Chapter 23

3.5K 52 4
                                    

"Guys, teka, order lang ako ng milktea. May magpapabili pa ba? Para ako na lang tatayo at oorder," wika ni Sabrina.

"Ako paki-order ng cookies and cream, Sab. Thank you! Ipapasa ko na lang 'yong bayad sa Gcash. Naubos na 'yong pera ko, eh," saad ni Aiden.

"Sige, sige. Oh, may magpapabili pa ba?" ani Sab. Wala nang sumagot kaya naman tumayo na siya at nagpunta sa tapat ng cashier para umorder.

Habang busy sa kwentuhan si Yumi at ang iba pa ay pasimple akong tumayo at saka pinuntahan si Sabrina. Tumabi ako sa kanya habang tumitingin ng pwedeng orderin sa tatlong malalaking panel ng menu sa harapan namin. Ibinulsa ko ang aking mga kamay at nagsalita.

"Sab, pwede ba kitang makausap," panimula ko.

Tiningnan ako ni Sab ngunit ibinalik rin ang kanyang tingin sa staff na gumagawa ng inorder niyang milktea.

"Tungkol saan, Keith?" aniya. Nilaro niya ang kanyang mga daliri at tila hindi mapakali.

Humarap ako sa kanya at nagtanong. "Gusto ko lang malaman 'yong totoo. Sana tapatin mo ako. Hindi ako magagalit, basta sabihin mo 'yong katotohanan," saad ko.

Napaiwas ng tingin si Sab sa sinabi ko at halatang kinakabahan siya aking harapan.

"Ikaw ba ang nagsasabi kay Andrea sa mga nangyayari sa akin? 'Yong kausap ko si Yumi sa phone ko noong nasa party tayo ni Steven, ikaw ang nagsabi sa kanya hindi ba?"

Napansin ko ang pamumula ng kanyang ilong, marahil ay naiiyak siya sa mga paratang ko. Maayos at mahinahon ko man siyang tinanong ay ramdam ko ang guilt niya. Hindi marunong magsinungaling si Sab pero marunong siyang magtanim ng sama ng loob.

"Pati 'yong kay Dani. Alam mong mas marami akong nasasabi kay Dani tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. Kaya ba sinabihan mo si Andrea na magtanong kay Dani at humingi siya ng favor sa kanya?" dagdag ko pa.

Nakita ko ang pagtulo ng isang butil ng kanyang luha sa kanyang pisngi. "I-I'm sorry, Keith..."

"Hindi ako galit, Sab. I'm disappointed. Bakit mo ginawa 'yon?"

Kumuha ng tissue si Sab na nakapatong sa harapan ng cashier counter at saka niya pinunasan ang kanyang mga luha gamit iyon. Pagkatapos ay tiningnan niya ako na may lungkot sa kanyang mga mata.

"Nasasaktan ako, Keith. Iyon ang dahilan," ani Sab. "Naiinis ako sayo kasi hindi mo napapansin 'yong nararamdaman ko para sa'yo. Alam mong may feelings ako para sa'yo pero ni minsan hindi mo sinubukan. Hindi mo sinubukang buksan ang puso mo para sa akin. Ano bang mali sa akin, Keith? Bakit hindi mo ako kayang tingnan katulad ng pagtingin mo kay Yumi?"

Suddenly, I felt guilty kahit alam ko naman sa aking sarili na hindi ko siya kailanman binigyan ng motibo. Nasasaktan ako para kay Sabrina, ngunit hindi ko kayang diktahan ang puso ko kung sino ang mamahalin nito.

"Alam kong may gusto ka sa akin noon pa," saad ko. "Sorry, Sab, pero hindi ko kayang gawin ang gusto mo. I'm sorry kung nasasaktan kita. I really don't know how to break this with you. You are special to me pero bilang isang kaibigan. I'm sorry, but I can't look at you the way I look at Yumi, Sab. Mahal ko si Yumi. Mahal din kita pero bilang isang matalik na kaibigan."

Tinakpan ni Sab ang kanyang mukha gamit ang tissue na kanyang hawak at pinipigil ang kanyang pag-iyak. Pinikit pa niya ng mariin ang kanyang mga mata para pigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha ngunit hindi niya ito mapigilan.

I took a step forward para sana yakapin si Sabrina at i-comfort ngunit umiling siya sa balak kong gawin.

"Huwag, Keith. Mas lalo akong mapapaiyak kapag lumapit ka pa. Okay na," aniya at saka siya kumuha ng panibagong tissue sa cashier counter sa kanyang tabi.

Namumugto ang kanyang namumulang mga mata at halatang umiyak. Mababakas pa rin sa kanyang mukha ang lungkot at hindi pa rin mawala sa kalooban ko iyong guilt.

"Nasabi mo na rin ang dapat mong sabihin. Siguro kailangan ko na talagang mag-move on sa'yo, Keith," aniya pa. "Huwag na lang natin ipaalam sa barkada 'tong usapan natin. Hayaan na lang natin at kalimutan. At least, nanggaling na rin sa'yo. Wala na akong hihintayin pa."

"Heto na ang milktea," nakangiting wika ng cashier nang iabot niya ang dalawang milktea kay Sab.

"Salamat," ngiti naman ni Sabrina sa kanya. Pagkatapos ay humarap siya sa akin. "Tara na. Baka hinahanap ka na ni Yumi. By the way, ang galing mong pumili this time. Ramdam naming siya na nga talaga ang babae para sa'yo," nakangiting wika ni Sabrina sa akin.

I felt relieve when Sabrina said that. Ngumiti rin ako sa kanya. "Salamat, Sab. Alam kong makakahanap ka rin ng tamang tao para sa'yo," saad ko.

"Ayoko muna, 'no. Magpapakasasa muna ako sa buhay single," tumatawa niyang wika. "Tara na't bumalik na doon sa table. Baka uhaw na si Aiden, alam mo naman 'yon, pala-uhaw," aniya pa.

Gumaan ang pakiramdam ko nang matapos ang usapan namin ni Sabrina. Nagpapasalamat ako dahil natuldukan na 'yong nararamdaman niya para sa akin at dahil kilala namin siya bilang isang strong and independent woman ay alam kong malalampasan niya rin ang pain.

Sa pagbalik namin sa table namin ay nagtuloy ang masayang kwentuhan at tawanan.

"Oh, Sab, bakit namumugto 'yang mata mo?" pagtataka ni Aiden nang abutin niya kay Sab iyong milktea niya.

"Ano, nabahing ako doon kanina. Allergy," pagdadahilan ni Sabrina.

"Eww. Baka may virus 'tong milktea ko, ha," nandidiring wika ni Aiden.

Pinaikutan siya ng mata ni Sab. "Kapal mo, ha," aniya at saka kami nagtawanan sa kakulitan nilang dalawa ni Aiden.

The day went well. My friends accepted the girl I love as if she has been our friend for years and I was beyond grateful for having such a wonderful friendship with these people.

Simula noong araw na 'yon ay palagi na naming kasama si Yumi. Sinusundo ko siya minsan okaya ay magpapaiwan siya sa mall kapag kasama niya ang kanyang mga magulang.

Sa loob ng three weeks na pagbabakasyon niya rito sa Manila ay pinakilala niya rin niya ako sa kanyang mga magulang bilang manliligaw kahit na higit pa doon ang turing namin sa isa't isa.

Dumalas rin ang pagde-date namin lalo na kapag half-day lamang ako sa school. Dinala ko siya sa Luneta Park, sa Manila Ocean Park, sa Stary City, at sa Enchanted Kingdom.

Habang pinapanood namin 'yong mga taong nakasakay sa roller coaster ay ibinaling ko ang atensyon ko kay Yumi. May hawak itong waffle na may hotdog sa loob sa kanyang kanang kamay habang ngumunguya siya.

Hindi ko talaga maipaliwanag kung gaano siya kaganda sa bawat damit na sinusuot niya sa tuwing magkikita kami. Ngayon ay nakasuot siya ng puting pleated skirt at light green cropped top shirt. Her hair is tied up into a high ponytail. Of course, hindi mawawala ang kanyang light green na ribbon na nakatali sa kanyang buhok.

Tila napansin ni Yumi na nakatitig ako sa kanya dahil tinapunan niya ako ng tingin na may pagtataka sa kanyang ekspresyon.

"Bakit, Keith? May dumi na sa mukha ko?"

Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Wala. Ang ganda mo lang kasing pagmasdan," saad ko.

"Ikaw talaga. Bolero ka, eh, 'no?" natatawa niyang wika.

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Kumagat rin ako sa waffle na hawak ko. "Yumi," tawag ko sa kanyang pangalan.

"Yes, Keith?"

"Pwede na ba kitang dalhin sa bahay? Babalik ka na kasi sa Cebu sa makalawa kaya... naisip kong ipakilala na kita sa magulang ko."

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon