06

84 35 0
                                    

6th Piece Title: Pagpapasalamat.
©PMBPoemOriginal (2019)



“Salamat nga pala, Salamat sa panandaliang saya...”


Salamat kasi nakilala kita
Naging dahilan ka ng pansamantala kong saya
Salamat, dahil naging parte ka ng buhay ko
Naging makulay ito dahil sa presensiya mo.


Siguro kung hindi kita nakilala
Hindi ko alam kung makakaya ko bang tumawa
Yung tipong walang pakialam sa komento ng iba
Basta ang alam ko masaya ako kapag kapiling kita.


Siguro kung hindi kita nakilala
Hindi ako masasaktan ng ganito
Pero salamat, ha?
Kasi kahit papaano sumaya ang mundo ko.


Salamat kasi pinagbigyan mo ko
Na makasama ka sa maikling panahon
Bilang man iyon,
Asahan mong alaala'y iingatan, dahil iyon lamang ang bagay na matitira sa akin
Kung sakaling iwanan mo ako.


Dahil sa mga alaalang iyon,
nahulog ako ng walang kaalam-alam
ngunit iniwan mo rin ng walang kalaban-laban...
Pero salamat pa rin.


Salamat sa pansamantalang pagpapasaya Salamat, dahil pinaramdam mong ako'y mahalaga.
Salamat kasi kahit papaano naiparamdam mo na masayang mabuhay sa mundong ito.
Salamat, dahil sa pag-iwan mo nagbago ako.



Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now