Chapter 11 - This kiss

91.1K 2K 379
                                    

Reese P.O.V.

Iniisip ko pa din yung nakita ko kanina sa CR hanggang sa pagbaba ko, nakakatuwang isipin na sa panahon ngayon ay hindi mo na talaga malalaman ang totoong lalake sa hindi.

Looks can be deceiving, sabi nga nila.

"Hi Baby nasa guest room na ba si Addy?" tanong ni Blake pagkakita sa akin, may hawak syang beer bottle habang katabi nya sina Brent at ibang varsity players at masayang naguusap.

"Yeah iniwan ko muna sa room, nakatulog na sya. Anyway nakita nyo ba si Avery?" tanong ko saka luminga.

Kanina pa sya umakyat kanina kasama ni Sydney, pero bakit up to now hindi pa din nakakabalik?

"Nope Baby." sagot ni Blake saka bumaling uli kina Brent, naguusap na naman sila sa walang katapusang basketball.

"Hanapin ko muna" sabi ko. Tumango lang sya.

Nadaanan ko si Ice Hermosilla sa may bar counter, mukhang lasing na din.

"Hey ice, have you seen Avery and Sydney?"

Tumingin sya sa akin saka ngumiti. Whoa this girl is kinda cute, lalo na when she smiles like that.

Really Reese?? Stop checking them out. Sigaw ng utak ko.

Pilit akong gumanti ng ngiti.

"Kanina pa, niyaya ni Avery si Syd na mag uusap daw sila."

"Ah hindi pa din sila bumababa up to now?" nagtatakang tanong ko. Ang tagal naman ata ng usapan na yun ah.

Tumango sya "Yep haven't seen them after that."

"Thanks, sige hahanapin ko muna sila." sabi ko saka naglakad na papunta ng 2nd floor. I'm sure nandito lang sila somewhere.

May kulang 10 pintuan ata dito sa floor na to, including the 2 CR. Yung mga naunang rooms na nadaanan ko ay puro nakalock, pagdating sa gitna ay bukas na...pero wala namang tao.

Where are they??

Nasa huling pintuan na ako at tinulak ko ito, hindi naman nakalock pero parang may nakaharang sa pintuan.

Sinubukan kong kumatok "Avery, nandito ka ba?" tawag ko.

Ilang sandali pa ay wala naman sumasagot. Paalis na sana ako ng bigla akong nakarinig na may nagsalita.

"Cousin, I'm here. Please help us. Hindi kami makalabas." narining kong sabi sa kabilang side ng pinto.

Pinihit ko ang doorknob saka itinulak, bumungad sa akin sina Avery at Sydney na magkatabing nakatayo at parang kakagising lang.

Takang napatingin ako sa kanila.

"What happened?"

"Nalock kami dito sa loob, sa labas lang pala yan pwedeng buksan. Thanks cuz at dumating ka." sabi ni pinsan, medyo namumugto pa ang mata. Parang umiyak ata?

"Ok lang ba?" nagaalalang tanong ko.

"Oo cuz."

Lumabas na kaming magpinsan kasunod namin si Sydney.

"Si Addy?" tanong ni pinsan habang nakatingin sa akin.

"Nasa guest room tulog na." sabi ko saka tinuro yun kwarto sa may pangatlong pinto.

"Ok puntahan ko muna." sabi nya saka naglakad na papunta sa room na tinuro ko.

Napatingin ako kay Sydney na nakatayo pa din sa tabi ko "Baba muna ko Reese, nakita mo ba si Ice doon?" sabi nya, pinagmasdan ko sya at napansin ko na medyo lukot yun damit na suot nya.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon