kabanata 25

143 5 0
                                    

"Nagsisi ka ba kasi kinasal tayong dalawa?"


Marahan akong umiling, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na 'yon.Binalingan ko ang camera ko bago maglakad ulit.

"Don't mind what I've said." Pilit akong ngumiti bago maglakad ulit.

Namilog ang mga mata ko nang hilain nya ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang pasok ng buhangin sa sandals ko dahil sa pagatras.

"Clement." Inis na saad ko nang maramdaman ko ang kamay nya na pumulupot sa beywang ko.

"Did you regret the day that our lips first meet?" Malambing na saad nya. "Did you regret the days we spend together?"

Halos magtayuan ang balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi nya nyun. My godness, I didn't know that this man have the same affect to me.

"A-ano ba Clement?" I gulp.

Sinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko. "Balik na tayo sa dati..."

Mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung bakit parang may kuryenteng dumadaloy sa sistema ko tuwing ilalapat nya ang parte ng katawan nya saakin.


"Let me go." Madiin na saad ko.

"Talk to me first" Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakapit saakin. Dalawang kamay na nya ang nasa tiyan ko.

Hinawakan ko ang kamay nya, akmang tanggalin ko 'yun pero kinulong nya lang ang kamay ko. Mariin akong napapikit nang mabitawan ko ang camera. Buti nalang nasalag 'yon ng kamay nya.


"Nakakapagusap tayo kahit hindi ka nakayakap saakin." Napabuntong hininga ako pagkatapos sabihin ko 'yon.


Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid ko. I know Clement will do what he wants. Baka may nakasunod saamin dito. Baka mapahamak kami pareho...

"Talk to me." Malumanay na saad nya. "In this kind of position."

"Clement. You didn't understand." Hindi ko napigilan mapapikit nang maramdaman ko ang maliit na halik sa leeg ko.

"C-clement..."

Nawawala ako sa sarili sa mga halik na iyon. Sinubukan kong kalasin ang pagkakahawak nya saakin pero masyado syang malakas.

"Clement!" Pilit kong pinatatapang ang boses ko. "I will hate you more if you don't let me go."

"Kaze" Pagproprotesta nya. "Let's talk."

"Aren't we talking?" Inis na saad ko. "Clement. You can't understand our situation here."

"You are the one who can understand here."  Madiin na saad nya bago ako hinila papalapit. Nakaramdaman ko ang likod ko na tumampi sa tiyan nya.

Pilit kong kinalas ang pagkakahawak nya saakin. Nanliit ang mata ko bago sya lingunin. Direkta lang syang nakatingin saakin, puno ng pagsusumamo ang mga mata nya.

"Fine." I sighed in defeat. "I want be enlighten too. Your action is different from what you are talking. Ang gulo..."

"What do you want to know?"

Napaismid ako, pasimple kong nilingon ang paligid. Hindi ko maiwasang kabahan kung ano ang pwedeng mangyare saamin habang nasa labas kaming dalawa. Hindi malabong masundan nila kami. Dito, mas kaya nila kaming saktan. Mas madali nila kaming patayin.

I pressed my lips. "Let's talk inside."

Hindi na ako nag antay ng sagot at nauna na akong maglakad.

Pheme: Aim for Quixotic Enterprise (BS5)Where stories live. Discover now