Chapter 3

61 0 0
                                    


Delivery boy

"Arny Ross Villamonte!" Sigaw ni Seren sabay hila sa kumot ko. Anong problema ng babaeng to? Ang aga aga ang ingay ingay!

Hinila ko ang kumot mula sa kanya at sa paghila ko ay sumama sya, napadapa tuloy sya ngayon sa kama. "What?!" Singhal ko.

Tumato sya mula sa pagkakadapa at iniayos ang sarili. Oops naka nuraing uniform pala sya, ayan tuloy nalukot.

"Kainis naman! Ikaw na nga 'tong ginigising!" Sabi nya habang iniaayos ang gusot ng uniform.

Ito ang unang umaga ko sa condo ni Seren, nakalipat na kasi ako kahapon at hindi ko naman alam na nandito na pala sya galing sa duty.

Kinusot ko ang mata ko, mejo inaantok pa kasi ako. Nag aadjust pa kasi ang katawan ko dito sa Pilipinas, may jetlag ika nga.

Humikab ako. "Bakit ka ba kasi nang gigising?" Tanong ko.

"Kasi aalis na ko, iiwan kita" aniya.

"Di ba kararating mo lang?"

"Gaga! Dumating na ko kaninang umaga, aalis uli ako dahil meron kaming medical mission" palabas na sya ng kwarto ng magsalita uli. "Walang food jan kasi kala ko walang tatao dito, mag order ka nalang ng kakainin mo" yun lang at tuluyan na niyang nilisan ang kwarto. Oh dear, theres no food.

What am I gonna do?

Ting!

Order.

Deliver.

Jollibee.

Hehe, evil plan. Pag talaga evil plan gumagana ang utak mo ano Arny?

Pero teka, sa dami ng Jollibee sa metro. Paano ko naman malalaman kung saang branch sya nagtatrabaho? Sa sobrang nadala ako sa kagwapuhan niya, nalimutan ko naman kunin ang pangalan. Buti nalang, nakuha ko ang number. Evil Grin. May number nga pala ko.

Tumayo ako sa kama at nag ayos ng sarili. Paglabas ko sa kwarto ay amoy na amoy ang pabango ni Seren, halatang kaka alis lang niya.

Tignan mo ang babaeng yon, ang mga pinagbihisan nakakalat lang sa sofa.

Pinulot ko isa isa ang mga damit at inilagay sa bin. Burara!

Naupo ako sa sofa at ni dial ang number. Naka dalawang dial pa muna ko bago niya ito sagutin.

"Hello?" Aniya sa kabilang linya.

Boses palang lalaking lalaki na! Boses palang pinapakaba na ko.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Hi, good morning! Jollibee delivery?"

"Yes Mam?"

"What's your name?" Tanong ko agad.

"Raffe, at your service Mam" sagot niya.

Raffe, what a good name. Bagay na bagay sa kanya.

"Raffe, remember me? Nung isang araw? Accident?" Ipinikit ko ang isang mata ko, baka babaan niya ko ng telepono pag naalala niya.

Narinig ko ang buntong hininga nya bago uli nagsalita. "Oo natatandaan kita, ano kailangan mo?" Masungit nyang sabi.

"Oorder" sagot ko.

"May hotline nga kami kulit" iritado niyang sabi.

"Gusto ko sayo, para mas madali" sabi ko. Arny moves!

"Okay anong order?" Tinatamad niyang sabi.

Ang dami kong sinabi pero lahat wala sila. Tinarayan pa ko, malay ko ba na wala pala silang ganun. Sa huli nauwi ako sa pancake.

Ilang minuto pa ang hihintayin ko bago dumating ang deliver. Kaya nag ayos pa muna ko ng sarili, nakakahiya naman kasi kung makikita nya ko sa ganitong ayos.

Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin. Maganda. Ako. Period.

Hindi naman siguro nakakahiya na babae ang gumagawa ng moves, I mean nowadays men and qomen are equal and I dont see anything wrong with that, at isa pa ngayon ko lang naman gagawin ito sa tanang buhay ko kung magwork eh di ok, kung di magwork eh di..gagawin ko ang lahat para magwork!

There is really different to him, he is different from all the guys that Ive met before, sya yung unang lalaki na sandaling nagpahinto ng ikot ng mundo ko. I think, nabiktima na nga ako ng love at first sight.

Isang katok ang nagpatalon sa akin. Nagulat ako at biglang kinabahan, parang na-eexcite ako na ewan. Lumapit ako sa pinto at dahan dahang binuksan iyon.

Ang lawak pa ng ngiti ko, ngunit agad naman akong nadismaya.

Delivery boy.

But he is not Raffe.

Argh.

Asar.

Sinimangutan ko siya at bahagyang nilawakan ang bukas ng pinto, inilapag niya ang order sa coffee table.

"285.60 pesos po lahat Mam" aniya.

Kumuha ako ng pera sa wallet at binigay sa kanya. "Keep the change"

Nakakawalang gana, akala ko makikita ko sya ngayong umaga pero ang laki ng dismaya ko.

"Salamat po! Enjoy your meal!" Sabi nya bago tuluyang lumabas.

Ng akmang isasara na niya ang pinto ay tinawag ko siya at lumingon naman.

"Bakit po?" Takang tanong niya.

"Si.." siyet! Paano ko ba tatanungin. "Si Raffe" ani ko.

"Ah..si Sandoval, de op po nya, tinawag lang nya sa opisina ang order nyo" marahan niyang sagot.

So Sandoval. Raffe Sandoval.

"Ah..okay" sagot ko.

"Pag de op po nya, nagsasidline pa yun sa palengke, dead winner po kasi sya."

Muntik na kong matawa, did he really say dead winner? Baka bread winner!

"Ah..so close kayo?" Tanong ko.

Mejo niluwangan nya ang awang ng pinto at pumasok na doon, mukang nahalata na yata nya sa interesado ako kaya boluntaryo na siyang pumasok.

"Mejo po, kasama ko kasi siya sa training..working student sya, kita nyo naman may edad na sya para sa fast food, pero dahil working student naman napasok siya" mahaba nyang salaysay. Mukang madami akong malalaman ngayon tungkol sa Raffe na yun ah.

Nagcrossed arms ako. "Bakit ilang taon na ba sya?" Tanong ko pa.

Sandali pa syang nag isip bago sumagot. "24 na po ata eh..teka Mam, mag tatime na pala..aalis na po ako, salamat sa tip" sabi nya sabay alis.

Hmmm..Raffe Sandoval, 24, working student, bread winner.

Im. Gonna. Get. You.

Vote vote votes!! ^_^

Roughed and SweetWhere stories live. Discover now