Chapter 7

6 2 0
                                    


Naguguluhan ako sa lalaking iyon. Nung una ay ayaw nya sa akin, ngayon naman panay ang text nya ng mga sweet nothings like 'goodmornings' 'kumain ka na?' At blah blah.

Nasa school ako ngayon at nagngingitngit sa inis, pano ba naman sa dinami dami ng sections na pwede nyang pasukan para sa isang subject ay sa section kung saan naroon ako pa sya napunta. Katabi ko sya ngayon at nagsasagot kami ng quiz, sa tuwing babaling ako sa kanya ay nahuhuli ko syang nag ngingiting demonyo. Demonyo talaga! Hindi ko sya maintindihan akala ko ba hindi nya ko type? Pero ano to?! Pinagtitripan ba nya ko?

Narinig ko ang malakas na pagpalo ng stick sa desk. Tinignan ko kung sino ang gumawa, ngunit nagulat ako ng makita ang professor kong nanlilisik ang mata sa akin.

Kinuha nya ang papel ko at nilukot iyon "Miss Villamonte, kung hindi mo kayang magconcentrate sa klase ko" iminuwestra niya ang pintuan "maluwag ang pinto, maaari ka ng lumabas!" Galit na sabi nya.

Napatingin naman ako sa demonyong sanhi ng lahat, at nakayuko lang sya na parang walang nangyare! Damn!

Kinuha ko ang gamit ko at nagmartsa palabas, wala na din naman akong magagawa dahil bukod sa hindi talaga ako makaconcentrate ay wala din naman kasi akong maisasagot!

*beep

May nagtext, kahit na unknown number pa sya ay alam ko na kung sino ito.

San ka?

Hah! Buwisit! Hindi ko talaga sya maintindihan!

For the last time ay nagtext ako ng reply sa kanya. Hindi ko na maatim na ang lalaking unang tumanggi sa akin ay ang lalaking magiging dahilan ng pagkabagsak ko!

Ako: I dont know what game you're playing, but Im telling you that Im not in. Hindi porket gusto kita ay pagtatawanan mo nalang ako. Pwede ba, fucked off!

I felt relieve, siguro naman ay titigilan na nya ang mga ginagawa nya. Sya itong unang umayaw sa akin, pero ngayon lalapit lapit sya, seriously what's the game?

Ilang minuto lang ang lumipas ay nagreply sya, hindi ko inaasahan ang reply nyang yon kaya napasinghap ako.

Im sorry, Pwede bang pag usapan natin ulit yung alok mong date?

Ayoko nga!

AARRGH! Pero gusto ko ang inaalok niya, nababaliw na ba ako? Shet naman O!

Umuwi nalang ako at hindi na inintindi ang sinabi nya. Nag iinit ako ngayon ng pagkain sa bagong microwave nang may marinig akong katok sa pinto.

Hinugasan ko ang kamay ko sa sink "Sandali lang!" Sigaw ko.

Tumungo ako sa pintuan at laking gulat ko kung sino ang nasa labas. Shit! Shit!

Nakasuot lang naman sya ng plain white t-shirt, itim na pants at nakabaligtad pa ang soot nya ng cap pero GEEZ! He looks so so HOT!

Nakaplaster sa mukha nya ang ngiting hindi ko pa nakikita noon. Isinandal nya ang kanyang balikat sa hamba ng pintuan, hinihintay yata na papasukin ko sya!

Pinamewangan ko sya "Anong ginagawa mo dito?" Tinaasan ko pa sya ng kilay.

Lalong lumalim ang ngiti niya, ewan ko ba pero nahahalina ako sa pagmumuka nya! Makapal ang mga kilay na lalong nagpatingkad ng kanyang magagandang mata. Matangos din ang kanyang ilong at mayroon syang mapupulang labi, kita ko rin na perpektong perpekto ang kanyang panga at bababa naman ang tingin mo sa kanyang leeg ay mapapansin mo agad ang kanyang adams apple. Kung di dahil sa kanyang kayumangging balat ay baka mapagkamalan mo syang foreigner, masyado syang matangkad para sa height ng isang normal na pilipino, hanggang kili kili lang nya yata ako.

Pinilig ko ang ulo ko para maibaling sa iba ang tingin. Deym.

Binasa pa muna nya ng kanyang dila ang kanyang labi bago sya nagsalita, shiz! Parang gusto din ng labi ko na mabasa ng dila nya!

"Sorry dun sa inasal ko" panimula nya. Tinignan ko sya at kitang kita ko ang sensiridad sa sinabi nya.

Nagtama ang paningin namin at agad ko naman binawi, ayokong mahypnotize ng mga matang yon! Mga mata nyang para bang laging nang aakit!

Bumuntong hininga ako, ano nga ba ang sasabihin ko. Tinignan ko sya at nag iwas ulit dahil nakamasid ang mata nyang malagkit!

"Your forgiven" malamig na sabi ko. Wow ha? Bilis magpatawad dahil ba sa mga labi nya yan Arny huh?

Sumilay ang ngiti sa kanya at nagning ning ang kanina'y mapang akit na mga mata.

"Talaga? Yes!" Halata sa tono nya ang kasiyahan.

Tinignan ko sya ng masama "Bipolar ka ba?" At tinaas ko ang kaliwang kilay ko.

Nagsalubong naman ang kilay nya at nagkunot noo.

Umirap ako "Tss.. sabi mo di mo ko type, na tigilan na kita, wag na akong magpakita sayo. Pero ano to? Tell me bipolar ka ba?"

Muka naman syang naliwanagan sa sinabi ko at umaliwalas uli ang muka nya.

"Sorry, akala ko kasi pinagtitripan mo lang ako" bumuntong hininga sya "Hindi lang kasi ako makapaniwala na magkakagusto sa akin ang mga sosyal na katulad mo"

Jesus! Kahit magsoot ka ng basahan maraming babae ang hahabol at magkakagusto sayo! Di kaya sya aware don? Gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.

Umirap ulit ako. "Alam mo gwapo ka at kahit na sinong babae magkakagusto sayo, nung una nga kitang nakita nalaglag na agad ang panty ko eh--" Natigil ako sa sinabi ko dahil mali na!

Stupid Arny! Stupid! stupid! Maging ako ay nagulat sa sinabi ko, maging sya man pero pigilan man nya ang pagtawa ay hindi rin nya nagawa dahil nagsimula ng gumalaw pataas baba ang balikat nya.

Tarages! Bakit ba walang preno ang bibig ko! At bakit yun pa ang nasabi ko. Damn. Damn. Damn!

"HAHA" tumawa sya, lintek "Ganon ang epekto ko sayo?" Sumeryoso ang boses nya.

Shit! Lupa bumuka ka! Kainin mo ako ng buhay!  Ramdam na ramdam ko rin ang pag iinit ng pisngi ko! Shitman!

Binasa na naman nya ang labi nya. "Your blushing" sabay turo sa pisngi ko at nagpipigil ng ngiti.

Agad ko naman tinakpan ng dalawang kamay ko. Damn Arny! Napakadali mo naman yatang kiligin sa lalaking yan! Damn this cheeks! Damn his smiles!

Hindi ako makatingin sa kanya at hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Wala na akong masabi dahil nahihiya na ako at gusto ko nalang magtago!

Umatras sya "Sige, yun nalang muna" minwestra nya likod "aalis na ako" sabi nya sabay talikod at kumindat.

Dali dali kong sinara ang pinto, para akong nanghihina geez! Ang init ng pisngi ko! Napaupo nalang ako sahig. Damn you Raffe! Bakit nagawa mo sa akin ito?

Puta. Lalo yatang lumalim ang pagkagusto ko sa kanya ngayon.

"Stupid! Stupid! Stupid!" Pinagtatampal ko ang pisngi kong manhid na sa mga nangyare. Ngayon lang yata ako namula ng ganoon. Shemay! Yung panty ko nasaan na?

*beep

Raffe: Matulog ka na, wag kang magpupuyat. :)

Yun lang ang laman ng text nya pero ang lalim na ng napuntahan ng isip ko, iniisip ko kung ano ang ipapangalan namin sa mga magiging anak namin. Gusto kong matawa, ganun ba ang epekto? Ganun ba ang epekto nya sa akin? Shit naman! Pinapagulo nya ang isip ko.

Akala ko panandaliang kilig lang ang mararanasan ko sa kanya pero ano ito? Pati yata ang mga braincells ko ay kinikilig narin. Nanunuot sa buto ang nararamdaman kong kilig kanina. Noon lang ako napakilig ng ganoon.

Shit! Im in love na yata!

Roughed and SweetWhere stories live. Discover now