Chapter 3 - Aso't pusa

96.8K 2K 683
                                    

Madison P.O.V.

"I assign you Ms. Santillan to Ms. dela Rosa."

Hindi ko mapigilang kabahan ng sobra dahil sa sinabi ni Prof. Hindi kaya nagkamali lang ako ng narinig? Totoo bang iaassign nya ako kay Reese Santillan para tulungan syang mag improve ang grades nya??

Pwede bang ipakain na lang ako sa pating kaysa gawin ko yun? O kaya ipasagasa na lang sa pison. OMG kahit ano po wag lang ako maassign sa kanya. Tahimik na hiling ko. Sana magbago pa isip ni Prof please.

Napatingin sa akin ang bestfriend ko na parang nakikisimpatiya sa naging kapalaran ko. Kahit naman sa kanya nangyari ay for sure hindi din sya matutuwa, imagine makakasama mo ang pinaka bitchy na girl sa buong university.

Hindi ko nga magawang tumabi man lang sa kanya, tapos ngayon iaassist ko siya?

My gosh! Sana pala hindi na lang ako nag aral ng mabuti sa subject na ito para hindi ako ang napili ni Prof.

"Sir who's Ms. dela Rosa?" I heard her angelic voice again..hindi mo aakalain na galing ang magandang boses na yun sa isang bitchy girl na kagaya nya.

Itinuro ako ni Sir kaya napalingon ako sa direksyon ni Reese.

Nakatingin din sya sa akin na tila nagulat, alanganin tuloy akong napangiti...eto na po ang sistensya ko bibitayin na ako.

Pero ako naman ang sumunod na nagulat nang bigla syang napangiti ng tila nakilala ako.

Of course dalawang beses na kami nagkaroon nang encounter ngayong araw na ito, una sa CR at pangalawa sa hallway habang naglalalaplapan sila ni papa Blake ko.

Pero I'd hypocrite kung hindi ko aaminin na lalong gumaganda si Reese pag ngumingiti sya ng ganun, but I know her better..may ibig sabihin ang ngiti na yun. Yun parang pinaplano na hindi maganda.

Bigla akong nanlamig at saka kinabahan.

Ano naman kaya iniisip nya?

Mabilis natapos ang klase namin, binigyan lang kami ni Prof ng assignment para bukas. Inaayos ko na ang mga gamit sa bag ko ng bigla akong siniko ni Alyana.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya, napalingon ako sa nginunguso nya.

Yun pala papalapit sa akin si Reese kasama ang mga kaibigan nya.

"Hey you!" tawag nya sa akin hahabang papalapit sya.

Hey you?! Parang tumatawag lang sya ng kung sino sa lansangan ah.

"I have a name." biglang lumabas sa bibig ko, natigilan ako ng maisip ko yun sinabi ko pero hindi ko na din binawi pa. Bakit totoo naman na may pangalan ako.

"Whatever, I'm not interested." maarteng sabi nito saka tumingin sa amin ni Alyana.

"From now on, it's your responsibility to make sure that I will pass this subject." na akala mo ay sinong boss na nagsabi lang sa tauhan nya.

Napamaang ako sa narinig. Was she serious? Malinaw ang sinabi ni Prof, tulungan ko lang sya mag improve dito sa subject hindi yun maging responsibilidad ko na makapasa sya.

This girl was definitely out of her mind para sabihin yun.

"Hindi naman ganun ang sinabi ni Prof kanina." sabi ko nang mahimasmasan na ako.

Tumingin sya sa akin na parang galit "What did you say?" She hissed, obvious na hindi nya nagustuhan yung sinabi ko.

Naramdaman kong kasing kapal ng yelo sa north pole ang tensyon sa pagitan namin ng oras na yun. Pati yun ibang classmates namin tila tumigil sa mga ginagawa nila at nakikinig pa sa usapan namin ni Reese. Mga usisero!

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon