kabanata 19

140 7 4
                                    

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko habang nakaupo sa isang silya. Tanging ang naliliwanagan lang ng ilaw ang kinauupuan ko. Sobrang dilim ng paligid.

Napasinghot ako ng subukan kong kalasin ang pagkakatali ng mga kamay ko mula sa sandalan ng silya. Sobrang higpit ng pagkakatali nila saakin, kahit hindi ko nakikita ang mga kamay ko. Alam kong namumula na ang palapulsuhan ko dahil nararamdaman ko ang sakit.

"Don." 

Nanliit ang mata ko nang makita ko ang pagyuko ng mga tao sa isang pigura ng tao. Pinilit ko ang sarili ko na makita kung ano ang itsura nya pero hindi ko magawa. Masyadong madilim. Tanging ang tindig lang nya ang naaninag ko. He is tall, Maybe as tall as Clement.

Kumalabog ang dibdib ko nang makita ang paglapit nya saakin. Walang tunog ang mga yabag nya. Kung hindi ko sya nakikitang naglalakad ay iisipin kong wala sya dito. Napalunok ako pagkatapos makita ko ang dulo ng sapatos nya sa liwanag. Sumunod ang pants nya. Lalong nanigas ang katawan ko nang lumitaw na sa liwanag ang mukha nya.

"The owner of a billion dollar make-up line?"

Hindi ko maintindihan kung nang iinsulto ba ang tinig nya o nadidismaya nang makita ako.

"She's the wife of Yronn." Saad ng lalaki sa tabi nya.

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa mukha nya. Pumatak ang luha sa gilid ng mata ko nang makita ko ang pag ngisi nya. His face were well shaped. His physical feature were proportional to each other. It's almost perfect. Kung hindi lang kami dito nagkita baka humanga pa ako sa mukha nya.

"How long is she here?" Tanong nito sa katabi nyang lalaki na kasabay nyang naglalakad palapit saakin.

"Almost a day."

Mariin akong napapikit habang nakatingin sa kanilang dalawa. Halos hindi ko na naramdaman ang gutom at uhaw. Puro takot lang ang pumupuno sa damdamin ko ngayon.

"Yronn probably losing his mind now."

Nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ko iyon. Naramdaman ko ang panunubig ng kamay ko dahil doon. Halos ilang oras ng nakadikit ang tela na nakabusal sa labi ko. Gusto kong magsalita pero alam kong magsasayang lang ako ng lakas.

"May sasabihin ka?"

Inawas ko ang mukha ko nang bahagya nyang pinantayan ang kinaroonan nyun. Sunod sunod na pumatak ang luha ko. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang nakatingin sa kanya.

"Save your words when you face him." Madiin na saad nya bago lingunin ang lalaki sa tabi nya. "Call Ruizzon."

"Yes, Don." Agad na saad nya.

"And prepare the screen. Gusto kong makita ni Ruizzon kung gaano kadelikado ang paligid." He smirk. "I want him to be mad as hatter."

"Noted."

Hindi ko na magawang mag pumiglas. Ang suot kong damit ay napuno na ng dumi. May mga galos narin ako sa binti. Ilang ulit kong naramdaman ang mainit na likido na pumatak sa mga pisnge ko.

Mariin akong napapikit pag katapos makita ko ang pag tapat nya ng kutsilyo sa mukha ko. Napasinghot ako bago iyukom ang kamay ko. Hinahanda ko nanaman ang sarili ko sa sakit na nagbabadya kong maramdaman.

"You are shaking." Walang gana na saad nya.

Dinilat ko ang mata ko kasabay nang paglaglag ng tela na nakabusal sa bibig ko. Muling pumatak ang luha ko ng maramdaman ng labi ko ang lamig ng hangin na dumadampi doon. Para akong isang sanggol na ngayon lang muli nakaramdaman ng ganon.

Pheme: Aim for Quixotic Enterprise (BS5)Where stories live. Discover now