Chapter 30 - Drew's party 2

44.3K 1.2K 344
                                    

Reese P.O.V.

Nagising ako sa malakas na tama ng malamig na hangin sa mukha ko, pilit kong iminulat ang mata ko at agad ko natanaw ang isang mala blue-green na kulay ng dagat. Kinusot ko ang mata ko saka ginala ang paningin.

Nandito nga pala kami sa resort ngayon nina Drew at dahil sa pagod sa pagdrive ay natulog agad ako pagdating namin dito.

Tumungo ako ng maramdaman ko na tila may katabi ako at napangiti ako nang makita ko si Kuting na tulog na tulog na nakayakap sa akin.

Teka diba kakatulog lang nya sa buong byahe kanina pagkatapos ngayon tulog pa din?

Natatawang kinurot ko ang pisngi nya "Wake up sleepy head." bulong ko sa kanya.

Umungol lang sya at akala ko ay nagising na, pero yun pala ay nagbago lang ng pwesto, mas sumiksik lang naman sya sa akin at mas humigpit din ang yakap.

Aha ayaw talagang gumising ha? Isang pilyang plano ang pumasok sa isip ko.

Hinawakan ko ang mukha nya saka dahan dahan na iniharap sa akin, pagkatapos nun ay bigla ko syang siniil ng madiin na halik.

Mabilis syang napadilat at saka gulat na napatitig sa akin. Nang tila nakabawi sa pagkabigla ay mabilis akong tinulak na parang galit.

"Bakit mo ako hinalikan??"

"What? Why you even ask? Girlfriend kita kaya normal lang naman na halikan kita." parang wala lang na sagot ko saka ako nagkibit balikat. Tumayo na ako habang sya ay nakaupo pa din sa kama.

"Kainis ka.." reklamo nya, nakasimangot.

I raised my eyebrow "and why is that...?"

Natigilan sya at maya maya pa ay medyo namula sya na tila may naalala.

"W-wla may napanaginipan lang ako..." umiwas sya ng tingin.

Oh, i wonder what was it all about...at bakit sya namumula?

I smirked "At ano naman yun?" so yun pala ang dahilan kaya sya galit na galit? May dream ba sya na naistorbo ko?

"Wala nakalimutan ko na." paiwas na sagot nya saka bumaba na din ng kama.

Nakatingin lang ako sa kanya the whole time at hindi ako naniniwalang nakalimutan nya kung yung dream nya, kung ano man yun.

"Ows?"

"Oo nga...ang kulit, wala nga yun." Sagot nya na parang nagsusungit na. Defensive much?

Naglakad sya papunta ng bag nya at may kinuha dito na towel saka tumingin sa akin.

"Mag bath lang ako." sabi nya.

"Hmmmm pwedeng sumama??" sabi ko naman habang nakangiti ng malaki.

"Duh? Asa lang Santillan?" saka sya naglakad papunta ng bathroom.

Nawala ang smile ko nang marinig yun. Hindi ko alam na may pagkamasungit din pala itong si Kuting lalo na kapag naiistorbo ang pagtulog nya. Mental note on that.

Nagpunta ako sa may table kung saan nakapatong ang bag namin. I checked my cellphone at nabasa ko na may text galing sa pinsan ko na si Avery. She was asking kung nandito din daw ba ako sa Beach party ni Drew San Antonio, hindi ko alam na nandito din pala sya ngayon.

Ang tagal na din kasi kami hindi nakakapag usap para makibalita sa nangyayari sa amin, paano masyado na akong naging busy sa love life ko ng mga nakaraang linggo. Last thing i've heard there was something going on between her....and guess who? Sydney Dawn Bustamante, of all people. Who would have thought? Ang pinsan ko na saksakan ng homophobic at sungit ay tila babagsak din pala sa kapwa nya babae. The irony of the situation nga naman.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon