Chapter 4

28 1 0
                                    

Pagka alis ng delivery boy na hindi ko man lang nalaman ang pangalan ay napaisip ako. So, he is 24 and I am 19 wala namang masama kung malaki ang gap nya di ba? Saka mas okay nga yung mejo mature na yung lalaki para binebaby ang babae!

Natampal ko ang sarili ko, ano bang iniisip ko? Ganun na ba talaga ang tama ng Raffe na yun sakin? Ewan ko ba, basta gusto kong pumasok sa buhay niya at makilala pa syang lalo.

Kinuha ko ang cellphone kong hinagis ko nalang basta sa sofa at nagtype ng maikling message.

AKO: Day off mo pala, hindi mo sinabi.

Really Arny? Why acting like he owe you something?

Hindi sya nagreply, baka busy? Sabi nga kanina nung kasama nyang delivery boy ay may sideline ito kapag day off. Kay sipag naman pala.

Nagsimula akong kumain, pang dalawang tao ang in-order ko pero kahit ang isang order ay di ko pa maubos.

Napasandal nalang ako sa sofa at nag isip, iniisip ko kung kailan ako pupunta ng school para ienrol ang mga subjects na di ko pa nakuha. Magiging irregular pa ko dahil may mga subject na hindi ko naman itetake. Ngayon back to zero na naman ang friends ko, dahil naisipan ko din kasi magtransfer ng school. Ayoko ng bumalik sa dati kong school, gusto ko ako na ang pumili ng lahat ng papasukin ko sa buhay.

For the past years of my life, laging nakasawsaw ang desisyon ni Daddy sa lahat ng gagawin ko. Lahat yata ay kailangan ikonsulta ko muna sa kanya bago ko gawin. Pero nung sinuway ko sya sa pagkuha ng ibang course ay nakadama ako ng kaunting freedom, ang sarap pala sa pakiramdam na gusto mo ang ginagawa mo at hindi gusto ng ibang tao.

*beep*

Napalingon ako sa cellphone kong naupuan ko na pala. Ng tingnan ko ay may reply si Raffe, evil grin.

RAFFE: Bakit ko naman sasabihin sayo ang bawat galaw ko? Stop texting me.

Nalaglag ang panga ko sa huling nabasa. What?! Stop texting him? No way! Pa-hard to get pa. You want to play huh?

Ni-dial ko ang number nya at sumagot naman ito.

"Hello?" Bungad ko.

Narinig ko ang background nya, ang ingay parang palengke. "Bakit? Anong kailangan mo?!" Masungit niyang sabi.

I rolled my eyes, sya na nga itong nilalapitan. Sya pa itong masungit huh? Pa-hard to get talaga.

"Ano ba yun? Ba't ang ingay?"

"Pogi, isang kilo nga nito" narinig ko sa malanding boses over the phone.

"Who's that?!" Ani ko.

"Busy ako, bye!" Yun lang at binabaan na niya ako ng telepono. What the?

Gusto kong mainis, argh. Bakit sya ganun? Tinatarayan ako! Wala pa yatang tumanggi kay Arny Ross!

Pagkatapos kumain ay sinubukan kong hanapin siya sa Facebook, stalker lang ang peg. Since buong araw lang naman akong tutunganga sa condo ay naisipan ko nalang gugulin ang oras ko sa kaka-search ng pangalan niya.

Oo marami ngang lumabas pero hindi naman siya! Binalibaligtad ko na nga ang pangalan niya pero hindi ko parin makita! Ugh! Im losing my mind here! Ganito yata talaga pag tinamaan kang lintik na love at first sight. Guguluhin ang utak mo pati na sistema mo.

I've never been inlove in my whole life, hindi rin ako yung tipong mataas ang standards. I just dont find guys attractive lalo na kung puro yabang, I've dated a lot of guys before pero puro nireto lang ng mga kamag anak ko. Some of them are sons of businessman, politician and celebrities. Hindi naman sa choosy ako or what pero wala talaga eh, wala akong maramdaman, pero ngayon iba na.

Roughed and SweetWhere stories live. Discover now