Chapter 8

16 0 0
                                    

Pumasok ako sa classroom kung saan kaklase ko na naman ang kurimaw na yon. Sa totoo lang ay ayaw ko ng pumasok pa sa klaseng ito, sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi ay bumabalik ang hiya ko sa katawan.

Naghanap ako ng mauupuan pero talaga sigurong may plano ang tadhana, iisa nalang ang bakanteng upuan at sa tabi pa nya. Damn it! Wala akong nagawa kungdi ang maupo, wala na din naman akong choice.

Umupo ako at nadama niya siguro ang presensya ko, ngumiti sya. Damn that smile! Mukang hindi na naman ako makakapagconcentrate sa klaseng ito!

"Hi" bati nya.

"Hi" sagot ko ng di lumilingon. Umupo ako sa upuang katabi nya.

Shet! Nagpapalpitate na ako at nagwawala na ang mga paro paro sa aking tyan. Naman oh! Wag naman ngayon please!

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Lumapit sya sa may tainga ko.

Napalunok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos ang totoo nyan ay hindi naman talaga ako nakatulog. Paulit ulit kong binasa ang text nya magdamag at paulit ulit din nagpe-play sa utak ko ang confrontation namin kagabe.

Nagpagulong gulong ako sa kama at tinatakpan ko pa ng unan ang muka ko para lang tumili. Hindi pa ko kinilig ng ganoon at napakasarap pala sa pakiramdam.

"Ah..O-Oo, maayos naman ang tulog ko"

Nagnod sya. "Bakit parang maitim yang gilid ng mata mo, napuyat ka ba?"

Dug. Dug. Patay ka na Arny, maharot ka kasi! Sinabi na kasi nyang matulog ka na!

Naconcious naman ako kaya hinawakan ko ang mata ko, halata ba?

Inilagay nya ang braso nya sa armchair ko at inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na inirapan ako ng mga grupo ng mga babae. Inggit lang kayo! Tseh!

Nilayo ko naman ang mukha ko, gulat parin sa kanyang ginawa.

"Wala to"

Dumating ang prof at natigil ang pagkatitig nya sa akin, umayos na rin sya ng upo at bumalik sa kaninang pwesto. Parang nagkakarera ang kabayo sa puso ko dahil sa kaba at sa kilig. Nakakainis naman bakit ba ganito nalang ang epekto ng lalaking ito sa sistema ko?

Nagsimula ng maglecture ang prof at nagtake down notes naman ako. Nagulo ang sulat ko dahil bigla nya kong siniko. Ano na naman?

Tumayo ang balahibo sa batok ko ng naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko. Geez! Hindi ako makahinga!

"San tayo mamaya?" Bulong nya.

Ano daw? Mamaya aalis kami?

"H-Ha?" Sagot ko.

"Di ba..magdedate na tayo?"

May sumipa sa upuan ko mula likuran at alam kong napansin din iyon ni Raffe ngunit hindi na sya nag abalang lingunin kung sino man yon.

"Ayoko..binabawi ko na, di na ako makikipagdate sayo" malamig kong sabi.

Bumuntong hininga sya at halata sa kanya ang pagkadismayado.

Tinuloy ko nalang ang lecture kahit wala ng pumapasok sa utak ko. Hindi na ko magugulat kung sa dulo ng semester ay bumagsak ako sa subject na to.

"Ma'am!" Nabaling ang atensyon ng prof namin dahil sa ginawa nyang pagtataas ng kamay.

Naglingunan naman ang iba naming kaklase at naghihintay sa sasabihin nya.

"Yes, Mr.Sandoval?"

Naghihintay parin sila sa isasagot nya, maging ako man ay nagtataka kung bakit sya nagtaas ng kamay. Kung mag c-cr naman ay di na kailangan pang mag paalam. It must be important.

Roughed and SweetМесто, где живут истории. Откройте их для себя