Chapter 12 - Flabbergasted

87.4K 1.9K 534
                                    

Madison P.O.V.

Pagkatapos ng insidente namin sa cafeteria ay nagngingitngit pa din ako hanggang sa matapos ang klase.

Sino ba naman kasi ang matutuwa dun? Ayos na nga kasi at halos abot kamay ko na....pero dumating pa kasi etong si Reese at bigla tuloy nabulilyaso lahat ng plano ko.

Kahit sa work ko ay naiisip ko ito kaya ilang beses tuloy akong napagalitan ng manager namin dahil sa mali maling orders ang nabibigay ko sa customers.

Hindi ko magawang makapagconcentrate hanggang sa part time work ko, hindi pa din maalis sa isip ko ang mga nangyari.

Tapos hindi din ako makamove on sa nalaman ko about kay Ken, walang wala naman kasi sa hinagap ko na bading pala sya.

At ngayon ko lang narealize na kaya pala laging masama ang tingin nung guy na madalas nyang kasama ay baka nagseselos pa sa akin..

Pagdating sa bahay ay mainit pa din ang ulo ko, ilang beses ko tuloy nasabihan sina Maryland at Dakota dahil sa napansin kong magulong higaan o sa tambak na hugasin sa lababo.

"Te bakit ang init ng ulo mo ngayon?" tanong sa akin ni Dakota ng nakahiga na kami sa kama at papatulog na, si Maryland ay nakatingin din sa akin.

"Hay naku wag nyo na lang itanong, ayoko na muna isipin yan. Hala sige magsitulog na kayo at gabi na." sabi ko sa kanila saka ko na pinatay ang ilaw.

Bumalik ako ng higa at dahil siguro sa sobrang pagkainis ko kay Reese ay mukha pa din nya ang nakikita ko kahit nakapikit na ako.

Hayyy kakainis ka na talaga Santillan!

****************

Kinabukasan ay nagpatuloy pa din ang kamalasan ko, paano ba naman pagpasok ko sa gate ng school ay sinalubong agad ako ni Jaro at kinulit kulit ako na sya na daw uli ang maging partner nya para sa Gala night bukas.

Hindi nya talaga ako tinantanan hanggang sa mahuli tuloy ako sa unang klase namin dahil sa kakatago ko sa kanya.

Gustong gusto ko na nga syang isako at ihagis sa ilog Pasig sa sobrang inis ko. Pinagalitan pa tuloy ako ng Prof namin dahil late na ako nakapasok.

Tungo ang ulo at seryosong nakinig hanggang sa matapos ang klase.

Pagkatapos ng 1st class naming ay niyaya ko si Aly sa may tambayan sa gilid ng building para kausapin.

"Paano na ba yan? Ano ng gagawin ko kay Jaro?" hinaing ko sa kanya, nakwento ko na din kasi sa kanya ang nangyari kahapon.

"Naku wala ka ng magagawa sa option number 1 mo friend, doon ka na lang sa option number 2." sagot nya habang seryosong nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko "What???! You mean hahalikan ko si Blake? No way! Baka lumubog na ako sa kahihiyan kapag ginawa ko yun." sabi ko habang hawak ang sentido ko. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa problema ko kay Jaro.

"Wala ka ng choice, kailangang magawa mo na yan para bukas tahimik ka sa Gala night natin. Hindi ka na nya makukulit."

Nanghinang napaupo ako sa bench malapit sa kinatatayuan naming dalawa, tumabi sya sa akin si tila nakikisimapatiya sa problema ko.

"Mukhang wala na talaga akong choice...." sabi ko saka bumuntong hininga.

"Hindi naman siguro magiging big deal kung hahalikan mo sa loob ng 3 o 4 na segundo si Blake. IIsipin ng tao na he's popular kaya natural lang na madaming babae nagkakagusto o naattract sa kanya, diba?" segunda pa nya.

"Tingin ko tama ka dyan Aly, baka nga hindi na pansinin pa yun ng mga estudyante....isa lang naiisip kong problema." saka ako sumulyap sa kanya.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon