Chapter 2

93 0 0
                                    

The Man

Parang gusto ko atang ipa-checkup ang Daddy, paano naman kasi. Pumayag siya na ituloy ko ang psycho at pumayag na rin siya na lumipat ako sa condo ni Serendipity. Bakot kaya bigla nalang ang pag sang ayon niya samga desisyon ko? Yung tipong kahit ata sabihin ko na mag aasawa na ko eh papayag siya. Napansin ko din na napaka bait ni Dad sakin, ibang iba sa Daddy na iniwan ko. Marahil ay sobra niya akong na-miss at narealize niyang hindi niya talaga kahit kailan mapapatino ang bratinella nyang anak.

Nilipat ko na ang ibang gamit ko sa dati kong cabinet, may mga naiwan din akong mga damit pero hindi ko na gusto pang gamitin. Inayos ko lang ang mga damit na susuotin ko para sa susunod na araw, in two days kasi ay lilipat na ako kay Serendipity. Wait..hindi ko pa nga pala siya na-inform na nakauwi na ko ng pinas.

Hinanap ko ang cellphone ko sa bag at ni-dial ang number niya.

"He-hello? Ahh! AHH!" Sagot niya. Inilayo ko ang mukha ko sa cellphone, tama naman ang number na ni-dial ko. Bakit may ungol?

Sinampal ko ang noo ko ng marealize kung bakit ganon ang kabilang linya. Its 11 in the evening and she is in the middle of..whatever.

Pinindot ko ang end call, bukas ko nalang siya tatawagan pag wala na siya sa langit.

KINABUKASAN ay dali dali kobg tinawagan si Seren, at ngayon nga ay pinapapunta na niya ako sa condo niya para ayusin ang kwartong gagamitin ko. Wala raw kasi sya sa araw at paglipat ko at nakaduty, nursing kasi ang course niya.

Mula elementary hanggang magtapos kami ng highschool ay magkaklase na kami. Kaya naman di hamak na mas close kami kesa sa iba naming mga pinsan.

Nilapitan ko si Mommy na nagbabasang magazine sa sala.

"Ma, gotta go" at humalik sa pisngi niya.

Bumaling siya sakin at ibinaba ang magazine.

"Take care sweetie, dalin mo na kay Ren-ren yung cassava cake sa ref" aniya.

Napairap ako, ayaw ni Serendipity na tinatawag sya sa baduy nyang nickname.

Pinaandar ko ang kotse ko at lumabas na ng subdivision, may thirty minutes napagdadrive din bago ko marating ang Royale, ang condo ni Seren.

"Shit! Traffic!" Napalo ko pa ang manibela sa inis. Kahit kelan talaga hindi na nabago ang edsa, parang isang malaking parking lot. Hay.

Nilakasan ko ang music sa loob ng kotse ko, this will ease my irritation for a while.

Nag malagpasan ko na ang halos 20 mins na pagkaka stuck sa traffic ay pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan. Siguro naman wala ng ganong traffic dahil medyo looban ang dinaanan ko.

Lumiko ako sa isang eskinita at nagtake ng shortcut. Di bale ng malayo ako ng konti wag lang ako mastuck uli sa traffic.

Nang liliko na ko sa isa pang kanto, kamuntik na kong mabagok sa biglaan kong pagpreno. Paano naman kasi, may bigla bigla nalang sumulpot na delivery boy ng Jollibee. Shit!

Nag aapoy ako sa galit, kung hindi ba naman tatanga tanga ang lalaking yon. Eh di sana hindi sya nabangga sa may bangket ng gulay. Argh! Badtrip naman!

Lumabas ako ng kotse at hinarap siya. Magtutuos tayo, at bayaran mo ang pagpapa carwash ng kotse ko!

"Hey! Are you blind? Tatanga tanga ka! Di mo ba napansin ang malaki kong kotse?" Singhal ko.

Dahan dahan siyang tumayo at itinayo rin nya ang motor na gamit nya, napangiwi ako.

May 6'1 ang taas, hindi ko makita ang kulay ng kanyang balat dahil naka suot sya ng longsleeves. Infairness maganda ang tindig.

Roughed and SweetOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz