kabanata 16

138 4 20
                                    

Ilang ulit ako tumingin sa orasan. Mag gagabi na pero hindi parin pumapasok sa kwarto si Clement. I sighed. Hindi na talaga ako mapakali. Is he still mad at me?

Namalayan ko nalang ang sarili ko na naglalakad na palabas ng kwarto. Alam kong nandito parin sya, 'yung babae nya. Pero hindi dapat ako ang nahihiya. Bahay ko 'to. Regalo saamin ng mga magulang namin. Kung may sampid man saaming dalawa, hindi ako 'yun.

Pilit kong pinapalakas ang loob ko bago ko dahan dahang isara ang pinto.

"Clement, mali nanaman 'yung ginawa mo—" I heard a laugh.

Mas lumalakas ang boses na naririnig ko habang lumalapit ako sa kusina. Nangingig ang tuhod ko pero mas minabuti kong magpatuloy sa paglalakad. I want to see them... To see him.

"I put an exact amount of soy sauce." I can sense the frustration on his voice.

Parang may kumurot sa puso ko nang hawakan ko ang pader sa bukana ng kusina. Nangilid ang luha ko nang makita ko si Antoinette na lumapit kay Clement. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan kung gaano kaiksi ang suot nyang palda.

I bite my lower lip. Nakita ko ang paggalaw ng kamay nya papunta sa loob ng pantalon ni Clement.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang kumawala doon ang pag hikbi. Lumakas ang tibok ng puso. Sa sobrang taranta ko nagtago ako sa ilalim ng hagdan. Sobrang dilim doon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.

"Do you heard that?" Narinig kong saad ni Clement. Mas diniinan ko ang pagkatakip sa bibig ko nang marinig ko ang mga yabag papalapit saakin.

"Saan ka pupunta?" Malambing na tanong ni Antoinette.

Umayos ako ng pagkakaupo ng maramdaman ko na may gumapang sa paanan ko. Lalong tumulo ang luha ko. Ayaw ko ng madidilim na lugar, natatakot ako. Parang naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga, nasapo ko ang dibdib ko. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko. I gulp. Nanginginig ang mga kamay ko.

"Antoinette, what are you doing—"

Nanlalabo na ang paningin ko. Hindi ko na inintindi ang mga pinagsasabi nila. Binuhat ko ang sarili ko patayo. Hinahabol ko parin ang hininga ko habang pagewang gewang na naglalakad pabalik sa kwarto. Ramdam ko ang pagkahilo.

Bumabalik nanaman... Natatakot nanaman ako sa dilim.

Nanlalabo man ang mata ko pero malinaw kong nakita ang half naked na si Antoinette habang nakapatong kay Clement. I gulp. Sunod sunod na pumatak ang luha ko. Pero wala akong lakas na sumigaw pa. Alam kong hindi nila ako inintindi.

"Kaze-"

"Babe. Asawa mo lang sya sa papel." I heard them talking at my back. "Hindi mo sya kailangan intindihin-"

Tama sya. Asawa lang ako sa papel. Mas binilisan ko ang paglalakad ko papuntang kwarto. Naramdaman ko ang panghihina ng buong katawan ko ng marating ko ang laptop ko. Nakapatong doon ang cellphone.

"K-kyl!"

Para akong nakahinga ng maluwag nang sagutin ny ang tawag. Hindi ko na inabala ang sarili ko na isara ng maayos ang pinto.

'Kaze—'

"Kyl. H-help me..." Napapikit ako habang sinusubukan kalmahin ang sarili ko. Halos maubusan na ako ng hininga. "I-it happened a-again—"

'Where are you—'

Hindi ko na napigilan ang panghihina ng buong katawan ko. Pinanood ko nalang ang pagbagsak ng cellphone ko habang nakasandal sa gilid ng kama.

'Kaze! I will track you. Papunta na kami jan. Don't end this call. Okay?'

Hinayaan ko ang sarili ko na humiga sa lapag. Hindi na ako makahinga. Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko katapusan ko na. Wala na halos akong makita.

Pheme: Aim for Quixotic Enterprise (BS5)Where stories live. Discover now