Chapter 21

3.5K 55 9
                                    

HINATID KO si Yumi sa kanila. Ipinarke ko sa tapat ng kanilang gate ang aking sasakyan. Pinagbuksan ko ng pinto si Yumi.

"Thank you sa paghatid, Keith," wika ni Yumi na may ngiti sa kanyang labi.

"Anything for you," kindat ko naman sa kanya.

"Uhm... tungkol doon sa ano..." nahihiya niyang wika na halos hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin.

"Alin?"

"'Yong ano... k-kiss..."

I took her hand and pulled her towards me. Niyakap ko siya kahit na nasa tapat kami ng kanilang bahay at may CCTV sa gilid ng kanilang gate. Ganoon kalakas ang loob ko na kahit murahin yata ako ng kanyang mga magulang ay tatanggapin ko dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko para kay Yumi.

"Hindi mo ba nagustuhan iyong nangyari?" I asked her gently.

Umiling siya sa bisig ko. "G-gusto... kaya lang kasi..."

"Kaya lang kasi ano?" saad ko. I pulled away and held her hand.

"Ako 'yong nag-initiate... kababae kong tao..."

I smiled at her and held her both cheeks. Tila naging sandwich pa nga ito. "It's okay. Hindi ko naman 'yon iniisip. Alam kong nagawa mo 'yon dahil sa feelings mo para sa akin. Hindi naman iyon simpleng kiss lang. Hindi mo alam kung gaano ako kaligaya ngayon. Hindi iyon kabawasan sa pagkababae mo, Yumi. Mas lalo mo lang pinaramdam sa akin na kailangan kitang protektahan, alagaan, at mahalin. And I meant until we get old," I told her.

"Keith..." naluluha niyang sambit sa aking pangalan habang nakatitig siya sa akin. Hinigpitan ko ang aking hawak sa kanyang kamay.

"I promise to devote my life for you, Yumi. Hintayin mo lang akong maka-graduate. I will make a way for us."

Tuluyan nang napaiyak si Yumi dahil sa mga narinig niyang assurance sa akin. She deserves those words. She deserves to be loved wholeheartedly and unconditionally at handa kong ibigay sa kanya lahat 'yon.

Nang lumayo siya sa akin ay kinuha ko ang aking puting panyo sa likurang bulsa ng aking pantalon at inabot iyon kay Yumi. She gladly took it from my hand, then she wiped her eyes gently.

"May tatlong linggo ka pa naman dito sa Manila. Susulitin natin ang bakasyon mo para may memories kang dala sa pagbalik mo sa Cebu," saad ko.

Tumango si Yumi bilang pagsang-ayon.

"Lalabhan ko muna 'tong panyo mo. Ibabalik ko na lang kapag nagkita tayo ulit," aniya.

Umiling ako sa kanya. "Sa'yo na 'yan. May burda 'yan ng initials ko."

Hinanap ni Yumi iyong burda sa korner ng panyo at nang makita niya ito ay binasa niya ang initials.

"K at A," aniya.

"Keith Abelardo. Sa susunod Abelardo ka na rin," banat ko. Mas lalong lumakas iyong loob ko dahil next level na kami ni Yumi.

Natawa si Yumi sa sinabi ko at saka niya ako hinampas sa braso. "Ikaw talaga."

"Mauna na ako para makapagpahinga ka na rin," wika ko. Kinuha ko iyong bouquet of flowers sa passenger's seat at inabot kay Yumi. "Pagkatapos ng klase ko bukas, pwede ba kitang maimbitahan kasama ng mga kaibigan ko? Ipapakilala sana kita sa kanila."

"Nahihiya ako, Keith..." nakangiwing wika ni Yumi.

"Don't be. They are good people. Sigurado akong makaka-close mo sila."

"Okay, uhm, good night, Keith," ani Yumi.

"Good night, my sunshine." Lumapit muli ako sa kanya at saka siya hinalikan sa noo. "Sleep well and dreame of me."

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon