12

40 21 0
                                    

12th Piece Title: Akala.
©PMBPoemOriginal (2020)

Akala ko kaya ko na, hindi pa pala
Biro mo lumisan na ako't lahat na
Ikaw pa rin pala talaga
Ang nais ng puso kong bulag at tanga

Masisisi mo ba ako?
Kung bakit umiwas at lumayo sa 'yo?

Minsan ba naisip mo rin
Ibaling sakin ang iyong paningin
Palagi nalang sa kanya nakatingin
Mga mata mo'y nagniningning.

Sino nga ba naman ako?
Isa lang naman akong dating kaibigan mo
Kaibigang hanggang ngayon may gusto sayo
Nagtatago nalang dahil di ka naman interesado

Okay lang naman
Nasanay na rin naman
Sa gaanong trato mo na paulit-ulit lang
Mabuti na lang nasabi ko na umpisa pa lang.

Alam mo na ako'y may pagtingin sa 'yo
Kaya siguro napalapit tayo
Akala ko ayun na 'yun
Hindi pala ganoon iyon.

Napalapit ako sa 'yo sa 'di malamang kadahilanan
Mga panahong ginugol at pinaglaanan
Bawat eksenang napagdaanan
Tila binalewala na lang.

Umasa ako na kakayaning kong wala ka sa buhay ko.
Nanindigan akong kaya ko, pero hindi.
Kinaya ko namang mag-isa dati,
Ngunit bakit ngayon tila naninibago?

Ang dating ayos lang
Ngayo'y nasira na
Ang dating masaya lang
Ngayo'y kalungkutan na lamang natira.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now