05

69 32 0
                                    

5th Piece Title: Mahal ko, mahal niya.
©PMBPoemOriginal (2019)



Mahal ko, mahal niya
Sinadya ba o intensyon niya?
Mahal nga ba nila ang isa't isa
At ako lang 'tong umaasa sa wala.

Ang sabi mo'y ako lang
Ang sabi mo pa'y tayo lang
Ngunit parang may mali
May mali yatang nangyari.

Ipinakilala ko siya sa 'yo
Ang sabi ko'y akin lang siya
Walang puwedeng umangkin na iba
Subalit bakit noong ako'y lumisan saglit
ay hinawakan mo na siya?

Kinompronta kita't sinabi mong, "pasensya na, hindi ko sinasadya kapatid, pero siya ang unang nagsabing mahal niya ako."

Kaya ang labas, siya ang may kasalanan
Ngayon siya naman aking tinanungan
At ang sabi niya'y, nawala ka, at hindi na ako nakaramdam pa ng kahit na anong pagmamahal galing sayo at nung mga panahon na gusto ko ng kalinga, siya lang ang nandyan at ikaw? Wala,” aniya na para bang ang sama sama ng loob niya.

Napaisip ako dahil sa tugon niyo pareho
Ang dating akin, ngayo'y naglaho.
Bakit ganoon?
Kasalanan ko ba talaga?
Kaya ang dating mahal ko ay minahal na niya
Ako pa ba ang tunay na naging pabaya?
Gayong, kaya lang naman ako umalis ay para rin sana sa kinabukasan naming dalawa, ako pa?

Lumipas ang mga taon ay tuluyan na kayong naging masaya.
Siguro nga, sila talaga ang tunay na nakatadhana
At ako? Ako ang naging tulay para sila'y magkatuluyan na talaga.

Masakit ngunit para sa kapatid ko,
Ako'y magiging masaya na lang
Hahayaan na lamang sila
At tuluyan nang magpapakalayo
Nang hindi ko na masira ang relasyong na mayroon, sila.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now