01

136 37 1
                                    

1st Piece Title: Thank you, Bes.
©PMBPoemOriginal (2018)


Hanggang saan, hanggang kailan.
Aasa ang puso ko sa isang katulad mo
Alam ko na dapat ay may hangganan pero masisi mo ba ako kung gusto ko ikaw lang?

Sumapit rin ang araw na nalaman kong may bago ka na,
May kasintahan ka na pala bakit hindi mo pa pinaalala.
Kung hindi pa kita biniro noon,
hindi mo pa akin sasabihin ngayon.

Ang saklap lang.
At syempre, bilang isang kaibigan mo.
Tungkulin ko na suportahan ka.
At iyon nga ang ginawa ko...

Sinuportahan kita, kayong dalawa.
At doon naka-capslock ang mga salitang,
“Thank you, beshy” insert heart emoji.

Nang mabasa ko ang reply mo na yan,
Dalawang emosyon lang ang naghari sa 'king dibdib. Isang saya, ngunit mas nangingibabaw ang lungkot.

Masaya ako...
dahil nakikita ko ang iyong ngiti,
kapag siya ang iyong kasama.
Ngunit nalulungkot din, sapagkat,
nakikita kitang tumawa sa piling niya.

Naging kayo. Samantalang ako,
Ito, umiiyak pa rin dahil sa 'yo.
Pero hindi mo alam 'yun kasi hindi ka naman nagtatanong—
Ay, paano ka nga naman kasi magtatanong, kung ang batid mo naman ay masaya na ako para sa iyo.

Minsan, napapaisip na lang din talaga ako.

Hanggang kaibigan na lang ba talaga?
Hindi na ba puwedeng humigit pa roon?
Hindi ba puwedeng ako na lang at 'wag na siya?
Ang daya mo naman,
Kung sino pa 'yung taong laging nariyan para sa iyo... siya pa itong binabalewala mo.

Manhid ka ba o sadyang siya lang gusto mo?
Ni minsan ba napansin mo na may pagtingin ako sa 'yo?
Ni minsan ba nagtanong ka kung anong totoong damdamin ko para sa 'yo?
Importante pa nga ba ang saloobin ko para sa 'yo?

Hayst,
Alam mo yung pakiramdam na gusto mong magalit sa kanya pero wala kang magawa kasi hindi mo kaya.

Hindi ko kayang magalit, o kahit na magtampo sayo dahil nga sa nararamdaman ko.
Gusto kita e, gustong-gusto.
At hindi naman malabong baka sa susunod na araw ay mapag-alaman kong mahal na kita.

Sana malaman mo na masaya ako.
Wala halong biro,
Hindi ako manlilinlang
Ito ang katotohanan.

Masaya ako kasi nakilala kita
Masaya ako kasi nakita kita
Masaya ako kasi naging kaibigan kita.

“Salamat, beshy.”

Hanggang dito na lamang muna ako,
Salamat muli, kaibigan ko.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now