Chapter 19

3.6K 52 9
                                    

"ARE YOU free today?" tanong ko kay Yumi pagkatapos kong aminin sa kanya na nami-miss ko rin siya. Sinipat ko ang mukha ko sa rearview mirror at napansing namumula ang mga tainga ko.

Napansin kaya ni Yumi sa first date namin na namumula ang tainga ko sa tuwing kinikilig ako? Napamura na naman ako sa aking isipan dahil masyado yata akong halata na gustung-gusto ko siya.

"Oo, wala naman akong gaanong ginagawa sa bahay ngayon," sagot ni Yumi.

"Nagmamaneho ako ngayon. Actually, dadaanan ko 'yong street niyo. I can pick you up."

It was a white lie dahil opposite location ang village nila Dani sa street nila Yumi. Sa katunayan, dadaanan ko talaga ang bahay nila dahil gusto kong maramdaman na malapit lamang si Yumi sa akin.

Tinuloy kong muli ang aking pagmamaneho at tuluyan nang lumabas sa village nila Dani. Dumiretso ako sa street nila Yumi.

"Okay. Malapit ka na ba? Magre-ready pa kasi ako..."

"It's okay. I'll be there in twenty to thirty minutes. Take your time," saad ko.

"Okay. See you soon, Keith," malambing na wika ni Yumi.

"See you, my sunshine," sambit ko naman.

Hindi kaagad nakasagot si Yumi. Madi-dismaya na sana ako sa aking ginawa nang magsalita si Yumi.

"I can't wait to be with you again," nahihiya ngunit may lambing rin niyang wika.

"Me too, Miss Panda. Hindi na ako makapaghintay na makasama kita ulit."

Nadinig ko ang mahina niyang hagikgik ngunit hindi ko na iyon pinuna pa dahil ayokong mahiya siya sa akin. Sapat na sa akin na malaman kong hinahanap-hanap ako ni Yumi at sabik siyang makasama akong muli katulad ng nararamdaman ko ngayon.

"Sige na, mag-ready ka na muna. Later," wika ko.

"Okay, bye," ani Yumi at saka na niya pinatay iyong tawag.

Kung pwede ko lamang paharurutin ang sasakyan ko ay kanina ko pa ginawa. Kahit maghintay ako ng buong araw para kay Yumi ay gagawin ko. Ganoon ako kapursigidong hintayin siya anytime. Umulan man o bumagyo. Bumaha man o magka-landslide, I will wait for her no matter what.

Dumaan muna ako sa isang flowershop para bumili ng bouquet of flowers. Pagkatapos ng twenty-right minutes ay nakarating rin ako sa tapat ng kanilang bahay. Dalawang palapag ang bahay nila at tila may kaya rin naman sa buhay dahil modern-type iyong design ng bahay nila. Halatang planado ng isang arkitekto.

Bumusina ako para malaman ni Yumi na nakarating na ako sa tapat ng kanilang bahay. Lumabas ako ng sasakyan hawak ang bouquet ng bulaklak at saka ako sumandal sa gilid ng aking sasakyan na para bang model ngunit iyong swabeng pose lang para magpapansin kay Yumi.

I took my phone out of my pocket and dialled Yumi's phone number. Pagkatapos, ay itinutok ko ang aking phone sa kaliwang tainga. It took her three rings to answer.

"Hi, Miss Panda. Nandito na ako sa tapat ng bahay ninyo," panimula ko.

Napansin kong may sumilip doon sa isang bintana sa second floor ng kanilang bahay at nakita si Yumi. She waved her hand at me with a smile on her face. I smiled back at her and waved my hand at her too habang nakadikit sa kanyang tainga ang kanyang phone.

"Pababa na ako, Keith. Give me one minute," aniya.

"Take your time, Miss Panda. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal," sambit ko naman.

Pakiramdam ko ay isa akong leading man sa isang Koreanovela at si Yumi ang aking leading lady. The atmosphere is very pleasant at para bang spring season na namumukadkad ang mga halaman kahit dalawang season lang naman ang mayroon sa Pilipinas.

"Ikaw talaga, " natatawang wika ni Yumi. "Heto, bababa na ako," aniya at saka na niya pinatay ang tawag. Binalik ko sa aking bulsa ang phone ko at hinintay siyang makalabas ng kanilang bahay.

Nang marinig ko ang pagbukas ng kanilang gate ay tumayo ako ng maayos at lumakad papalapit sa tapat ng gate. Lumabas si Yumi mula roon at tila tumigil na naman ang aking mundo nang pagmasdan ko ang kanyang kagandahan.

Napaka-aesthetic talaga niyang manamit.

She is wearing a new white dress na abot hanggang itaas ng kanyang tuhod. Tila ba katulad ng dress ni snow white ang pang-itaas na parte ng kanyang dress ngunit may tali ito sa gitna ng kanyang dibdin at nakatali ito ng pa-ribbon. Puff long sleeves rin ito. Nakatali na naman ang kalahati ng kanyang buhok at tila kinulot niya rin ito ng wavy style katulad noong una naming date. Kulay itim naman ngayon ang ribbon sa kanyang buhok katulad ng kanyang sling bag. Nakasuot naman siya ng white sneakers to match her dress.

Damn. How did I land this girl?

"Sorry, medyo natagalan," nakangiwi niyang wika nang makalabas siya sa kanilang gate.

"F-for you, Yumi," nauutal kong wika dahil hindi pa rin ako maka-move on sa beauty na nasa aking harapan. Inabot ko sa kanya iyong bouquet of flowers.

"Thank you, Keith," sambit niya at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.

Yumi kissed me on my right cheek.

Natuod ako sa aking kinatatayuan dahil sa kanyang ginawa. Tila ba isa akong robot na hindi makapag-function ng maayos. Para bang may sariling isip ang aking kanang kamay nang hawakan nito ang aking pisngi kung saan ako hinalikan ni Yumi.

"Namumula na naman ang mga tainga mo," natatawang wika ni Yumi.

Napamura na naman ako sa aking isipan dahil masyado pala talagang halata iyong kilig ko.

"Let's go?" aniya pa. Nagising ako sa reyalidad nang mapagtanto kong lalabas nga pala kami.

"O-okay. Let's go," sambit ko naman. Tatalikod na sana ako para buksan ang pinto ng passenger's seat ng kotse nang tawagin ako ni Yumi.

"Keith?"

"Yes, Yumi?"

"Ang cute mong kiligin," sambit niya na may ngiti sa kanyang labi.

"Ako lang ba ang kinikilig dito, Miss Panda?"

"Hindi. Tayong dalawa," nahihiya at malambing niyang wika. Napaiwas pa siya ng tingin sa akin habang pansin na pansin ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

"Lalong namumula ang mga pisngi mo kapag kinikilig ka," sambit ko, just to make her feel that we are feeling the same way when we see each other.

Pinaikot niya ang kanyang mga mata habang nagpipigil ng ngiti. Hindi ko na rin napigilan na kurutin ang kanyang pisngi dahil sa napaka-cute niyang reaksyon.

Hinampas naman niya ng marahan ang braso ko bilang ganti. "Halika na nga," aniya.

Pinapasok ko siya sa sasakyan at lumipat naman ako sa kabila. Nang magsimula akong magmaneho ay tinanong niya ako.

"Saan tayo pupunta, Keith?"

"Sa Manila Bay. Sa may dolomite. Baka kasi nami-miss mo na ang dagat," wika ko na may ngiti sa aking labi. I glanced at her at napansing lumawak ang kanyang ngiti. Her eyes were glistening. Tila naiiyak siya sa pag-alala sa buhay niya sa tabi ng dagat.

"Thank you, Keith. Napaka-understanding mo," malumanay na wika ni Yumi.

And the next thing she did was that she rested her head on my shoulder.

Simpleng gesture ngunit napakalaking impact sa akin. Doon ko napagtanto ang role ko sa buhay ni Yumi. I will be her hero and safe haven until my last breath. I will cherish her and treasure her heart. Alam kong kakakilala pa lamang namin ngunit ramdam kong wala na akong ibang mamahalin pa kung hindi siya lang.

I think I have fallen deeply in love with Yumi.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon