03

83 32 0
                                    

3rd Piece Title: Sana hindi na lang, siya.
©PMBPoemOriginal (2017)



Hindi ko alam kung saan ako magsisimula
Hindi ko rin alam kung paano magsasalita
Hindi ko alam kung paano aaminin
Ang nilalaman ng nitong aking damdamin.

Sapat na ba ang pabulong, o kulang pa?
Sapat na ba ang magpakita ng pruweba at ng ilang ebidensya para maniwala ka
O baka, kailangan ko pa ring mag-effort sayo
Para maiparamdam ko sayo itong nararamdaman ko.

Ang saklap lang, kasi iba ang gusto mo
at hindi ako.
Ang saklap kasi siya pa ang nagustuhan mo.
Ang saklap kasi hindi ka rin naman niya gusto
Ang saklap kasi ayaw niya rin naman sa 'yo

Ayan tuloy lumuluha ka na naman.
Sana kasi hindi na lang, siya.
Sana kasi, ako na lang...

Bakit ba kasi ayaw mo sa akin?
Panget ba ako sa iyong paningin?
Ano ba ang mga dapat kong baguhin,
Para lang ako ay iyong piliin at ibigin.

Sana balang araw malaman mo na lagi lang ako nandito, para sa 'yo. Para maging kaibigan mo.

Masaya ako kasi nakilala kita.
Masaya ako kasi naging kaibigan kita.
Naging first-boy-beshy-friend pa.
Nagpapasalamat ako kasi naramdaman ko ito sa isang katulad mo.

Sa tulad mong, kaibigan lang ang turing sa 'kin.


Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now