Chapter 36 - Forget me not

35.1K 1K 420
                                    

Madison P.O.V.

"Ate gising!"

Nagising ako nang makarinig ng boses na tumatawag sa akin. Mabilis akong napamulat at nabungaran ko ang nag aalalang mukha ni Dakota.

Umupo ako sa kama at doon ko narealize na basa na pala ako sa pawis at hilam na ng luha ang mga mata ko.

"Ate binabangungot ka." tumabi sya sa akin na bakas sa mukha ang pagaalala.

Pinahid ko muna ang luha sa mga mata ko saka tumingin sa kanya "A-Anong oras na...?" nanghihinang tanong ko.

Sumulyap sya sa wall clock "Alas tres pa lang 'te, nagising ako nang marinig ko na umiiyak ka.."

Luminga ako at napansin ko na tulog pa din sina Maryland at Vermont, mabuti na lang pla at hindi sila nagising.

Ang sama ng panaginip ko...imagine bumalik na si Reese pero nakalimutan nya na daw ako. Grabeng nightmare na yun, parang totoong totoo kasi.

Kinalma ko sandali ang sarili ko "Tara ng matulog...may pasok pa tayo mamaya.." sabi ko ng medyo ayos na ang pakiramdam ko, humiga uli ako patalikod sa kanya.

"Ate ano ba talaga ang nangyayari sayo? Alam ko may gumugulo sa'yo, may kinalaman ba si Ate Reese dito?" pabulong na tanong nya, napalinga ako at pilit na inaaninag ang mukha nya. Paano naman nya nalaman na si Reese ang napanaginipan ko?

Tila nabasa nya ang nasa isip ko "Tinatawag mo kasi yung name nya kanina habang umiiyak ka.."

Hindi ko sinagot ang tanong nya "Ok na ako. Sige na matulog ka na ulit." sa halip ay sabi ko.

Alam ni Dakota ang nangyaring aksidente kay Reese at hindi na nito pagpasok sa school. Paano balitang balita sa campus ang nangyaring aksidente. Lahat ay nagulat.

Kahit na gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoong pinagdaraanan ko ay pinigilan ko pa din ang sarili ko. Ayoko kasi na pati sya ay madamay sa problema ko and beside up to know ay hindi pa din ako handa na malaman nila ang totoong relasyon namin ni Reese.

Pumikit na ako pero muling bumalik sa isip ko yung dream ko na maliwanag ko pa ding naaalala.

Sana po OK lang si Reese...

Ilang minuto pa ang lumipas at nakatulog na ako ulit.

************************************************************

Kinabukasan pagdating sa school ay agad kong hinanap si Aly, gusto ko kasing ikwento sa kanya yung panaginip ko kanina. Pero halos maikot ko na yung buong campus ay ni anino nya ay hindi ko nakita.

Nasaan naman kaya yun? Baka hindi pumasok? Napagpasyahan ko na lang na pumunta ng classroom, hoping na makita ko sya doon. Pero laking dismaya ko ng hindi ko din sya nakita doon, malungkot na naupo na lang ako at kinuha ang notes sa bag ko para magreview, may exam kasi kami ngayon.

Nang maisip ito ay bigla na naman akong nalungkot, ang dami ng kasing exams at lessons na namiss ni Reese. Sana pagpasok nya ay makahabol sya para sabay kaming makagraduate next year.

Hay Reese, sobrang miss na miss na kita. Sana Ok ka lang...

Bigla na naman tuloy akong naluha, hindi pa din talaga matahimik ang puso at isip ko hangga't hindi ko sya nakikita, kung nagkamalay na ba sya o hindi pa. God grabeng torture naman po ito, parang hindi ko na po ata kakayanin pa. Ilang araw na din kasi ang lumipas nang nangyari yung aksidente.

Nang maramdaman ko na may umupo sa tabi ko at mabilis akong napatingin. Si Aly.

"Saan ka galing kanina pa kita hinahanap."

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon