27

29 18 0
                                    

27th Piece Title: Ang buwan at bituin.
©PMBPoemOriginal (2020)
Poem for: Incentivize Writerhood.


Ang lilim ko'y kadiliman
Lungkot ay may kalaliman
Sinag mo'y aking pahingaan
Pansamantala ika'y lumisan
Akala ko'y sasaglit ka lang
Sa manloloko ako'y nalinlang.

Ako ang bituin, ikaw ang aking buwan
Lumipas ang panahon ika'y nang-iwan
Umasa pa ako na hindi ka kagaya nila
Nagbakasaling mananatili ka pa
Napundi ningning ng aking liwanag
Umalis ka't iniwan akong bangag.

Alas dose na naman, nakatingin sa kawalan
Titig sa liwanag dala ng kislap mula sa buwan
Iniisip mga alaala natin mula sa nakaraan
Sana hindi na lang ako nagpaniwala
Hindi ka na babalik, alam ko sinta
Siya ang pinili mo't hindi ako na mahal ka.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon