Chapter 18 - Downfall

101K 2.1K 506
                                    


Madison P.O.V.

Hindi pa din nawala ang ngiti ko habang nasa huling klase na kami.

Ang sarap pala ng feeling ng inlove...parang ang ganda ganda ng paligid ko.

Eto pala yun tinatawag nila na kulay rosas ang paligid mo kapag nagmamahal ka.

Wala akong ginawa kung hindi isipin lang sya......yun mga nangyari kanina at saka noong mga nakaraang araw pa pagkatapos ng Gala night.

Hayy Reese ano na ba 'tong ginawa mo sa akin?

Pagdating ng uwian ay sobrang excited akong lumabas ng classroom, nagpaalam agad ako kay Aly at sinabi ko na hindi na ako makakasabay sa kanya pag uwi.

Kinuha ko agad yung phone sa bag ko at nakita kong may mga text na si Sexy kitten sa akin.

"Tapos na ba yun class mo?" text nya tapos meron din "Meet me at the parking area."

Kaya eto halos magkandapatid na ko sa pagtakbo papuntang parking, pero syempre dumaan muna ako sa CR para magretouch. Nakakahiya naman kasi kay Reese, sya ang ganda ganda nya tapos ako ang dugyot diba?

Pagdating ko sa may parking ay luminga linga ako pero hindi ko siya makita.

"Where is she?"

Itetext ko na sana sya ng marinig ko na may bumulong sa tenga ko.

"Looking for me?" sabi ng napakasexy na boses.

Ngumiti ako bago mabilis na lumingon.

Boom! Ayun nabungaran ko ang pinakamagandang babae sa paningin ko na nakangiti sa akin.

Kaya halos tumatakbo na naman palabas sa dibdib ang puso ko.

"Reese.." napangiti ako ng bongga.

Hayyy bakit kasi ang pretty ni Sexy kitten? Hindi mapigilang gumala ng mata ko mula sa mata nya pababa sa labi nya at sa .....ehemmm katawan nya bago bumalik ulit sa mga mata nya.

"Done checking me out?" she asked, smirking.

Namula ako.

"Spell ASA Santillan?" I said, rolling my eyes.

Mabilis na nawala ang smirk nya saka kumunot ang noo "Hey that's my line."

"Says who?" pang aasar ko.

She just groaned bago ako inirapan at naglakad na kami papuntang kotse na nakapark sa gilid ng area.

Ang ganda ng kotse niya halatang mamahalin. Nauna na syang pumasok sa loob.

Alanganin tuloy akong sumakay sobrang ganda at linis, parang nakakatakot madumihan.

Napatingin na siya sa akin kasi hindi pa ako pumapasok.

"Papasok ka ba o bubuhatin pa kita?" sarcastic na tanong nya.

Napakamot na lang ako ng ulo bago dahan dahang naupo sa mamahaling leather seat.

isinara ko na yung pinto at saka umandar na yung kotse.

Tumingin ako sa kanya "Sino kasama mo sa bahay nyo?"

Parang biglang nalungkot ang mata nya nang marinig ang tanong ko.

"My Dad...pero wala sya ngayon nasa business trip."

"Ok." Kahit gusto ko siyang tanungin ulit pero nag alangan ako. Siguro sa susunod na mga araw na lang, baka kasi hindi pa sya ready mag open up tungkol dun.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon