10

43 21 0
                                    

10th Piece Title: Bilang.
©PMBPoemOriginal (2020)




Isa dalawa tatlo, bibilangin ko
Ang bawat pagyapak mo, palayo sa puwesto ko.

Apat lima anim
Muling kong aaminin,
na sa 'yo ay may lihim na pagtingin.

Pito walo siyam
Siyam na beses akong ngumiti sa harap mo
Kahit na alam kong iba ang gusto mo
Nagmukhang tanga kakahabol sa tulad mo.

Bago ko banggitin ang huling bilang
Nais kong iyong malaman
Nilalaman ng puso kong timang
Pinipilit pa rin na tanging ikaw lang.

Sampu, sampung beses tayong nagkuwentuhan
Nag-alangan pa kung ika'y masisiyahan
Pero sa dulo ako pa rin pala ang luhaan.

Wala na, pagkatapos ng pagbilang ko
Tuluyan na ngang naging kayo,
Wala na ang pag-asa kong maging tayo.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now