Chapter 1

76 0 0
                                    


The Muse

"No Ma, I need to see Dad I need to apologize to him" Sabi ko kay Mommy na nasa kabilang linya. Nasa states ako ngayon pauwi ng Pilipinas, may ilang buwan rin akong nagrebelde kay Daddy. Ngayon ay nagka-lakas na ako ng loob para harapin siya, para narin syempre humingi ng tawad.

Oh yes. I know Im a spoiled brat, I know Im Dad's favorite and I know I dissapoint him kaya naman I need to make it up to him bago pa nya ko itakwil bilang anak. Ang tanging dahilan lang naman ng aking pagrerebelde ay ang pagsisikreto ng kinuha kong kurso. He wants me to take a business course pero psycology ang kinuha ko. Nung nasa second year college na ako ay natuklasan na nya ang kabalastugang ginawa ko. He kicked me out of school at pinatapon sa states para kumuha ng business course, pero sa halip na mag aral ay pagpa-party lang ang inatupag ko.

"Baby, you dont need to fly this soon pwede namang kami nalang ni Daddy mo ang pumunta jan sayo" aniya ni Mommy

Ang kulit talaga, di lang naman sila ang uuwian ko sa Pilipinas pati na rin syempre ang mga kaibigan at pinsan ko. Lalo na si Serendipity.

"Ma, may mag aapologize ba na ang hihingan ng sorry ang lalapit sa magso-sorry?" Sabay lang kaming napabuntong hininga, hudyat ng pagsuko ni Mommy.

"Ok Baby, tell me kung kailan ang lapag ng eroplano mo para masundo kita" aniya na bakas parin ang pag aalala sakanyang boses.

"Yes Mommy, love you!"

Tinapos ko na ang call at tinuloy nalang ang pag eempake. May isang taon din akong namalagi sa states kasama ang mga pinsan ko. Miss ko na sina Mommy at syempre pati na rin si Kuya. How I wish na pagbigyan nalang ako ni Dad na ituloy ang psycho imbes na magshift sa business. Cross fingers.

The smell of the air. Philippines!

Nagtext na ako kay Mommy na alas onse ng umaga ang lapag ko. Kaya inaasahan kong pagbaba ko ng eroplano ay naroon na siya at naghihintay sa akin, pero mali ako. Akala ko mag isa lang siya na susundo sa akin pero laking gulat ko ng kasama niya si Dad.

Maaliwalas ang dating ng aura ni Daddy, mukang good mood. Baka pag in-open ko sa kanya ang tungkol sa pagtuloy ko sa psychology ay pumayag na ito.

"Dad" hindi ko napigilan ang maiyak ng lumapit sya sa akin at niyakap ako, hindi naman kasi ito ang reaksyon na inaasahan ko sa kanya. Ang akala ko ay hindi niya ako papansinin o tatapunan man lang ng tingin.

"I missed my baby girl" aniya.

My Dad loves me so much. Im a daddy's girl actually, mas kinakampihan pa nga niya ko minsan kaysa kay Mommy. Dad always want what is good to me. Lahat ng desisyon niya para sa akin ay nakabubuti.

Kumawala ako sa yakap at pinunasan ang mga luha sa mata ko. Kasunod naman noon ay ang pagyakap ko kay Mommy. I love my parents, they are the best in the world!

Bago kami umuwi sa mansion ay dinala muna kami ni Daddy sa isang pinoy restau na nagseserve ng the best pinoy dishes, baka raw kasi na-miss ko ang pagkaing pinoy dahil nga isang taon rin akong nanirahan sa ibang bansa.

Sumunod si Kuya sa restau kasama ang fiancee niyang ngayon ko lang na-meet. Maganda si Ate Chynna at tulad ng pamilya ko ay galing rin siya sa may sinabing pamilya.

Nanliit ang mata ni Kuya ng tignan niya ako. "You look different, lalo kang gumanda" aniya.

Pinamulahan ako ng mukha, minsan lang kasi ako punahin ng compliments ni Kuya, noon ay puro pambubuska lang ang inaabot ko sa kanya.

"Thanks Kuya, dahil sa hangin lang yan ng Amerika" ani ko.

Nagpatuloy lang ang kamustahan sa hapag, mamaya ko na tatawagan ang pinsan kong si Serendipity hindi parin nga niya alam na nakauwi na ko. Close kami ni Serendipity, kahit anong sekreto ko ay alam niya at kahit ano ring sekreto niya ay alam ko. Kahit na nahiwalay ako sa kanya ng isang taon ay tuloy lang ang komunikasyon namin at madalas parin kaming magsabihan ng mga bagay-bagay na nagaganap sa aming buhay.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ang lahat, si Kuya ang nagdadrive katabi naman niya si Ate Chynna sa front seat. Ipinadrive nalang niya ang dala niyang sasakyan sa driver, gusto kasi ni Dad na umuwi kami sabay sabay na magkakasama. Kami naman tatlo nila Mom and Dad sa passenger seat, nakahilig ang ulo ni Dad sa balikat ni Mom buong byahe, nainggit tuloy ako. Ako lang ang walang partner.

Pinulupot ko ang braso ko kay Mom at hinilig ang ulo ko sa balikat niya, pareho na kami ni Dad na nakasandal sa kanya.

"Mom?" Ani ko.

Tinagilid niya ang ulo nya para tignan ako. "Yes Anak?" Aniya.

Sandali pa kong nag isip, tama ba ang timing ko? Gusto ko lang naman kasi samantalahin na good mood si Dad, baka payagan na niya kong lumipat nalang sa condo kasama si Serendipity.

"Pwede ulit ako sa condo with Serendipity?" Malambing kong sabi. Ipinikit ko ang isa kong mata bilang paghahanda sa isasagot ni Mommy, sana pumayag siya lalo na si Dad.

Roughed and SweetWhere stories live. Discover now