kabanata 22

130 5 6
                                    

"Ms. Pagatpat!"

"Ms! One quetion!"

Binaliwala ko lang ang mga reporters at journalist na nasa paligid ko. Ngayon ang araw kung kailan ko ilalabas ang Kaze's Foundation. Isa iyong set ng foundation na para sa iba't ibang skin tone, pero mas nag focus ako sa shade na malapit sa kulay ng balat ko.

Pumasok ako sa isang press conference room. Nilingon ko ang buong paligid. Mas kaunti ang tao dito, mas kaunti ang journalist na galing sa iba't ibang network. Marami ding camera man na katabi ng mga kateam nitong journalist.

Naglakad ako papunta sa mahabang table kung saan may isang upuan na nasa gitna. Binaliwala ko nalang ang mga pag flash ng camera sa gilid ko.

"Let make this thing start." Malumanay na saad ko pagkaupong pagkaupo ko palang.

Those things that happened taught me alot. May mga bagay na kailangan akong mas pagtuonan ng pansin bago ako pagmamakawa sa ibang tao para lang lumakas ang negosyo ko.

When you love someone, you must accept everything about them. Both good and bad. In my case, I will be smarter now. At this moment love will be remove in the choices.

"Good day ma'am. I'm lucia from DZMN." Mabilis na pagpapakilala ng isang journalist. "Ms. Pagatpat, What can you say to the rumors spreading like a fire. That you are abducted by a famous drug lord, syndicate president—"

"I'm so sorry." I cut her words. "I can't answer that question"

Umayos ako ng pagkakaupo. Ayoko na madamay pa sa gulo na iyon. I don't want to put my family in danger.

"Ms. Pagatpat!" Nilingon ko ang isang journalist na tumayo sa gilid ko. "I'm Ronel from YNN. I just want to ask, It is true that you are part of Ruizzons?"

"No." Umangat ang gilid ng labi ko ng banggitin ko iyon. I am not a part of Ruizzons. "Ruizzon is a very powerful name for those people. Siguro nag kakainteract lang sa business. Doing some transactions but nothing more than that."

"Follow up question ma'am! Totoo ba na nagpakasal kayo ng tagapagmana ng mga Ruizzons?"

Napalunok ako nang tangunin nya iyon. I should prepare myself for this question. Handa ako, pero pag naririnig ko ang mga salitang iyon hindi ko mapigilan makaramdam ng panghihina. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon. Pero kailangan kong gawin. This is the only way to protect the people I love the most.

"No." Matapang na saad ko.

"I heard about those, Nabalitaan ko nga rin na sobra ang effort ng mga Ruizzon no'ng panahon na nawala ako. I'm so flatter, but to think that we are together because of that is a big no." I lied.

"Ano po ba ang totoong rason ng pagkawala mo, Ms. Pagatpat?"

I force a smile. "I'm doing alot of products. Nag eexperiment ako sa iba't ibang mixture, at isang magandang patunay na doon ang bago kong ilalabas na set ng foundation."

Sinenyasan ko ang isang bodyguard ko para iabot saakin ang produkto ko.

"This is a set of foundation for every skin tone. Alam ko naman na likas sa mga filipina ay morena. Kaya ko ito nilabas."

"That looks great" Papuri ng isang journalist. "Ms. Ano pong masasabi nyo sa mga public announcement at commercials ng mga kaibigan nyo."

"My Burgurls won't do nothing, if there aren't wrong thats happening." Makahulugang saad ko bago tumayo. "I guess, thats all..."

Hindi ako gagawa ng kahit anong bagay na makakasira sa reputasyon ng mga kaibigan ko. I will play safe because of them.

Nag patay malisya nalang ako sa pagtawag ng mga journalist sa likod ko. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad. Marami pa akong kailangan gawin ngayon.

Pheme: Aim for Quixotic Enterprise (BS5)Where stories live. Discover now