Authors appreciation note!

1.1K 41 38
                                    


Hii mga mahal. Since umabot na kayo sa bahaging ito, ibig sabihin isa ka sa mga nagtiyagang tapusin ang storya ko. At gusto ko lamang ipaabot ang aking mainit na pasasalamat. Maraming maraming maraming salamat sa suporta!

Sa wakas ay nakatapos din ako ng isang storya. Hindi kagandahan ang storya at hindi ko din alam kung nabigyan ko rin ba ng hustisya ang ending ng kwento para sa inyo. Mas madalas akong hindi masatisfy sa kinalalabasan ng storya ko at hindi ko din alam kung natutuwa ba kayo sa mga ud ko. Gayon pa man, sobra ang pasasalamat ko sa mga bumasa, at patuloy na nagbabasa, naghintay at matiyagang naghintay sa pucho pucho, lame, bitin at napakalate kong update. Nagpapasalamat ako sa mga nagtiyagang maghintay nito kahit pa hindi naman ito gaanong espesyal.

Matagal tagal na rin ang itinakbo at itinagal ng storyang ito. Nagsimula po sya noong October 26,2019. Eksaktong araw ng pagamin nila mami at hayon. Grabeng saya ng puso ko non kaya naisipan kong magsulat at dala na rin po ng hilig ko sa pagsusulat na hindi ko lang ipinangangalandakan. At ngayon halos mahigit siyam na buwan ang itinakbo nito.

Hindi ito perpekto dahil marami itong pagkukulang at butas alam ko. Hindi din ito mailelevel sa mga storyang gawa ng mga magagaling nating mga kapatid na manunulat sa fandom na to.Pero.Maraming mali dahil nung simula ay pinipilit ko ring habulin ang mga totoong kaganapan sa buhay ng dalawa nating bida sa kwento, at ng tumagal ay napagpasyahan ko na lamang na baguhin ang takbo nya. Hindi din ganong karaming mambabasa ngunit sa iilang mga sumuporta ako nagsimulang maglakas loob na magpatuloy. Kaya salamat sa inyo!

Gusto ko ring magpasalamat sa gumawa ng cover nito na ginamit ko mula ng ginawa nya para sa storya at hanggang ngayon hindi ko na sya pinalitan! Thank you so much ats!.

At kung may book 2? Ewan ko. Depende pa kung may magrerequest o depende kung ilan ang magrerequest. Malay nyo maconvince nyo ko 😉

At para sa mga nagmemessage sakin pati sa twitter. Sobra nyo po akong napasaya dahil sa pag-aappreciate nyo sa storya ko. May mga panahong sumasakit na ang ulo at mata ko pero kapag may nagpapadala sa akin ng mensahe, sinisipag po ako. Naiinispired ako. At sa mga nagtatiyang magcomment ng "next po", o kaya naman ay "update na author", kahit nga iyong simpleng 'bitin" natutuwa ako. Maraming salamat po sa inyo. At sa pagmamahal. Salamat sa pagsama kina Vice at Ion mapadito man sa storya o totoong buhay.

Syempre kay Lord thank you for giving me the chance to inspired other people by writing. Thank you for still being with me through my ups and down. And for giving me such wonderful fandom.

At sa mami kong hindi ko pa nasisilayan ng malapitan at harapan. Mahal na mahal kita Jose Marie Viceral! Sa mga panahong nalulungkot ako, sa mga panahong wala ng naniniwala sa akin, sayo ako kumakapit. Malayo ako sayo at hindi mo man ako kilala personally pero nararamdaman kong bilang isa rin sa mga anak mo, ang pagmamahal mo. Ikaw, ang ngiti mo, ang inspirasyon at motibasyong nanggagaling sayo ang nagiging sandigan ko. Hindi ko inakala na posible pala iyong gantong pagmamahal. Posible pala akong magmahal bukod sa pamilya ko. At ikaw yun. Hindi mo ako binigo mula noon. At syempre kay Ion,( ang weird ng feeling pag daddy hehe) Mahal na mahal rin kita. Mahal na mahal ka rin namin. At maraming salamat sayo. Sa pagmamahal na binibigay mo sa nanay namin. Nawa ay pagtibayan kayo ng maykapal at patatagin ng aming pagmamahal.

Maraming maraming salamat! Mahal na mahal ko kayo! Pwede nyo kong maging kaibigan at u can mesaage me anytime. Matapos man ang storyang ito hindi matatapos ang pasasalamat ko at ang pagmamahalan nila Jose Marie at Benigno.

At sana rin wag po kayong magsawang magmahal. Okay lang mapagod pero wag na wag tayong susuko. Lalo na sa pagmamahal natin kina mother horse. Kagaya nga ng sabi ko sa storyang ito "Mapapagod lang naman, pero di hihinto. Magpapahinga lang pero di susuko."

At sa mga napapagod diyan at nawawalan na ng pag-asa, sana mabuksan sa inyong mga puso na walang madali dito sa mundo. Pero matuto tayong maghintay at kumapit. Sa mga kagaya kong hindi pa nano-notice kahit minsan, sa mga kagaya kong maraming kagustuhan pero hindi pa napupunan, sa mga kagaya kong naghihirap sa buhay at hindi sinewerteng makabili o magkaroon ng mga gamit na magpapaalala sa atin kay mami , sa mga kagaya kong kahit anong ganap ni mami ay hindi pa napupuntahan, sa mga kagaya kong malabo pa sa ngayon na makita si meme. Kumapit tayo. Wag mawalan ng pag-asa. Mahal nya tayo. Kaya ako. Hindi ako aalis sa fandom na to anut anuman ang mangyari. Dahil kagaya muli ng isang linya ko dito sa storya,
Sa lahat ng mga bagay na walang kasiguraduhan ,ang pagmamahal nya lang ang hindi ako mapapagod na tayaan.

Patuloy tayong mangarap at maniwala. (P.s follow nyo na din ako dito to be updated to my upcoming stories muahhh. Zenkyuuu)

Hindi pa dito matatapos dahil magkikita pa tayo sa susunod kong kwento😉 MARAMING SALAMAT at MAHAL na MAHAL KO KAYO!

Nagmamahal,
ate chi

"Bihira ang nabibigyan ng pagkakataon na mahawakan ang buwan, pero sakin ibinigay ang pinakamagandang kalawakan." --Ion (NMTNMF)

"Sa lahat nang dumating at binigay sa akin na hindi ko inakala, sayo at sa pagmamahal mo ako pinaka-pinagpala." --Vice (NMTNMF)

NO MORE TEAR NO MORE FEAR
is now signing off

🧡🧡🧡


EDITED : pasensiya na po sa pag-unpub nito, aayusin ko lang sana yung mga errors and typos pero hindi ko pa rin naayos dahil super busy ng ate niyo. Deserve niyo ng maayos na kwento. But still, ang overwhelming kasi marami palang naghahanap nito which I didn't expect. Thank you so much po. Bawi ako, pag nagkatime 😜Love u all!!

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now