Chapter 13

7 0 0
                                    

Kinagabihan ay maaga kaming nag ayos para matulog, bukas kasi ng umaga ay tutungo nakami pauwi ng maynila at kailangan namin gumising ng maaga. Bakas parin ang ngiti aa aking mga labi, ganitong pamilya ang ninanais ko noon pa. Yun bang masaya sa simpleng bagay, kumpleto at laging magkakasama.

*beep.

Gising ka pa?

Napangiti ako, isang pader lang naman ang pagitan namin nagtetext pa.

Ako: Oo.

Pagkatapos ko magtype ng reply ay may mahinang katok na galing sa pinto. Tumayo ako para pagbuksan siya.

Maluwag ang kanyang pagkakangiti, hinawakan ko ang kanyang muka at dinampian siya ng halik sa labi.

"Goodnight"

"Smack lang?" Reklamo niya sinapak ko ang kanyang braso at pabulong kaming nagtawanan.

"Sumosobra ka na ha, panay na nga ang halik mo sakin eh" Inirapan ko sya.

"Gusto mo naman" aniya at dinampian ulit ako ng halik sa labi.

Kinabukasan ay tulog ako sa byahe, paano ba naman ay hindi na ako nakatulog dahil sa kilig. Kung iisipin ay hindi ko inaakala na ang lalaking gustong gusto ko ay mapapasa akin na ngayon.

Nagising ako ng nakahilig sa kanyang braso, siya ay tulog na tulog rin. Pinagmasdan ko siya.

Im in love with him. Hopelessly. Pathetically in love. I can't imagine my life without this man. Wala naman sa bilis o tagal ng pagsasama para malaman mo na mahal mo nga ang isang tao di ba?

What I needed to figure out right now is how am I going to tell my parents about us, about Raffe. They didn't have any idea that I was dating this guy for months now.

Lumiko ang van sa pamilyar na building at nagulat pa ako na nandito na pala ako sa condo.

Akmang tatapikin na ni Aaron ang Kuya niya para magising pero pinigilan ko ito. Dahan dahan akong kumawala sa biaig nya at lumabas ng sasakyan.

"Salamat po Nay, Tay sa uulitin po!" Tumango si Nanay "Salamat din, paano di ka namin hahatid sa itaas ha?"

Ngumiti ako. "Opo, ingat po kayo!" Sabi ko ng kumakaway hanggang sa makalayo na ang van.

Pumasok ako sa lobby at nagtuloy sa elevator. Pasara na ang elevator ng may pumigil sa pagsara nito. Isang nakangiting babae ang pumasok "Sorry" aniya at ningitian ko siya.

I can see her reflection through the mirror, this girl is familiar..parang nakita ko na sya somewhere.

I snap! Oo sya yung kausap ni Raffe nung nasa cafe ako.

She is really beautiful, matangkad sya at maamo ang mukha. Maliit ang kanyang labi at medyo chinita ang mata.

"Yes?.. Oh hello there Georgie..yes, Im on my way.. No! What?! You here already?? Yeah yeah.. ok Bye!" Sabi niya sa kausap sa telepono.

Tumunog ang elevator at lumabas ang babae. Sinalubong siya ng isang bakla na mukhang fashion designer. Bago magsara ay narinig ko pa ang tawag sa kanya nito. "Yumi! Still gorgeous as ever!"

Yumi?

Nang makapasok ako sa loob ng unit ay wala ang pinsan ko, matamlay akong naupo sa sofa at basta nalang ibinaba ng mga gamit ko. She is the ex, at bago pa man maging kami ay nagkikita na sila o hanggang ngayon kaya ay nagkikita pa sila? Sinabunutan ko ang sarili ko.

Nagvibrate ang cellphone kong nasa bulsa at tumatawag sya roon.

"Hello?" Sagot ko.

"Pupunta ko jan, sorry nakatulog ako hindi na kita nahatid.." halata ang lungkot sa boses niya.

Roughed and SweetTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang