XXVI : Negative thoughts

882 32 14
                                    

General





Ilang buwan na din mahigit ang lumipas samantalang patuloy lamang sa pagpapasaya ng madlang people ang programang paborito ng lahat.

Kasalukuyang nasa pantry ang mga host at kumakain ng lunch habang nasa second gap ang show.

"Brad kumain ka nga!"ani Vhong na nasa tabi ng bakla.Nakaupo at kapwa tahimik lang rin ang mga host habang kumakain.

"Ang sarap nitong buttered shrimp,meme. Bakit nga ba di ka kumakain?"ani tiyang Amy na nasa bandang harap naman ng bakla.

"Ayyy!Hindi naman ako masyadong gutom tiyang."sagot nya at inikot ikot muli ang tinidor sa pasta na nasa plato nya."Kumain naman ako ng breakfast kanina."

"Eh ate. Anong oras pa yun?Mag aalas tres na ng hapon oh. Tsaka kanina pa parang mababa energy mo.Okay ka lang ba ate?"ani Jugs.

"Oo nga Vicey. Ikaw lang hindi kumakain ng lunch satin. Yung pasta mo dyan sa plato mo,kanina pa pero parang di mo pa nababawasan?"singit ni Karylle na nasa tabi naman ni Teddy.

"Okay lang nga ako. Di lang talaga ako gutom,tsaka masakit lang medyo yung ulo ko."sagot ng bakla at tuluyan na ngang binitawan ang tinidor.

"Pahinga kana kaya brad?"suhestiyon ni Vhong na agad na inilingan ng bakla.

"Hindi na. Okay na ako."

"Tubig na lang mommy oh.."inabot naman ni Ryan ang tubig sa bakla.

"Thank you Baby."

Nagpaalam naman ang bakla na magreretouch lang sya sa dressing room nya.

"Kailan ka pa na-bother sa mga nababasa mo?Kailan ka pa natutong magpadala sa mga ganun?Ha Vice?"pagkausap nya sa sarili sa harap ng salamin.

Umiling iling na lang sya at saka inayos ang sarili.

"Erase! All negativities erase!"














----


"Kuys!"tawag ni Vhong kay Ion.Kagagaling nito sa banyo at kapalitan nito si tiyang amy sa paghohosting kaya naman ang mga ito ang nasa entablado ngayon para sa segment ng tawag tanghalan.

"Uy kuya!"nginitian sya nito saka binaling uli sa bakla ang paningin na kasalukuyang iniinterview ang contestant.

"LQ ba kayo ni brad?"

Nilingon naman sya nito."LQ kuya?Kami ni betla?"tumango ito."Hindi naman po. Okay kami."

"Ah ganun ba?Kasi kanina parang wala sa mood eh. Hindi pa nga kumain yan eh,akala ko tuloy nag away kayo."anito.

Tinignan naman nila ito pareho.

"Mukhang okay naman sya kuya."sagot nito saka binalin
muli sa bakla ang mata.

"Oo nga. Baka masakit lang talaga ulo nya kanina."

"Papainumin ko na lang ng gamot mamaya kuya.Kisspirin tsaka yakapsul."nakangiting sagot nito.Tinapik sya ni Vhong sa balikat saka bumalik sa pwesto nya kanina.

Nagpatuloy naman ang show.








-----

"Babe."tawag ng binata sa nobya habang tahimik lang silang kumakain."Sure kang okay ka lang?"

Tumango naman ang bakla at ngumiti ng maiksi."Medyo masakit lang talaga ulo ko't gusto ko ng magpahinga muna."sagot nito saka ininom ang gamot na inihanda ng nobyo bago pumanhik paakyat ng kwarto nila.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONحيث تعيش القصص. اكتشف الآن