Chapter 25

3.6K 55 10
                                    

KINABUKASAN, dumiretso ako sa café pagkatapos ng klase ko. As usual, huli na naman akong nakarating. Tinabihan ko si Rian dahil iyong mahabang upuan lamang nila ni Tobi ang may bakante.

"Oh, Keith, nasaan si Yumi?" tanong ni Dani habang pinipindot niya ng mabilis ang pwetan ng hawak niyang ballpen.

Busy ang lahat sa pagre-review dahil nalalapit na ang aming final exam. Inilabas ko ang notes ko para sabayan silang mag-review.

"Ah, lalabas kasi kami mamaya kaya hindi ko na muna siya sinama. Babalik na kasi siya sa Cebu bukas," sagot ko. I did my best to sound okay ngunit napansin ko na tinapunan ako ng tingin ni Dani na may simpatya.

"Anong balak mo niyan ngayon uuwi na si Yumi bukas sa Cebu?" tanong ni Rian.

"Itutuloy ko 'yong proposal ko sa kanya sa Cebu bago tayo gumraduate," sagot ko kay Rian. "Tsaka natin pag-usapan kapag malapit na," wika ko.

"Oh, sige. Magsunog muna tayo ng kilay ngayon hanggang dumating ang final exams. Let's go!" ani Rian at saka kami nagsipagyuko lahat para ituloy ang pag-rereview.

Matapos ang mahigit dalawang oras ay naisipan kong mauna na dahil susunduin ko pa si Yumi sa kanila ng alas-singko ng hapon. Umuwi muna ako sa bahay ng alas kwatro para makapagbihis.

Habang sinusuot ko ang aking shirt ay tumunog ang phone ko na nakapatong sa kama. Kinuha ko iyon at nabasa ang nickname ni Yumi. Hindi ako nag-alangang sagutin ang kanyang tawag.

"Hello, Yumi," bati ko sa kabilang linya.

"Keith, okay lang ba kung sa Manila Bay na lang tayo mamaya? 'Yong kung saan tayo umupo malapit sa MOA?"

"Uh, okay...? Sige. Kung saan mo gusto, Miss Panda," saad ko. Bigla akong nakaramdam ng pangamba sa tono ng kanyang boses. "Yumi."

"Yes, Keith?"

"May bumabagabag ba sa'yo?"

Hindi sumagot kaagad si Yumi na mas lalong nagpadagdag sa aking kaba. "Later," aniya at saka niya pinatay ang tawag.

Tumitig ako sa screen ng aking phone at hindi maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Sa huli ay tinapos ko na lamang ang pag-aayos ko ng aking sarili at saka ako tumuloy papunta kina Yumi.

Nang masundo ko siya at papunta sa Manila Bay ay tahimik lamang siya buong biyahe. Napagdesisyunan kong huwag na muna siyang kausapin at pagkarating na lamang namin sa aming destinasyon ay doon ko siya tatanungin.

Matapos ang halos isang oras ng pagbi-biyahe ay nakarating din kami sa aming pupuntahan. Inalalayan ko sa pag-upo si Yumi upang hindi liparin ng hangin ang itim niyang dress. Pagkatapos ay sumunod ako sa pag-upo sa kanyang tabi.

Napakaganda niya sa dress niya ngayon. Hapit sa kanyang bewang ang dress at tila balloon-type ang palda nito na abot hanggang itaas ng kanyang tuhod. Itim rin ang suot niyang ribbon sa kanyang buhok habang puti naman ang kanyang sling bag at sapatos. She is also wearing silver necklace, small diamond earrings, and a silver wristwatch.

Ngunit sa kabila ng kanyang kagandahan ay naroon ang lungkot sa kanyang awra at mga mata. Tila ba malalim ang kanyang iniisip simula kahapon at para bang may mga bagay na bumabagabag sa kanya.

"Keith," sambit niya sa aking pangalan habang pinapanood namin ang paglubog ng araw.

"Ang ganda ng sunset ngayon," saad ko habang nakatitig kami sa kulay kahel at asul na ulap.

"May aaminin ako sa'yo," ani Yumi. Nalipat sa kanya ang aking atensyon. Kumunot ang akong noo sa kanyang sinabi ngunit minabuti kong hayaan siyang ipagpatuloy ang kanyang sinasabi. She started playing with her fingers. "Alam ko na... kapag nalaman mo 'to, magbabago ang tingin mo sa akin," aniya pa.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon