice again.

I composed myself and cleared my throat. "Good evening, Mayumi," bati ko sa kanya. Kung makikita siguro ako ng mga kaibigan ko ngayon, iisipin nilang kinidnap iyong tunay na Keith dahil hindi ako ganito kumilos.

Narinig ko siyang napasinghap ng mahina pagkatapos ko siyang batiin.

"What's wrong?" kunot-noo kong tanong.

"Wala naman. First time mo kasing banggitin 'yong buong pangalan ko," malumanay niyang sabi. Sa tuwing nagsasalita siya ay para akong na-re-relax. Ang sarap pakinggan ng kanyang boses to the point na napapikit pa ako.

"Don't you like me calling you by your name? Masagwa bang pakinggan?" Napakagat ako sa aking labi dahil ina-anticipate ko ang kanyang boses at mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.

"Ah, hindi. Uhm, I like it, actually," nahihiya niyang wika. Nararamdaman kong nakangiti siya ngayon. O nababaliw lang ako at assumero masyado? Ayoko man aminin sa sarili ko pero kilig na kilig ako— tagos hanggang bone marrow.

"Kumusta ang araw mo? How have you been?" tanong ko kay Yumi habang papahiga ako ng maayos sa kama. Gusto kong magkwento lamang siya ng magkwento para tumagal ang usapan namin. Kahit magbilang lamang siya hanggang one to ten ng paulit-ulit ay okay na sa akin. Pero mas importanteng makamusta ko muna siya. Kahit dito man lang maiparamdam kong gusto ko pa siyang makilala at interesado ako sa kanya.

"May sinagip kaming bata kanina. Nalunod kasi siya, eh. Mabuti na lang nandoon ako sa 'di kalayuan. Ayon, nasagip ko siya agad."

"What? Is the kid okay now? Are you okay?" Hindi ko mawari kung saan nanggagaling itong concern sa katawan ko. Hindi ko mapigilan. Nawawala 'yong kontrol ko sa sarili hindi katulad sa mga niligawan ko noon at kay Andrea.

Well, because you're talking to Yumi, you dumb, wika ko sa isip ko.

"Okay naman 'yong bata. Umiiyak 'yong mother niya kasi hindi raw niya napansin. The kid is seven years old," salaysay pa ni Yumi.

"Mabuti naman okay 'yong bata. Ikaw, okay ka ba? May masakit ba sa'yo?" Tumihaya ako sa kabilang side ng kama. Kung naririnig na naman ako nila Aiden at Yohan nito, siguradong kakantyawin ako ng mga 'yon. Parang naririnig ko na sila kahit sa isip ko lang.

I heard her chuckle. "I am fine, don't worry. Nasa Manila ka pero ramdam ko ang concern mo hanggang dito sa Cebu," ani Yumi.

"I didn't know na nasa Cebu ka pala. How come nandiyan ka? Taga-diyan ka talaga?" curious na tanong ko.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon