kabanata 3

161 8 0
                                    

Inayos ko ang pag kakalagay ng salamin ko sa mukha ko. I'm wearing glasses. I even wear a wig just to hide my identity. Nilingon ko ang paligid ng bar. Mainggay, magulo. Maraming tao na may kanya-kanyang gusto. Sumaya ng sandali at makalimutan ang problema sa pamamagitan ng paglaklak ng alak. Mayroon din naman ay mga lalaking gusto lang ng babae.

I sighed as I make my way. Mas humigpit ang kapit ko sa bag na hawak ko. I want to celebrate alone. Ayoko ng bodyguards na kasama. I want to make this night, chill.

"Tequila!" Mabilis na saad ko sa bartender bago umupo sa malapit sa counter.

I pressed my lips. Halos maduling ako sa papalit palit ng ilaw sa paligid. Sobrang lakas din ng tugtog. May mga taong nagsasayaw sa dance floor na parang wala na sa katinuan dala ng alak.

"Are you alone?"

Napairap ako nang maramdaman ko ang paghawak ng isang lalaki sa beywang ko. Godness. Wala pa akong ilang minuto na nakaupo dito ah.

Inalis ko ang kamay nya doon. I twisted around to face him. He got alot of tattoos on his body. Halata din ang pag kapula ng mata nya.

I sighed. Marahan kong binaba ang salamin ko sapat na para matitigan ko ang mata nya.

"I don't give a shit." Mariin na saad ko bago tumayo. Kinuha ko ang drink ko na binaba ng bartender bago lumipat sa kabilang upuan.

Halos mapamura ako nang maramdaman ang pagsunod nya. Inis akong Napapikit. Sobrang tagal ko sa harap ng salamin para baguhin ang itsura ko tapos mangyayare parin 'to.

"Magkano isang gabi miss?"

Hindi ko mapigilang ang pagtawa habang nakatingin sa kanya. Tinungga ko ang inamin ko bago sumenyas sa bartender na bigyan pa ako ng isa pang Tequila.

I playfully smile. "Magkano ba kaya mong ibigay?"

Hindi ko mapigilang mapangisi habang nakatingin sa kanya. Halatang nagulat ang expression ng mukha nya sa sinabi ko. Pero agad din iyong nawala at napalitan ng ngiti.

I chuckles. Boys will always be boys. Let's make this night, great. Binaling ko ang buong atensyon ko sa kanya nang umupo sya sa gilid ko.

"So, what's your job baby?"

Natatawang napailing ako ng maramdaman ang paghaplos nya sa binti ko. Mukhang gusto nyang pahabain ang usapan.

Inabot ko ang isang baso ng tequila bago lumingon sa kanya.

"Just a normal one." Saad ko bago lagukin ang alak.

Hinayaan ko nalang ang kamay nya sa hita ko. Mas mabuti ng may makausap sa loob ng bar na ito kaysa naman malasing ng walang ginagawa kung hindi panoorin ang mga tao na sumayaw.

He playfully laugh. I think he misunderstood what I've said. "So, what's your favorite position?"

Halos masuka ako nang kinagat nya pa ang pangibabang labi nya bago nya ako lingunin.

I laugh. "C. E. O." Mariin na saad ko bago tinangal ang kamay nya sa binti ko. Dumiretso ako sa counter para magbayad ng alak.

Ayokong nag iiwan ng credit card sa bar tab. Mahirap na baka makilala ako.

"Miss!"

I sighed as I heard him shout. Mas binilisan ko ang paglalakad ko. Sa sobrang daming tao sa paligid alam kong hindi nya na ako masusundan.

Napangiti ako nang maipit sya sa dance floor. Punong puno iyon ng naglalandian na mag jowa habang sumayaw.

Tumungo ako sa kabilang side ng bar kung saan mas tahimik. Alam kong hindi nya na ako masusundan dito. Umupo ako sa isang table. Tinaas ko ang kamay ko para sumenyas sa waiter na gusto kong umorder.

Pheme: Aim for Quixotic Enterprise (BS5)Where stories live. Discover now