XXXIII : Kinikimkim

1.1K 36 17
                                    

General

Dahan dahang humakbang paatras ang binata palayo. Imbes na tumuloy sa dressing room ng nobya,ay naglakad na lamang sya paalis roon.

Buti na lamang tapos na ang live show,kaya ay hindi naman na sila magtataka kung bakit bigla na lamang syang aalis.

'Pero yung girlfriend mo Ion.'

'Hahanapin ka ni Vice!'

Tumigil naman sya sa paglalakad at napaisip.

'Magpapadala ka na naman? Hindi mo na naman itatanong sa kanya,para pagusapan nyo?Uunahin mo na naman inis mo?Yung emosyon mo? Kailan ka pa naging ganyan? Kailangan bang umabot na sa ganito ang relasyon nyo?

Huminga sya sandali,pagkatapos ay naglakad pabalik sa dressing room ng nobya.

Sakto namang papalabas na ang mga ito kasama ang glamteam at teamvice nya.

"Me,sasabay na kami ni Aaron kay Archie ha."ani Buern."May bibilhin kami sa mini-mart."

"Kay Arch--"

"Oo diba?"putol ni Buern."Lilibre ka pa nga ni Archie ng ice cream eh."pasimple pa nitong siniko ang dalawa.

"Sige mga bakla,ingat kayo ha?"pagsakay ni Vice sa mga ito."Archie,drive safetly."

"Yes mamah."sagot nito saka tumingin kay Ion."Ingat din kayo. Kuya,una na kami."pagpapaalam nito.

"Sige ingat kayo."tinanguan na lamang sya ng mga ito.

"Bye meh."

"Sige,ingat ha?"

"Kayo rin mah."

Naglakad na ang mga ito palabas ng Abs habang naiwan naman ang dalawa roon.

"Uuwi na ba tayo?"tanong ng binata.

"Mmmm,siguro."di siguradong tugon ng bakla."Ikaw,may naiisip ka ba? O m-may gusto kang puntahan?"

Napatingin ito sa relo."Uhm, grocery muna tayo?"

"Sige.."

Akmang palabas na ng sasakyan ang bakla ng pigilan sya ng nobyo. Nakahawak ito sa braso nya.

"Bakit?"

Tinanggal nito ang cap at isinuot sa nobya. Ibinaba rin nito ang salimin ng bakla na nakalagay sa ulo upang isuot sa mata nito. Sunod nitong dinampot ang green nyang jacket at isinuot sa bakla.

"Pano ka?"tanong ng bakla.

"Okay lang."tugon nito saka inayos ang suot."May hoodie 'to oh. Tara?"

Tumango ito at nagtungo na nga sila sa grocery.

***

"Anong gusto mong kainin Babe?"anang lalaki habang nagtutulak ito ng pushcart at nagtitingin tingin lamang ng mga pwedeng lutuin.

"Uhm,ikaw bahala."tipid nyang sagot. Tumango lang ang huli.

Pagkatapos ng halos kalahating oras ng pamimili ay nakaalis na rin sila roon at mabuti na lamang ay hindi pa masyadong marami ang tao kaya hindi sila nadumog at natagalan.

Habang nasa sasakyan ay nakadungaw lamang sa daan ang bakla. Abala rin naman kasi sa cellphone ang kanyang nobyo.

Habang nasa labas ng sasakyan ang tingin ay nahagip ng kanyang mata ang dalawang magkasintahang masayang naglalakad papasok sa isang shop habang magkahawak ang mga kamay.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now